Kabanata 16

236K 8.4K 5.9K
                                    

Kabanata 16

"GOOD morning, Architect," the employees said in unison, bowing their heads as I passed through them.

I did not speak nor throw a glance at them. With my head held high, I walked straight, staring at the hallway, depriving them of seeing any emotion from me.

Nanahimik ang hallway pagkadaan ko, it suddenly sounds empty but if only I knew, they were already killing me in their minds.

I straightened my red fitted dress, hinawi ko ang bagsak na buhok sa balikat at dumiretso sa elevator.

I saw employees falling in line just to enter kaya pumunta ako sa likuran nila. I clutched my pouch, not saying anything until they noticed my presence.

"Sinasabi ko na kasi sa 'yo, mag-resign na lang tayo—" a woman hissed at nakita kong napalingon ang kasama niya sa akin.

I saw her eyes widened, diretso pa rin ang pagrereklamo ng kasama niya tungkol sa mga patakaran ng kompanya at mabilis niya itong tinapik.

"Rona!" she hissed.

"Ano?!" the woman she called Rona exclaimed.

Nanatiling tulala ang babaeng nakatingin sa akin. I saw other people waiting for the elevator moved to the side, leaving me and that complaining woman in the middle.

"Wala namang kwenta rito! Sa tingin mo ba—" natigil siya nang mapansin ang mga tahimik at nakatungong tao sa gilid. Lumingon siya sa akin at nakita ko kung paano manlaki ang mga mata niya at malaglag ang panga.

"A-Architect..." she stuttered, I saw how her face turned pale like she'd seen a ghost. Hindi ko siya tinapunan ng tingin, I remained staring at the elevator that's already on the second floor.

Animo'y may kuliglig sa paligid sa katahimikan, maya-maya'y muling nagsalita ang babae.

"M-Ma'am, iba po 'yong sinasabi ko—" The elevator door suddenly opened, nakita ko ang gulat sa mata ng mga taong naroon sa loob nang makita ako at nag-unahan palabas habang binabati ako.

No one attempted going in kaya naglakad ako papasok sa elevator. My heels made a sound, walang kibo ang nasa paligid.

Nang makapasok ako ay kaagad kong binalingan ang babaeng iyon.

She remained pale, akmang magsasalita muli para magpalusot pero inunahan ko siya.

"I expect your resignation letter tomorrow morning," I said before the elevator closed at nakita ko pa ang gulat niyang itsura sa sinabi ko.

I stared at my watch as I wait for the elevator to go up on my office. I'll be meeting my designer later. Naayos na kasi ang gown na susuotin ko sa event at kailangan lang ng final fitting. I think my gown's color was blue. Ang sabi ko nga ay pula pero mas babagay raw sa kulay ko ang asul ayon sa stylist ko.

I had no choice but to do what he told me, gusto rin nina Kuya na mag-iba naman daw ako ng kulay ng suot at hindi kulay pula.

Napailing ako at pumasok sa opisina.

Gulat na gulat ang secretary ko pagpasok ko, napatayo pa siya sa upuan niya para lang batiin ako.

"Good morning, Ma'am!" aniya na nakangiti. Dinaanan ko siya ng tingin at pumasok sa mismong opisina ko.

She followed me quickly when I got inside, telling me about my schedules at pinapakinggan ko lang siya, nanatiling walang imik.

She was holding her tablet and was reciting all of my activities. Nang naupo ako sa swivel ko ay napansin ko na kaagad ang mainit at matapang na kape.

Thorns And RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon