LLI: Siete

14.9K 363 34
                                    

Ang may sala

-------------------------

Kanina pa nag-iisip si Darren sa kanyang tagong silid tungkol sa mga kaganapan at trahedyang nangyayari sa kanilang lugar. Noong ibinulgar niya kasi ang tatlo sa apat na suspect ay hindi niya inaasahang mas magiging kumplikado ang lahat.

Iniisip niya ngayon ang pagkamatay ni Clarisse. Alam niyang walang sala si Clarisse ngunit hindi siya nakakasiguro sapagkat sa mga ebidensyang kanyang nakalap.

Nasa pinangyarihan ng insidente si Darren habang masinsinang ini-embestigahan ang buong paligid upang magkaroon ng ideya sa kasong hawak niya.

May nakita siyang bracelet malapit sa bangkay ng mga bata. Kinuha niya ito at inilagay sa plastic. Pagdating sa pulisya ay pina-imbestigahan niya kung kaninong finger print ang nasa bracelet na ito. Hindi kasi niya matanggap na ang kasintahan niya ang may ari ng bracelet na natagpuan niya.

Doon lang niya napansin ang isang damit na naliligo sa dugo sa 'di kalayuan at nakumpirmang ito ang paborito at laging suot ni Clarisse.

Ngayon, hindi mawari ni Darren kung tama ba ang mga kutob niya. Hindi niya kasi matyempuhan ang mga tao na makatutulong sa kanya upang malutas ang kasong ito.

Ngunit ngayon, mas binigyan niya muna ng pansin ang kaso ni Clarisse. Alam niyang kapag nalutas niya ang kaso ni Clarisse ay malulutas niya rin ang kaso ng pagkamatay ng mga tao sa Sta. Evilia. Naniniwala siyang iisang tao lang ang pumatay kay Clarisse at ang pumatay sa iba.

Nakaramdam ng gutom si Darren kaya agad siyang lumabas sa kanyang tagong silid at tinakpan ang lagusan nito ng iba't ibang gamit.

Nagtungo siya sa kanilang kusina at naghanap ng pagkain at kumuha ng plato at kutsara. Hindi sinasadyang nahulog niya ang kanyang kutsara kaya dinampot niya ito. Nagulat naman siya nang may makita siyang gloves sa puno ng dugo sa kanilang sahig.

Hinawakan niya ito at tinignan. Nagtataka siya kung bakit mayroong ganito sa kanilang kusina dahil hindi naman gumagamit ng gan'to ang kanyang ina. Ang mas ipinagtaka niya ay kung bakit puno ito ng dugo.

"Takot si nanay sa dugo kaya bakit may ganito dito?" bulong niya.

Nagtatakang pinagmasdan niya lamang ito habang hawak-hawak. Nagulat na lamang siya nang biglang may humablot sa kanya nito.

"Chrismae?!" gulat nitong wika. Bigla namang nag-iba ang kanilang paligid dahil sa ilangan sa isa't isa. Hindi pa kasi sila nagkakaayos matapos ang pagtatampo ni Chrismae sa kasintahan.

"B-bat may ganyan dito?'

"Ahh.. ano.. G-ginamit ko 'to sa paglinis ng isda. S-sige, lalabas na muna ako," hindi makatingin ng diretsong wika nito. Lalo namang nagtaka si Darren sa kinilos ng kanyang kasintahan. Kumain na lamang siya at matapos ay nag-ayos upang pumasok sa kanyang trabaho.

***

Ilang araw na ang lumipas simula ng nangyari kay Clarisse. Nailibing na din ito ngunit hindi pa rin nahuhuli ang may sala.

"Maawa po kayo! Alamin niyo kung sino ang may gawa nito sa anak ko," pagmamakaawa ng ina ni Clarisse kay Darren.

"Ini-imbestigahan pa po namin ito. May mga suspect na po kami kaso wala kaming ebidensya," paghingi ng tawad ni Darren.

Hindi naman umimik ang ina ni Clarisse at patuloy lang sa pag-iyak. Hindi nito matanggap ang nangyari sa kanyang anak. Kakauwi lang nito galing sa Maynila dahil doon naka-base ang trabaho nito. Hindi nito inaasahan na pag uwi niya ay wala na ang kanyang anak.

Langit, Lupa, ImpyernoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon