Chapter 12: Half of the story.

246K 3K 300
  • Dedicated to Roxan Ranoco
                                    

Chapter 12: Half of the story.

 

 

 

Nakaupo pa din ako sa kama nang biglang bumukas ulit yung pinto.

Si Seb pala. Papunta siya sa direksyon ko ngayon. pagkatapos hinila ako patayo.

“bakit?” nagtataka kong tanong

“sweety labas tayo. Ang pangit pa din kasi ni ate hahaha”

“sus ayaw mo lang makita first love mo” nakapout kong sabi

“hindi ah!”

“eh bakit di mo ko masagot kanina?” nakatayo pa din kaming dalawa ngayon

"kailangan pa ba yun? Napaisip nga ako saglit dun. Pero di ko na pala kelangan mag-isip hahaha. Paglabas ko ng kwarto akala ko susundan mo ko hindi pala kaya ayun kukunin ko lang yung naiwan ko dito sa loob kaya tara na?”

“para naman akong gamit na pwede mo lang iwanan kung saan. Ayoko lumabas”

“sweety naman >.<”

Bigla niya ako niyakap at pinatong ang ulo niya sa balikat ko. nagpapakasweet nanaman siya. ganito kami parati pag nagkakatampuhan. Madalas kasi nadadala ako sa ka-sweetan niya. hindi naman sa nagpapakamartir ako pero ibang usapan kasi kung ikakasal kami pero hindi naman pala namin mahal isa’t-isa ang pangit naman nun. For some reason may karapatan akong malaman ang totoong nararamdaman ni Seb. I’m his fiancé so he should love me like the way I do.

Alam ko naman mahal niya ako, natatakot lang ako sa pagbabalik ng first love niya.

Nakayakap pa din siya saakin. Ramdam ko ang mga kamay niya sa likuran ko, ang dampi ng labi niya sa leeg ko pati ang paghinga niya sa balat ko. buhay nga naman.

“ikaw ang mahal ko Gail” sabi niya na may kasiguraduhan ang tono

“totoo? Hindi ka nagbibiro?” narinig kong tumawa siya

“sa tatlong taon ba naman nating magkasama sa iisang bahay, kulang nalang anak happy family na sana”

“Seb naman” hindi pa din siya bumibitiw kaya niyakap ko na din siya. “basta mahal mo ako ah”

“oo naman. Si Shannen? Wala yun. Hindi naman naging kami nun”

“totoo ba yan? Edi hindi mo siya nahalikan? Wala din ano. Ahm wala ding nangyari sainyo?”

“HAHAHAHA ang straightforward mo talaga. Kaya kita mahal eh” hinalikan niya pa ako sa ulo ko >///<

“mahal mo talaga ako? as in sobra?” naninigurado lang ako >.<

SL BOOK 3: Definitely a Sadist! (FIN)Where stories live. Discover now