LLI: Doce

14.8K 304 14
                                    

Ang unti-unting paglabas ng katotohanan

-------------------------

"Oh, ba't bumalik ka rito, Darren? Sino na ang kasama nila Chrismae?" bungad na tanong ni Aling Nena kay Darren nang makita niya itong bumalik sa burol ni Ken. Hindi naman siya sinagot ng kanyang anak at naupo lamang sa isang silya. Hindi kasi ito makatulog matapos nilang magkasagutan ni Chrismae.

Binabagabag siya ng kanyang konsensya dahil sa pagtataas niya ng boses sa dalaga. Oo, inurong niya talaga ang kasal hindi dahil sa kasong hindi niya masolusyunan kung hindi dahil gusto niyang matuklasan ang bagay na bumabagabag sa kanya at iyon ay ang koneksyon ni Chrismae kay Rosario. Alam niyang mabait sila Chrismae at ang kanyang ina kay Rosario ngunit kailanman ay hindi ito kinausap ng kanyang nobya kaya grabe ang kanyang pagtataka.

Tumayo si Darren upang magtimpla ng kape ngunit nagulat siya sa kanyang nakita nang siya'y tumayo.

"R-rosario?" bulong niya. Nasa malayo si Rosario at nakasilip lamang sa kabao ni Ken. Alam niya ang nakaraan ni Ken at Rosario kaya hindi na siya nagtaka pa kung bakit nandito ang dalaga ngunit ang ikinagulat niya ay hindi mo makita ang lungkot sa mukha nito. Mahal na mahal ni Rosario si Ken, saksi siya sa pagmamahalan ng dalawa kaya nagtataka siya kung bakit parang wala lang kay Rosario ang pagkamatay nito.

Maglalakad na sana si Darren upang lapitan si Rosario para alukin itong pumasok at para na rin makausap niya ito ng masinsinan. Nais niya kasing tanungin ito tungkol kay Chrismae. Ngunit bigla siyang napahinto nang makita ang mata nitong titig na titig sa kabao ni Ken at mas lalo siyang nabigla nang ngumisi ito. Napabaling ang atensyon ni Rosario kay Darren dahil napansin nitong nakatingin sa kanya ang binata. Tinitigan niya ito sa mata at saka ngumisi at nilisan ang lugar.

***

"Aya," tawag ni Kiko habang kumakatok sa pintuan ng kwarto ni Aya. Sa bahay nila Aya natulog si Kiko dahil wala si Gabby ngunit hindi sila sa iisang kwarto sapagkat sa guest room natulog si Kiko. Malaki ang bahay nila Aya, may tatlong kwarto ito, isang guest room at kwarto ng katulong.

Napabangon naman bigla si Aya nang marinig niya ang katok at tawag ni Kiko. Inayos niya ang kanyang mukha at buhok saka binuksan ang pintuan ng kanyang kwarto. Bumungad sa harapan niya ang nakangiting si Kiko.

"Good morning," nakangiting bati sa kanya. Napangiti rin naman siya.

"Good morning. Ang aga mo naman yatang nagising."

"Hindi rin. Alas onse na kasi ng umaga e. Tulog mantika ka lang talaga," nakangiting wika ni Kiko saka pinisil ang pisngi ni Aya. Bigla namang nakaramdam ng hiya si Aya. Oo, tulog mantika siya kaya nga halos ibalibag na ni Gabby ang pintuan ng kwarto niya kapag ginigising siya e.

"Aray! Masakit ha," wika ni Aya habang nakanguso at nakahawak sa pisngi niyang pinisil ni Kiko.

"Ay, masakit ba? Sige, iki-kiss ko na lang." Bago pa man makapag-protesta si Aya e, hinalikan na siya agad ni Kiko sa pisngi. Natigilan naman siya at biglang namula.

"Namumula siya oh. Ayiiieh! Kinikilig siya. Halika na nga at kumain ka na. Baka wala na akong mayakap kapag pumayat ka," natatawang wika ni Kiko habang si Aya ay pulang-pula na. Hindi na naman nakapagsalita si Aya sapagkat hinila na siya ni Kiko pababa.

KAKATAPOS lang kumain nila Aya nang mag-ring ang telepono ni Kiko. Tumingin si Kiko kay Aya na parang nagpapaalam. Tinanguan naman siya ni Aya.

"Oh Darren, ba't ka napatawag?" wika ni Kiko nang sagutin niya ang kanyang telepono. Bigla namang nanlaki ang mata ni Kiko at napatayo sa gulat.

Langit, Lupa, ImpyernoWhere stories live. Discover now