LLI: Nueve

20.3K 392 18
                                    

A/N:

Happy 1k! Salamat sa mga nagbabasa nito kahit matagal ang UD. Dedicated sa'yo @AicirtapEmiaj :) Maraming salamat sa napakagandang cover. 

***

Ang dugong nananalaytay.

-------------------------

LINGGO

Maagang nagising at nag-ayos si Aya dahil mag-sisimba silang dalawa ni Kiko. Inaya kasi siya nito kahapon matapos siyang ihatid. Nagtampo pa nga si Gabby sa kanya ngunit nang malaman na si Kiko ang kasama e, halos ipagtabuyan na siya para lang sumama kay Kiko. Botong boto talaga ang kanyang kaibigan sa kanyang manliligaw.

Naalala ni Aya ang nangyari kahapon noong paalis pa lamang sila ni Kiko. Noong nakasalubong nila si Rosario. Bigla siyang na-estatwa at napaharap sa kanan niya kung nasaan ang kanyang full body mirror. Matagal niyang tinitigan ang kanyang repleksyon sa salamin. Iniisip niya ang huling katagang winika ni Rosario noong nilagpasan siya nito.

"Isinumpa siya. Siya ang may dala ng sumpa. Siya ang dahilan ng pagkamatay. Dahil inuwi niya ang sumpa. Hahaha," iyan ang katagang huling sinabi ni Rosario.Iyan din ang katagang paulit ulit sa kanyang utak. Napailing siya at hinawakan ang kanyang ulo. Hindi niya maalis sa kanyang utak ang nakakakilabot na tawa at boses ni Rosario. Para itong mangkukulam kung humalakhak.

Ngunit may mga tanong na kanina pa bumabagabag sa kanya na may kaugnayan din sa huling sinabi ni Rosario. At iyon ay kung sino ang tinutukoy nitong isinumpa.

"Ako ba ang may dala ng sumpa? Anong sumpa iyon?" bulong niya sa kanyang sarili habang nakatitig pa din sa kanyang repleksyon. Nanginig naman siya sa gulat nang biglang may padabog na kumatok sa pinto ng kanyang kwarto.

"Hoy, Aya! Uso lumabas ng kwarto, 'te. Baka nandito na 'yung manliligaw mo?" sigaw ni Gabby.

Hindi na siya sumagot at inayos na lamang ang kanyang sarili at kinuha ang kanyang wallet. Binuksan niya ang kanyang pintuan at isang Gabby na nakangisi ang nadatnan niya. Inirapan niya ito at hinawi upang makadaan. Tatalikod na sana siya upang bumaba ng hagdan ngunit biglang nagsalita si Gabby.

"Ateng, ang gwapo ng papable mo. Sagutin mo na 'yan kung hindi hahalayin ko 'yan," kinikilig na wika nito. Umiling iling na lang si Aya at bumaba na ng hagdan.

"Jusmiyo! Pahingi nga rin ng gwapo," rinig niyang wika ni Gabby habang siya'y pababa ng hagdan. Napatawa na lang siya ng tahimik ngunit bigla siyang na-estatwa nang makita niya si Kiko.

"Shet! Ang gwapo," sa isip isip niya. Na-imagine na lang niya si Gabby kung paano magwala kapag nakita si Kiko. Bagong gupit kasi si Kiko kaya kitang-kita mo na ang buong mukha nito. Halos maglaway na si Aya nang makita si Kiko mabuti na lamang at nagsalita ito kaagad kaya napahinto ang kanyang pagpapantasya.

"Ah.. ayos lang ba?" wika ni Kiko sabay hawi sa kanyang buhok. Nahihiyang ngumiti si Aya dito at tumango.

"Ah, tara na," yaya ni Aya. Natakot kasi siyang matunaw niya si Kiko dahil sa pagtitig niya.

Naglakad lang sila papunta sa simbahan dahil malapit lang naman ito. Saka mas gusto nilang maglakad para mas matagal silang magkasama. Sakto lang ang dating nila sa simbahan dahil mag-uumpisa pa lang ito at hindi naman sila naubusan ng upuan dahil kakaunti lang naman ang tao sa bayan nila.

Pagkatapos magsimba, namasyal lang ang dalawa at kumain ng paborito nilang lugaw sa isang karinderya. Wala naman kasing malapit na mall dito kaya puro pamamasyal at pagtingin sa mga magagandang tanawin ang ginawa ng dalawa. Nang magtanghalian, hinatid na ni Kiko si Aya pauwi dahil baka nagwawala na si Gabby doon. Takot nga kasi si Gabby'ng mag-isa sa bahay nila Aya.

Langit, Lupa, ImpyernoWhere stories live. Discover now