LLI: Tres

20.1K 438 55
                                    

Ang pagtatagpo

-------------------------

Tirik na tirik ang araw nang puntahan ni Darren si Kiko sa shop nito upang kulitin ang binata.

"Oo na, pupunta na nga ko mamaya," aburidong sagot ni Kiko sa kaibigan niyang si Darren.

"Dapat lang na pumunta ka," nakangising sagot sa kanya ni Darren.

"Alam mo, pre, para kang tanga. Kaninang umaga mo pa 'yan sinasabi sa akin. Ano ba kasing meron d'yan sa birthday party turned engagement party kuno mo bukod sa surprise proposal mo kay Chrismae?" nabu-bwisit na tanong ni Kiko sa kaibigan. Kanina pa kasi siya nito binubwisit at inaasar sa isang bagay na hindi niya alam.

Nagkibit-balikat lang naman si Darren sabay ngiti ng nakakaloko. Bwisit na bwisit na si Kiko sa kaibigan at gusting-gusto na niya itong palayasin sa shop niya. Nakatambay kasi ito sa shop ni Kiko kanina pa at kinukulit ito tungkol sa event na magaganap mamayang gabi.

"Lumayas ka na nga dito sa shop ko! Anong oras na oh? Asikasuhin mo na lang 'yang surprise mo," pagtataboy nito. Natatawa tawa namang umalis si Darren sa shop ni Kiko ngunit bago ito makalayo ay sumigaw ulit ito.

"Basta punta ka mamaya ah!"

"Oo na. Gago!" sigaw ni Kiko pabalik. Nginitian lang na naman siya ng nakakaloko ng binata. Napailing na lang si Kiko sa inasal nito at muling nag-ayos ng mga resibo sa kanyang electronics shop.

Habang nag-aayos ito ng resibo ay bigla na lamang may lumapit na babae sa kanya at pinulupot ang braso nito sa braso niya. Bigla naman siyang napatingin sa babaeng ito at tinulak ito palayo sa kanya.

"Babe!"

"Hoy Clarisse! Tigil-tigilan mo nga ko sa kaka-babe mo. Mandiri ka nga!" sigaw ni Kiko na may halong pandidiri kay Clarisse.

Hindi naman pangit si Clarisse para pandirihan ni Kiko. Maganda naman ito at slim pa ngunit kung mag-make up ay akala mo araw-araw may okasyon at kung magdamit ay masyadong revealing. May maipagmamalaki naman ito ngunit parang nawawalan na ito ng respeto sa sarili dahil sa mga isinusuot.

"Ito naman, pakipot pa!" malanding sabi ni Clarisse kay Kiko. Akmang hahalikan ni Clarisse si Kiko ngunit bigla itong lumayo sa kanya at kumuha ng kapirasong resibo at nilagay sa bibig ni Clarisse.

"Ayan ang resibo, laklakin mo!" sigaw ni Kiko sabay alis.

***

"Te, anong oras daw ba yung event?" tanong ni Gabby kay Aya na nag-aayos ng camera'ng gagamitin nila mamaya.

"Seven PM daw tayo pumunta e," sagot ni Aya ng hindi tumitingin dito.

"Eh? Gabi? Saan daw ba gaganapin?" sunud-sunod na tanong ni Gabby.

"D'yan lang daw sa bahay ng lola ni Darren. Malaki naman daw kasi yun kaya doon na lang ginanap para hindi na lumayo," sagot ni Aya at tumango na lamang si Gabby.

Mabilis na lumipas ang oras kaya nagmamadali ring kumilos sila Aya at Gabby. Maga-alas syete na kasi ng gabi at ngayon pa lamang sila aalis. Pareho kasing umidlip muna ang dalawa sa sari-sarili nilang kwarto at hindi namalayan ang oras at nagising sila ng alas sais.

"GABRIELLO! Dalian mo nga!" sigaw ni Aya mula sa labas ng kanilang bahay.

Inis na inis na kasi ito sa kaibigan niya dahil sa halip na bilisan ay kung ano-ano pa ang nilalagay nito sa pagmumukha. Hindi naman nagme-make up si Gabby kahit na bakla siya pero ang dami niyang nilalagay na moisturizer at kung ano sa mukha nito.

Langit, Lupa, ImpyernoDonde viven las historias. Descúbrelo ahora