Chapter 20: Another paper

1.7K 64 1
                                    

Cheana May Valleria

Nandito kami sa may malaking hall ng resort na ito, unang araw namin kaya naman ay sobrang excited ang mga kapwa naming estudyante dahil doon.

Everyone is wondering kung ano nga ba ang unang aktibidad namin, maging ako ay iniisip ko kung ano nga ba, siguraduhin lang nila na hindi ako mabobored.

"Class we will group you by your sections, tutal tatlo lang ang sections niyo kaya yun nalang ang magiging basehan natin, about naman sa mga high school detectives diyan, pag hihiwalayin namin kaya para maging pantay lang ang laban" I frowned when they said that we will be separated, alam ko naman na kaming tatlo ang binabanggit doon"For AB4, we have the groupleader Xanon, for AC4, group leader Reid, AD4 is Cheana May" sa may last section pa ako napunta pero keri lang.

Nakinig lang kami sa guro habang sinasabi ang mga rules and regulation, I smiled in the thought na magiging exciting nga ito na katulad ng gusto kong mangyari, well, kailangan lang naman namin umakyat ng bundok para mag hanap ng bandilang kulay blue, 30 ang bandilang hahanapin namin, sa thirty na iyon ay may twenty na walang sulat, ang ibig sabihin ng walang sulat ay hindi kasali sa bilang kaya kailangan naming galingan ang paghahanap.

Sa bawat pupuntahan naming lugar may may nakalaang riddle na kailangan naming sagutin para makapunta kami sa susunod na lugar, each team will be having a three representative para samahan ang mga leaders at ang napili ko para doon ay si Janina, Jomel, Jeyvi, yeah pansin niyo? Puro J? Tsk! Nag kataon lang na sila ang pinakamatalino sa section na ito, yung ibang myembro naman sa bawat team ay mag sisilbing panggulo, I mean guguluhin nila ang ibang team para hindi nila masagutan ang mga nakalaang riddles.

Before I can say a word, Xanon, Reid and even Niel approach me.

"ito ah kung sino ang manalo sa inyo, siya lang ang may karapatang kausapin at guluhin si bes ko sa loob ng isang buwan" saad ni Niel, the two frowned, maging ako ay ayaw ko yung idea ni Niel, kung ano-ano na naman kasi ang ginagawa niyang kalokohan"Kung ayaw niyo sige hindi ko kayo pinipilit pero aangkinin ko si Bes" napatingin pa sa akin si Niel at kinindatan ako, nasapak ko tuloy siya"ouch naman bes" para siyang bakla

"Umamin ka nga Niel"

"Ano naman ang aaminin ko? Na gwapo ako?" I'm done, masasapak ko na talaga siya ulit

"Bakla ka ba?" nanlaki yung mga mata niya at umakting na tila ba ay nasusuka

"Kadiri ka bes. Hindi ako bakla, may girlfriend nga ako" girlfriend? Hindi niya sinasabi sa akin"Hindi ka talaga updated ano? Kilala mo ba ang girls generation? Isa doon ang GF ko" what? Hindi ko naman kilala yung sinasabi niya"Kpop yun bes in case you didn't know, ano na kayong dalawa? Deal or deal?"

"Deal" sabay na sabi nila, napa facepalm nalang ako dahil doon, feeling ko tuloy ay pinag aagawan ako ng dalawang iyon.

Pagkatapos ng mahaba-habang instructions ay sinimulan na namin, bale apat kami kasi nga yung triple J's ang sasama sa akin, they are intelligent like us too bad they are from the last section.

Napatingin ako sa papel na ibinigay ng guro sa tatlo, kinuha ko iyon at binasa para malaman na namin ang una naming destinasyon.

"The more you take, the more you leave behind. What am I?" napaisip ako, I heard this before..

Hmm..

Aha!

"Footsteps!"

"Eh saan natin mahahanap iyan?" tanong ni Jomel, napaisip naman ako hanggang sa unti-unting nag sink in sa utak ko yung dinaanan namin kanina, may mga nakaukit kasing footstep doon.

"Alam ko" sabi ko at nag tungo na kami doon at tama, may blue flag na nakalagay doon, bakit ba kasi hindi ko iyon napansin

"Sagutin na natin yung pangalawang riddle" excited na sabi naman ni Janina"ako na ang babasa"

"Read it out loud" tumango naman siya at binasa iyon"
If a red-house is made of red bricks, has a red wooden door, and a red roof, and a yellow-house is made of yellow bricks, has a yellow wooden door, and a yellow roof, then what is a green-house made of?"

"Alam ko yan!" napatingin kami kay Jeyvi"Glass"

"tama ka pero saan tayo makakahanap ng mga glass?"-Janina

"saan pa nga edi sa mga kwarto, di ba nga gawa naman iyon sa salamin" sagot at ayun nag tungo na kami doon, napapatingin ako sa mga kalaban namin, they have already four flags at kung hindi ako nag kakamali ay kay Xanon iyon.

"Ang rami na nilang nakuha" nanghihinayang na sabi ni Janina

Nang makapunta kami sa mga rooms na gawa sa glass ay hindi na kami nahirapan pang hanapin iyon, kinuha agad namin at binasa yung susunod na riddle.

"Yellow I look and massive I weigh. In the morning I come to brighten your day. What am I?"

What the hell! Ang dadali naman ng mga ipinasasagot nila

"School bus" napatango naman yung dalawa.

The second riddle, It says

"What is black when you buy it, red when you use it, and gray when you throw it away?

Clue: related to fire"

"The answer is Charcoal" pag singit ni Jayvi

"Right! Ganito mag hiwalay nalang tayong tatlo para hindi aksaya sa oras, sa may school bus kayo at ako na sa may charcoal" tumango naman sila at ibinigay sa akin yung dalawang flag na nakuha namin.

Nagtungo ako sa pinakagilid ng resort na ito, kagabi kasi ay nag libot libot na ako kaya medyo may alam na ako sa mga lugar dito, dumiretso ako sa may mga charcoal, kasalukuyan pa sila nag susunod ng kalat, Wth! Hindi ba sila aware na nasisira na ang ozone layer natin dahil sa mga pag susunog nila.

So ayun nga lumapit na ako doon at kinuha yung flag bago pa ito masunog ng tuluyan, binasa ko yung papel at hindi ko inaasahan ang nakita ko, hindi ito galing sa mga guro kundi kau Romanian man.

"Nu sunt omul ca tine să te gândești la asta"

Kinuha ko agad yung phone ko at nag search kung ano ang ibig sabihin niyan, hindi naman ako nahirapan dahil malakas naman ang data dito.

"I'm not the man like you to think about it" so it means hindi si Xanon ang Romanian Man na ito, kung hindi siya edi sino? Nagbabalik na naman siya, sino ba kasi siya? Paano niya nalaman ang tungkol sa pag punta namin dito? Sinasabi ko na nga ba ka schoolmate ko iyon ko kaya naman ay kaklase ko na pala.

I must find him, hindi na ako papayag na makialam pa siya sa mga ginagawa ko, malay ko ba kung kalaban pala itong lalakeng ito.

***

Her Code Name Is Blue(UNPUBLISHED SOON)Where stories live. Discover now