Huling mensahe ni CG

11.5K 306 65
                                    

Ako po'y lubos na nagpapasalamat sa aking mga readers (naks!). Oo nga't konti lang kayo ngunit kung wala kayo, hindi ko matatapos itong Langit, Lupa, Impyerno. Inaamin ko, hindi ako magaling gumawa ng twist kasi sobrang hirap mag-isip pero natutuwa pa rin ako kapag sinasabi niyo sa mga comment niyo na grabe ang twist ng istoryang ito kahit na para sa akin e, parang hindi. 

Nais ko rin pong ipaalam na i-e-edit ko ang buong istorya ngunit 'wag kayong mag-alala dahil wala naman akong iibahin sapagkat lilinisin ko lamang ito. Pansin niyo naman siguro 'yung mga mali ko sa gramatika sa naunang bahagi 'di ba? Lalong-lalo na sa paggamit ng rin, din, raw, daw, ng, nang at marami pang iba. Pero 'yung mga nahuling parte, ayos-ayos na kasi medyo nalalaman ko na ang tamang paggamit nila. 'Yun lang naman ang lilinisin ko at wala na akong babaguhin, idadagdag o kaya nama'y aalisin. 

Muli, ako po ay nagpapasalamat sa inyo. Maraming-maraming salamat!


PS:

Sana po mabasa niyo rin ang isa ko pang istorya na ang genre ay pinaghalong Fantasy na may kaunting Horror. Ang title po nito ay Adrasteia. Kung nais niyo pong basahin, hanapin niyo lamang sa profile ko o kaya naman ay i-click ang external link. Salamat ulit!

-CG




Langit, Lupa, ImpyernoWhere stories live. Discover now