Chapter 30: bahala ka

229K 3.1K 701
                                    

Chapter 30: bahala ka

 

 

 

Lahat yata ng sinabi nila tumatagos sakin.

Si Lance sumugal na dati.

“hey” si Celina lang pala.

Nadito ako sa may veranda. Sila naman busy, si Gail kasama si Seb. Ayoko naman silang istorbohin. Sila Lance kasi naglalaro naman ng soccer dun sa malapit na field. Si JL nanunuod dun. Ales and Kysler? Wala pa.

“for some reason parang galit ka sakin” umpisa niya

“hindi naman” naiinis lang siguro.

“ang totoo niyan tinutulungan lang talaga ako ni Lance. swear! Nakakatuwa kasi ang bait niya sa taong bagong kilala” yun nga mismo. Ang bait na niya. din a siya yung Lance dati. Yung akin lang. ano nanaman mga iniisip ko? aish.

“alam mo ba? Ang sadista mo”

“edi ako na pala sadista” tumawa lang siya sa naging sagot ko.

“mabait si Lance alam mo ba yun?”

“di naman magiging kami noon kung di ko nagustuhan ugali niya diba?” kahit di ako nakatingin sakanya alam kong nakangiti siya. malamig ang simoy ng hangin. Gabi na din kasi.

“madali siyang mahalin” this time napatingin ako sakanya. Nakatingala lang siya sa langit.

“ang swerte swerte mo sakanya. Kahit sandal ko palang siya nakilala alam kong sobrang bait niya kaya nga siya ang kinukulit ko tungkol sa problema ko eh”

“nalaman ko din na si JL may gusto din kay Lance. ibang klase! Sa totoo niyan natawa ako kay ate JL kanina sa sinabi sayo. I know masamang makinig ng usapan” paliwanag niya kasi napansin ata niyang nanlaki mata ko >.<

“risk something good and gain better in return? Mali yun. Minsan pagnagrisk ka, di mo nakukuha yung mas gusto mo.”

Hindi na ako nagsalita pa. Ayokong magreact sa sinabi niya.

“at sino naman nagsabing mali ako?” si JL. taklesa talaga.

“tama ako. hindi ko nga nakuha si Lance but I gained his trust, as his second bestfriend? Not bad right? And dagdag mo na din yung isa pang Lance na biglang dumating nung nasasaktan na ako dahil sa kaka-emote ni Lance. mahirap yun ah”

“waaah sorry ate >.<”

“yuck! Don’t call me ate! Look di nga halatang mas matanda ako sayo eh! Like duh!”

Iniwan ko na sila doon at naglakad lakad na muna sa labas. Iniisip ko pa din mga nasabi nila sakin. Alam ko naman na sugal ang pag-ibig. Hindi naman kasi laging tama ang mga desisyon namin.

SL BOOK 3: Definitely a Sadist! (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon