LLI: Catorce

11.6K 272 9
                                    

Ang pagkawala nila

-------------------------

Isang palaisipan para kay Aya ang madatnan ang mga gamit ni Gabby sa labas ng kanilang pintuan at ang kanyang kotse'ng nakaparada na ginamit nito nang lumawas ito ng Maynila. Nagtaka siya kung bakit iniwan ni Gabby ang mga gamit nito sa labas at higit sa lahat bakit hindi ito nagsabing uuwi na ito galing Maynila. Tinawag niya si Kiko na nasa kusina at nagluluto ng kanilang agahan.

"Umuwi ba si Gabby kagabi?" nagtatakang tanong niya. Napakunot-noo naman si Kiko sa tanong sa kanya ni Aya. Tinuro naman ni Aya ang mga gamit ni Gabby na nasa labas ng kanilang pintuan at ang kotse nitong nakaparada. Umiling naman si Kiko.

"Eh, ba't nandyan mga gamit niya? Nasa'n na siya?" nagtatakang tanong ni Kiko. Sinimangutan naman siya ni Aya.

"Malay ko. Kaya nga tinatanong ko sa'yo e. Wala ka bang narinig na kumatok kagabi?" Nag-isip naman si Kiko at napailing.

"Eh, nasa'n na si Gabriello? Sa'n na nagpunta 'yung baklang 'yun?" nagtatakang tanong ni Aya. Ngumisi naman ng malawak si Kiko.

"Baka alam niyang magkasama tayo kaya iniwan na niya tayong dalawa para ma-solo kita." Isang pilyong ngiti ang ibinigay ni Kiko kay Aya. Nakakuha naman siya ng malakas na palo sa balikat.

"Kumain na nga lang tayo! Ipasok mo 'yang gamit ni Gabriello," sigaw ni Aya rito at saka dumiretso sa kusina. Natatawang binuhat na lamang ni Kiko ang gamit ni Gabby.

Tahimik lamang na inaayos ni Aya ang hapag-kainan habang hinihintay si Kiko. Hindi niya mawaglit sa kanyang isipan si Gabby. Hindi basta-bastang aalis ng walang paalam si Gabby kaya sobra siyang nagtataka. Bigla siyang nakaramdam ng kaba sa 'di niya malamang dahilan. Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone na nakapatong sa isang lamesa sa kanilang sala. Pumindot siya ng numero at saka siya nakarinig ng ring mula kabilang linya.

"Napatawag kayo, Ma'am?" sagot ni Annikka, ang isa sa mga photographer nila sa Monstre Sparks at ang nangangalaga ngayon dito habang sila'y nasa bakasyon.

"Nakauwi na ba si Gabriello?" tanong niya rito.

"Si Sir – este Madam Gabby? Yes, Ma'am. Actually, nakausap ko pa siya sa cellphone nang makarating siya diyan. Mga pasado alas dose na rin 'yun, Ma'am." Bigla namang nanlaki ang mata ni Aya sa isinagot sa kanya nito.

"S-sige, salamat. Ikaw na muna ang bahala diyan," wika niya at saka ibinaba ang kanyang telepono.

Napaupo siya sa sofa ng kanilang sala. Hindi mawala ang pagtataka at pag-alala sa kanyang mukha. Saan pumunta si Gabby? Anong nangyari kay Gabby? Nakaramdam na siya ng takot at pangamba. Bigla siyang kinabahan. Hindi na siya mapakali sa kanyang mga naiisip.

"Kain na tayo. Baka may pinuntahan lang 'yun. Malay mo, bumalik din 'yun mamayang tanghali," wika ni Kiko. Napabalik naman sa reyalidad si Aya at napatingin kay Kiko na may halong takot sa mata. Nginitian naman siya ni Kiko na siyang nakapagpagaan ng kanyang kalooban. Ngumiti siya rito ng matipid at sinabayan itong maglakad patungo sa kusina.

***

"Kumusta na pala ang mga magulang mo? Nasa Maynila rin sila, 'di ba?" tanong ni Kiko kay Aya habang nakaupo sila sa sofa. Kanina pa sila nagku-kwentuhan tungkol sa kanilang mga pamilya. Biglang sumeryoso ang mukha ni Aya at nanahimik ng ilang sandali na ipinagtaka naman ni Kiko kaya nilingon niya ito habang naka-akbay ito sa dalaga.

"U-ulila na ako, Kiko," malungkot na sagot ni Aya. Napabitaw naman sa pagkaka-akbay si Kiko at umaayos ng upo dahil sa gulat.

"A-ano?" gulat na tanong nito. Marahan namang tumango si Aya.

Langit, Lupa, ImpyernoWhere stories live. Discover now