Simula

301K 8.2K 899
                                    

Sandejas Siblings Series #4:
Thorns And Roses

Simula: The Wounded Roses

NO... Hindi na ako babalik dito!

I screamed as the men dragged me. Hawak nila ang magkabilang braso ko at hinihila ako papasok.

"N-no! Bitiwan niyo ako!" sigaw ko at pilit na kumakawala.

"H'wag ka nang pumalag, Miss!" ani ng isa at hinatak pa ako.

I cried, nararamdaman ko ang pagtulo ng luha ko habang hinihila nila ako. Nanlalabo na ang mga mata ko sa kaiiyak pero hindi nila ako binibitiwan.

"Bitiwan niyo ako!" histerikal na sigaw ko at halos kilabutan nang makitang muli ang puting mga pader ng institusyong ito.

Hindi! Hindi ako babalik dito! Nakatakas na ako!

"H'wag kang gumalaw masyado!" sigaw ng isa. Nakita kong nakasunod sa amin ang mga guard na humabol sa akin kanina.

"Ayoko rito! Bitiwan niyo ako!" sigaw ko. Pilit kong iginagalaw ang mga kamay ko pero hindi ako makawala sa tela kung saan nakakulong ang mga kamay ko para hindi ako makalaban. Naka-krus ito sa may dibdib ko at kahit anong galaw ko ay hindi ako makawala.

Pero kahit anong sigaw ko ay hindi nila ako pinakinggan. Kinilabutan ako habang nakatingin sa pasilyo, ang mga puting ilaw na miminsa'y namamatay.

Ang mga kulay puting upuan sa gilid at ang mga kwarto na may maliit na salamin para makita ang nasa loob mula sa labas.

Nakita ko ang pagkalampag ng tao mula roon sa loob habang dumadaan kami. I saw how they tried to knock on the door and shouted but I can't hear anything!

Ang naririnig ko lang ay ang malakas na tibok ng puso ko, ang takot na nararamdaman ko, ang luha sa mga mata ko at ang pawis na tumatagaktak sa noo ko.

"Parang-awa niyo na! Pakawalan niyo ako!" suminghap ako at umiyak. Pinilit ko silang sipain pero nakaiwas sila.

"Pwede ba, Scira! Sumama ka na lang!" pero hindi ako sumunod. Sumigaw ako at mas lalong napahagulgol.

"Bilisan natin at mapapagalitan tayo kapag nalamang nakatakas na naman 'yan!" sigaw ng guard sa likod.

Mas lalo akong natakot. Parang nagha-hallucinate na ako habang nakatingin sa paligid. Ang mga taong nakaputi! Ang injection at...

"Hindi ako baliw!" sigaw ko. Kumawala pa akong muli.

"Baliw ka! Manahimik ka nga!" sinigawan ako ng isa.

"H-hindi ako baliw!" umiyak pa ako. "Parang-awa niyo na, hindi ako baliw!"

Umiyak ako nang umiyak na halos ikabingi nila pero wala akong pakialam. Walang gustong maniwala sa akin!

Hindi ako baliw!

Gusto kong sumigaw at magmakaawa para paniwalaan nila ako pero walang sino man ang gustong makinig sa akin.

"Patahimikin niyo ito pagpasok! Magagalit na naman kapag nag-rounds dito si Doc!" sigaw ng isa.

Halos mamugto na ang mata ko kakaiyak at kakasigaw.

Gusto kong makalaya! Gusto kong tumakas!

"Please! Please! Hindi ako baliw! Parang-awa niyo na!" pero hindi nila ako dininig at mas humigpit lang ang hawak sa braso ko. Nang makita ko ang kamay ng isang nurse na malapit sa akin ay kaagad akong tumungo at kinagat iyon.

"Shit!" sigaw niya at mabilis akong nabitawan. Nag-panic sila sa ginawa ko at mabilis kong sinipa ang isa na nagulat kaya nabitawan ako.

They shouted and tried to chase me but I ran. I ran as fast as I can.

"Bumalik ka rito!" nakita ko ang paghabol sa akin ng guard pero tumakbo lang ako.

Patuloy na tumakbo ako pero kaagad akong nabuwal nang may mataman, dahilan para mapasalampak ako sa sahig.

I heard their steps, naiyak ako habang nakaupo. Nahihirapan akong makatayo dahil sa sakit ng balakang ko.

Wala na, aabutan na nila ako! Ayoko na sa puting kwarto! Hindi ako baliw!

"What the hell is happening?" It was a cold, hard voice. I heard their steps stopped. Napahagulgol lang ako.

"D-doc kasi..." mabilis akong nag-angat ng tingin at umawang ang labi ko nang makita ang lalaking may madilim at tila tsokolateng mga mata.

Nakasuot siya ng scrub suit at kulay puting lab gown. May hawak siyang chart at may salamin sa mga mata niya.

"D-doc..." I called him. Mabilis siyang nagbaba ng tingin at nang makita ako ay umawang ang labi niya at nangunot ang noo niya.

"What the hell did you do to her?!" galit na sigaw niya sa mga guard at kahit ako ay natakot sa boses niya.

"K-kasi, Doc, ano..." hindi na nila natuloy ang sasabihin nila nang biglang lumuhod sa harapan ko si Doc at hinanap ang mata ko.

Nang magkasalubong ang mga mata namin ay nawala ang takot ko at kumalma ang puso ko.

"D-doc! D-doc, please, hindi ako baliw..." I cried. Suminghap siya sa sinabi ko at napahagulgol ako.

"Shh, I know, Scira... Hindi ka baliw..." napaiyak akong lalo sa sinabi niya.

He believes me! Hindi ako baliw! Palagi siyang naniniwalang hindi ako baliw!

"H-hinuhuli nila ako! Hindi ako baliw!" Napatungo ako. Mabilis naman niyang inabot ang baba ko at hinanap muli ang mga mata ko.

"Shh, calm down..." aniya. Mabilis niyang hinanap ang zipper sa damit ko para makawala ang kamay ko sa pagkakakrus sa dibdib ko at binuksan.

Nang makawala ay bigla ko siyang niyakap. Halos mabuwal naman siya sa ginawa ko pero mabilis na nakasuporta kaya hindi siya natumba.

Yumakap ako sa leeg niya. Umiyak ako nang umiyak. Siya naman ay kinakalma ako at tina-tap ang likod ko.

"Calm down, Scira..." bulong niya. "Hindi ka baliw, okay?" Paulit-ulit akong tumango.

"Now," narahang humiwalay siya sa akin at pinunasan ang mga luha ko. "Come with me."

"D-dadalhin mo ako sa puting kwarto? Ayaw ko do'n!" I exclaimed in horror. Nanginginig ang katawan ko.

"No, no..." umiling siya at hinawi ang buhok ko. "Pupunta ka sa opisina ko, hmm?"

"A-anong gagawin ko do'n?" tanong ko.

"May pag-uusapan lang tayo, ayos lang ba?" Mabilis naman akong tumango at wala akong maramdamang takot sa sinabi niya.

"Okay, salamat..." he smiled. Nakita ko ang pagngiti ng mata niya at mabilis siyang tumayo at inilahad ang kamay sa akin.

"Come on, I'll help you." Mabilis na iniabot ko ang kamay ko sa kaniya at mabilis siyang umalalay sa akin nang ininda ko ang sakit sa balakang ko.

"Are you alright?" marahang tanong niya. Umiling ako at tinitigan niya ang mata ko. Napabuntonghininga siya at nangunot ang noo bago bumaling sa guard na naroon.

"Where are her nurses?" matalim niyang sabi at doon ko nakita ang hinihingal na mga nurse na may hawak sa akin kanina.

I saw how his stare brought horror to them.

"I will talk to you later. Go to my office," mariin, galit at may halong lamig na sabi niya bago hawakan ang pulsuhan ko.

"Are you okay, Scira?" aniya na lumambot ang mata.

Tumango naman ako at hinanap ang mata niya.

"N-naniniwala kang hindi ako baliw?" Tinitigan niya ako at halong kaba at takot ang naramdaman ko nang hindi pa siya nakakasagot.

"Of course, I believe you..." he blurted out.

Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ko at napanatag ang loob ko. Hinawakan naman niya ang pulsuhan ko bago ako marahang hawakan at inalalayan papunta sa opisina niya.

Thorns And RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon