Kabanata 3

204K 8K 3.9K
                                    

Kabanata 3

"IS the room clean?" I am staring at the doctor's back as he spoke with the nurse.

"Opo, Doc," sagot nito. Napalingon sa akin si Doc sa akin, he smiled and nodded at napatungo lang ako at tinitigan ang kamay ko.

He closed the door, muli siyang bumalik sa pwesto ko at muling hinila ang upuan palapit sa akin.

"Scira?" Sumulyap ako sa kanya. He smiled again, his eyes smiling as he did. "You need to rest."

"S-saan?" I asked.

"Room, we prepared a room for you," sagot niya sa akin. Napaharap naman ako sa pintuan nang makitang bumukas iyon at umawang ang labi ko nang makita si Dra. Lim at nasa likuran niya ang pulis.

My heart beat increased rapidly again. Napausog ako sa kama na inuupuan ko nang makitang tumingin sa akin ang pulis.

"What is it, Dra?" Dr. Thorn asked her at kumalabog lalo ang dibdib ko nang tumingin sa akin ang babaeng doktor.

I held my hand before it starts shaking again and when he saw my reaction, he stepped closer and covered me.

"What is it, Dra.?" he asked again.

"About the patient..." she said at napasinghap ako roon, mas napunta sa harapan ko si Thorn at nang makitang pilit niya akong tinatakpan ay humawak ako sa likod ng lab gown niya.

"She has to stay here for a while," ani ni Dra. Lim at napahugot ako ng hininga roon.

"We will add securities to the vicinity of the hospital habang hindi pa napapatunayan ang tunay na suspect," sagot ng pulis naman. "We will also visit from time to time to check on the suspect."

"Okay..." he sighed.

"Doc Valderama, we have to check her for now and monitor her," ani nito.

"Alright," he answered.

"Pupunta rin kami rito para kwestyunin siya tungkol sa nalalaman niya. She's our primary suspect kaya kailangan ng testimonya niya," the police answered. Napapikit ako nang mariin, muling nanginig ang kamay ko at mas humigpit ang hawak ko sa lab gown ni Doc.

"Give her some time before questioning her. She's not in a good condition," he answered, his voice's stiff and cold.

"Kailangan naming—"

"Time," he cut them off. "Give her time to think."

"Pero—"

"I'm her psychiatrist from now on so you should ask for my permission first before doing something related to her." Kumalabog ang puso ko. Humugot ako nang malalim na hininga at napatitig sa likuran niya.

"Thorn, are you sure you can—"

"I am sure about this," he answered. "So, please, if you may leave. The patient needs to rest."

They were hesistant for a while, narinig ko ang buntong-hininga nila at mas napahawak ang nanginginig kong kamay sa damit ni Doc at nang marinig ko ang pagsara ng pinto, hudyat ng pag-alis ay bumagsak ang kamay ko mula sa damit niya at napasapo sa mukha.

"Sshh, calm down..." it was his voice, inabot niya ang kamay ko at nakita kong sinilip niya ang mukha ko.

"K-kukunin ba nila ako?" I whispered, scared.

"No," he answered me. "Dito ka lang, babantayan kita."

"B-but I'm the suspect. Baka... baka bumalik sila tapos hulihin ako," I stuttered, I can feel the hammer inside my chest.

Thorns And RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon