LLI: Seis

14.4K 355 21
                                    

Ang pagkamatay

-------------------------

Kanina pa hindi mapakali si Kiko sa tapat ng bahay nila Aya. Iniiisip kung anong klaseng pagbati ang kanyang gagawin. Ngunit nagaalangan pa itong kumatok dahil sa kaba.

Huminto ito sa pabalik balik na paglakad at saka huminga ng malalim.

"Kaya ko 'to!" bulong nito sa sarili.

Pinagpapawisan ito ng malamig nang ito'y kumatok ngunit nang masilayan ang nilalang na nasa kanyang harapan ay bigla na lamang nanlaki ang mata nito dahil sa gulat.

"Ay! May papa!" sigaw ni Gabby na may kung anong cream ang nakabalot sa mukha. Doon mas nakumpirma ni Kiko na tunay ang sinabi sa kanya ni Aya kahapon. Ngumiti na lamang si Kiko ng alanganin dito at binati na rin ito ng magandang hapon.

"Ahh.. S-si Aya?" Bigla namang ngumiti ng napakalawak si Gabby.

"Wait. Tatawagin ko lang..."

"...Ayaaa!" sigaw nito.

"ANO BA GABRIELLO! Ang inga– KIKO?!" gulat na sigaw ni Aya. Kumaway naman ng alanganin si Kiko at pilit na ngumiti sa dalaga.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Ahh.. P-pwede ba kitang yayain lumabas?" nahihiyang alok ni Kiko. Magsasalita na sana si Aya ngunit may biglang sumabat sa kanya.

"OH MY GOD! Date ang tawag diyan, 'Te! Pumayag ka na," nagwawalang sigaw ni Gabby sabay palo pa sa balikat ni Aya ng pagkalakas-lakas.

Sinamaan naman siya ng tingin ni Aya kaya bigla niyang inayos ang kanyang sarili at nagdagdag pa ng cream sa kanyang mukha. Nahihiya namang tumango si Aya kay Kiko.

"Ah.. S-sige ba."

"T-talaga?"

"O-oo. Ngayon na ba?"

Dahan-dahan namang tumango si Kiko na hindi mabura ang ngiti sa labi. Dali-dali namang nagpaalam si Aya at umakyat sa kanyang kwarto upang magbihis.

"Uy, Papa Kiko! Galingan mo ah," kinikilig na wika ni Gabby kay Kiko at umalis na.

Natatawa namang napailing si Kiko dahil dito. Ilang minuto lang ang lumipas ay lumabas na rin si Aya at umalis na rin sila ni Kiko. Pumunta lamang sila sa isang parke na malapit sa simbahan ng Sta. Evilia.

"Hindi mo ba naaalala yung lugar na 'to?" panimulang tanong ni Kiko. Nag-isip naman si Aya saglit ngunit napailing din.

"Dito kaya tayo naglalaro noon," nakangiting wika nito. Sumimangot si Aya na parang may naalala ngunit panandalian lang at biglang ngumiti.

"O-oo nga, naalala ko na," wika nito na may pilit na ngiti. Hindi naman ito nahalata ni Kiko kaya ngumiti na lamang.

Buong hapon lang silang magkasama. Naglaro sa parke na parang mga bata. Kumain ng mga street foods at kung ano-ano pa. Naging mas komportable sila sa isa't isa at hindi maiwasan ang magkaroon ng malagkit na tinginan.

"Aya.." mahinahong tawag ni Kiko sa dalaga nang maupo sila sa isang bench matapos maglaro na parang mga bata.Tumingin naman sa kanya si Aya at itinaas ang dalawang kilay.

"Hmmm.. Sa tingin mo, may pag-asa ako sa'yo?" diretsyahang tanong nito. Umiwas ng tingin si Aya at nag-isip lang saglit at unti unting ngumiti.

"Lahat naman ng tao, may pag asa e. Ikaw pa kaya," wika nito sabay tayo at nag-umpisa nang maglakad upang umuwi. Madilim na rin kasi.

Natigilan saglit si Kiko at ngumiti ng napakalawak. Makaraan ang ilang sandali ay hinabol na rin niya ang dalaga at sinabayan ito sa paglakad.

***

Alas diyes na ng gabi ngunit nasa kalsada pa rin si Clarisse.

"Bwiset na rebond kasi 'yan! Ang tagal tagal," naiinis na wika nito habang naglalakad. Naiinis ito na natatakot dahil sa tinatahak na daan. Liblib kasi ang kalsadang ito at puro talahib lang ang makikita.

Biglang lumakas ang tibok ng puso niya nang may maaninag siyang bulto ng isang tao. Ngunit nawala din ito nang makilala niya kung sino ang taong 'to.

"Chrismae? Anong ginagawa mo rito? Anong oras na nasa labas ka pa rin. Buti hindi ka hina-hunting ng dyowa mo," wika nito nang masalubong ito. Tiningnan naman siya ni Chrismae mula ulo hanggang paa.

"Makapagsalita ka parang wala ka rin sa labas ng ganitong oras na may ganyang damit." Sabay tingin niya ulit sa sando at short shorts na suot ni Clarisse. "Saka, hindi naman ako hahanapin ng lalaking 'yun," nakasimangot na wika nito. Napatawa naman ng kaunti ni Clarisse.

"LQ lang 'Te? Buti pa ako, kahit suspect sa lecheng pagpatay na 'yan e, chill lang," walang kwentang wika ni Clarisse.

Naalala na naman ni Chrismae ang pagiging suspect niya. Paanong sarili niyang kasintahan ay gagawin siyang suspek sa isang krimen. Ngunit bigla siyang natigilan nang matanaw si Rosario mula sa malayo.

"Bakit?" nagtatakang tanong ni Clarisse.

"S-si Rosario 'yun ah."

Sinundan naman ng tingin ni Clarisse ang tinuro ni Chrismae. At nakita nga niyang naglalakad si Rosario. Mabuti na lamang at hindi sa direksyon nila.

"Makauwi na nga," pagpapaalam ni Chrismae at nauna nang maglakad.

Nang mawala si Chrismae sa paningin niya, nag-umpisa na ring maglakad si Clarisse ngunit may biglang tumakip sa kanyang bibig at hinila siya sa talahiban. Gusto niyang sumigaw ngunit hindi niya magawa. Nanlaban siya ngunit malakas ang nakahawak sa kanya at bigla na lamang siya nitong sinikmura.

Naramdaman na lang niya ang marahas na paghubad sa kanyang mga damit at ang paghipo sa buo niyang katawan. Hindi na niya alam ang buong nangyari at umiyak na lamang ng tahimik.

"Langit, Lupa, Impyerno." Bago siya mawalan ng malay, narinig niya ang isang tinig na labis nagpakilabot sa kanya.

***

Umagang-umaga ngunit napakaingay ng paligid dahil sa mga chismisan na nagaganap.

"Si Clarisse na-rape?!"

"Jusko! Suot kasi ng suot ng ganyan kaya ayan."

"Ni-rape na tapos pinatay pa? Halimaw may gawa niyan!"

Inutusan ni Darren ang kanyang mga kasamahan na paalisin ang mga taong nakiki-usi upang masimulan na nila ang imbestigasyon.

Bawat sulok ay sinuri ni Darren. Masinsinan niyang pinag-aralan ang lahat at binuo sa kanyang isipan ang mga nakalap hanggang sa madiskubre niya ang wakwak na dibdib ni Clarisse at hubo't hubad nitong katawan. Hindi ito naiiba sa wakwak na dibdib ng mga naunang pinatay sa bayan nila.

Habang inaayos na ang bangkay ni Clarisse upang dalhin sa morgue ay doon niya nadiskubre kung sino ang may gawa at kung ilan ang may sala.

***

Kakagising lamang ni Kiko nang mabalitaan niya ang nangyari kay Clarisse. Agad niyang dinampot ang kanyang telepono at tinawagan ang kanyang kaibigan.

"Totoo ba yung nangyari kay Clarisse?" bungad nito.

"Oo," maikling sagot ni Darren na nagmula sa kabilang linya.

"P-paano?"

"Nagi-imbestiga pa ako."

"I-ibig sabihin hindi si Clarisse?"

"Sa simula pa lang, hindi na si Clarisse. Suspect lang siya pero kahit kailan ay hindi magiging siya," makahulugang sagot ni Darren at binabaan si Kiko.

Naguguluhang ibinaba din ni Kiko ang kanyang telepono. Alam niyang may ideya na ang kanyang kaibigan kung sino ang may kagagawan ngunit alam niya ring hindi pa ito ganun kasigurado. At kahit sigurado pa man ito ay alam niyang hindi iyon sasabihin sa kanya ng kanyang kaibigan dahil masyado itong malihim.

Nag-ayos na lamang siya ng kanyang sarili upang tumungo kung saan man ibu-burol ang bangkay ni Clarisse. Kahit naman kasi ipinagtatabuyan niya ito ay naging kaibigan niya rin naman ang dalaga. Malungkot din ito sa sinapit ng kaibigan at hindi alam kung paano ito tatanggapin.

Langit, Lupa, ImpyernoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon