Chapter 3: Lick

4.1K 138 4
                                    

It's my third day now in this university and we will now going to start the investigation about the crime, poisoning case to be specific.

The police didn't investigate it, they just said that it is just a suicide which is not, I can feel that it is a murder just like Reid feels about, that's why we are going to invistigate it even though we have no license in it from the police.

Ang pinaka-ayaw ko sa mga pulis ay yung dumidiretso agad sila sa climax, kung baga, porket mukhang suicide na yun ay nag be-base na sila agad doon, ni hindi nila inaalam yung totoong nangyari.

Napag-planuhan namin na gabi ang pag punta para walang makakakita sa amin, you know? Mahirap na, saka sanay na ako sa ganito kaya okay lang sa akin.

"Chean let's go" nasabi ko na ba na palagi ko ng kasama si Reid, lahat pati break time, ghad! Kulang nalang pati sa Cr ay sasamahan ako.

"Don't call me Chean, it's my older brother's name" walang ganang sabi ko at tumayo na.

"May kapatid ka pala, hindi mo naman sinasabi sa akin"

"Hindi ka naman kasi nag tatanong" sabi ko at napatango-tango naman siya.

"Sa crime scene muna tayo" sabi niya.

Dumiretso kami sa room 103, which is the Science Lab, dito natagpuang patay yung estudyanteng nag ngangalang Allan.

We scanned the room, every piece and corner of this room is clean, magaling ang pumatay kay Allan, walang itinirang ibidensya, kung titignan ang kwartong ito ay parang normal lang siyang science lab.

"Cheana here" lumapit ako sa kanya at tinignan yung itinuturo niyang bintana.

Lumapit kami doon at dahan-dahang binuksan iyon pero nung tuluyan na naming nabuksan yung sliding window ay automatikong nahulog yung salamin niya, buti nalang ay nakalayo kami agad.

"the hell is that?" tanong ko at umiling lang siya.

"Base sa observation ko, dito dumaan yung perpetrator natin, sinira niya ito para makadaan at mailagay dito ang katawan niya" seryosong sabi niya, mukhang magaling talaga itong si Reid, lalo na sa deduction.

"Yeah, tama ka, dito siya dumaan at inilagay yung katawan niya, to the fact that this is a science lab, pwede niyang palabasin talaga na nag suicide ang biktima dahil maaaring uminom siya ng mga chemical dito" lumapit ako sa minarkahan ng mga pulis, ito ay yung marka ng posisyon ni Allan noong natagpuan siya, tinitigan ko iyon at may isa akong napansin.

"Where are you going?" tanong niya ng mapansing papunta ako sa isang pintuan, ito yung itinuturo ni Allan, base sa marka.

Lumapit ako sa pintuan at binuksan iyon, tumambad sa akin ang malaking kabinet na punong-puno ng mga boteng may lamang chemicals, may mga poison pang gawa sa mga ahas.

"Reid I think one of the chemicals here are the one that they use or we can use it as a evidence or clue" sabi ko at tumango naman siya.

Isa-isa naming tinignan iyon hanggang sa makarating ang paningin ko sa pinakagilid, dun sa may boteng may lamang palaka, kadiri lang.

Hindi ko sana papansinin iyon pero may nakita akong nakaipit sa gilid nun, it's a paper.

"Reid? Read this" ibinigay ko sa kanya yung papel at ayun, binasa na namin agad.

"Lick?" nagtatakang tanong niya at nakakunot ang noong napatingin sa akin."I heard this name before but I forgot"

"Okay then, we should find this man—" hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil bigla nalang may narinig kaming kaluskos.

"Sh*t let's go" hinawakan niya yung kamay ko at hinila ako patungo sa may mga statue dito

"Let go of me" pabulong na sabi ko at ayun na nga, binitawan niya rin ako, chansing? Tss.

"Someone is here" bulong niya at nanatili na akong tahimik.

May pumasok na lalaking naka all black, naka mask at shades dahilan upang hindi namin makita yung mukha niya.

"who is he?" tanong ko pero hindi niya ako pinansin, sa halip ay tinitigan lang niya yung lalake kaya wala akong nagawa kundi ang makisabay nalang.

The man is looking for something, may hinahanap siya sa mga kabinet at sa tingin ko ay yun yung papel na hawak ko ngayon.

Or maybe, he is the culprit

"We should—" he sign na tumahimik ako kaya ginawa ko nalang iyon.

Inilabas ko yung phone kong bigay ng dad ko at patagong kinuhanan ng litrato ang lalake, this phone is designed only for me, I mean ginagamit ko ito sa mga misyon ko kung meron man.

Kaya nitong kumuha ng litrato kahit hindi binubuksan ang phone, pipundutin lang sa may volume niya at done.

Hinintay lang namin siya hanggang sa makaalis, actuslly may ibinulsa siyang something pero hindi namin nakita dahil nga madilim at nang makaalis na siya ay saka lang kami lumabas ng laboratory.

"Muntik na tayong mahuli doon, ano nga pala yung ginawa mo kanina?" umiling lang ako

"Mauna na ako" sabi ko at inunahan na siya sa pag lalakad.

"See you tomorrow, ingatan mo yang clue natin, bukas pag usapan natin yung tungkol diyan" tumango nalang ako at tinungo na ang daan papunta sa dormitoryo namin.

I smiled in the thought na nakuhanan ko ng litrato ang lalakeng iyon, kahit papaano ay may maitutulong rin ang bigay sa akin ni Dad na mga gadget na noon ay hindi ko pinapahalagaan.

Sa totoo lang, ayaw ko itong trabaho ko, nawawalan kasi ako ng time para sa sarili ko at syempre dahil nga may talento naman ako kaya ginagampanan ko nalang ng mabuti yung tungkulin ko.

Saka ko nalang gagawin ang plano ko kay Xanon, sa ngayon uunahin ko muna ang kay Allen, yung poisoning case niya.

Para sa akin madali lang ito dahil nga sanay na ako sa mga ganyang bagay, ito na nga eh, I will study the man and that's it, I can Identify who really he is, malay niyo may kinalaman rin siya sa mga kasong nangyayari in the past years.

And I should find him, the guy that have the name Lick?

***

Her Code Name Is Blue(UNPUBLISHED SOON)Where stories live. Discover now