Chapter 42: Kasi Eh!

212K 2.6K 362
                                    

Chapter 42: Kasi Eh!

 

 

 

 

Bigla nalang bumilis yung tibok ng puso ko nang inilahad niya yung kamay niya. >///<

Ang ganda pa nung liwanag ng buwan na tumatama sa mukha niya.

Pero sila papa?

“pero kasi Lance ano. Ah---“ bigla nalang siyang ngumiti tas maya maya bahagya din siyang tumawa saka sinabing: “hoy hwag kang OA. Hindi kita itatanan” sabay binatukan pa niya ako! Panira ng moment! Akala ko pa naman >__<

“tse! As if nag-assume naman ako. kapal ng mukha neto” binatukan ko din syempre! Ang swerte niya ah!

“dali sumama ka sakin”

“ayoko matutulog nalang ako” humiga ulit ako sa kama ko at nagtaklob ng kumot.

Panira naman kasi ng moment.

Akala ko itatakas na niya ako.

Pero kung itatakas man niya ako, sasama ba ako?

Oo nakakaexcite, pero mahirap pag iniwan ko ang pamilya ko.

Hindi ko sila kayang iwanan.

“Sharlot” umupo siya sa may side ng bed at saka tinanggal yung kumot na nakataklob sa mukha ko.

“matutulog ako” nagtatampo ako. joke! Napahiya kasi ako dun. Nahiya naman daw ako sakanya. feeling ko kasi kanina itatakas na niya ako.

“Paano ka ba nakapasok dito?”

“kuya Rex mo” naglakad siya papalapit sa may desk ko at saka tinignan ang mga nakapatong na pictures. Halos picture namin ni Aki mga nandoon. As if naman maglalagay pa ako ng picture ni Lance dyan. may cellphone naman kaso wala na. kinuha na ni papa.

Pinagmamasdan ko lang siya habang nililikot niya mga gamit ko. ewan ko dyan at tuwang-tuwa siyang pagmasdan mga picture namin ni Aki. Nakangiti pa kasi siya.

“hoy kung nakakatunaw lang mga titig mo panigurado tunaw na din yang pictures” nakangiti kong sabi.

Humarap siya saakin yung tipong parang nantitrip lang. “edi pati ikaw sana tunaw na din”

Errr anuba! Hehe

“tse!” itinakip ko nalang ulit yung kumot sa mukha ko

SL BOOK 3: Definitely a Sadist! (FIN)Where stories live. Discover now