Chapter 8: B*tch

2.7K 97 1
                                    

Mamaya ko kaya bukas na siguro ang next ud, mag papahinga muna ako haha, huwag niyong kalimutang mag vote at comment. Kamsa

***

It is a normal day for us all, so far wala namang crime ang naganap, ito kasing E.H.U, masyadong lapitin ng mga krimen dahil nga isang kilalang mafia ang nag mamay-ari sa paaralan na ito.

I wake up at the wrong side of the bed that's why I'm not feeling well today, idagdag pa na may period ako ngayon.

"Good Morning Bes!" bati ni Niel pero hindi ko siya pinansin"Uy pansinin mo ako"

"Niel don't talk to me" sabi ko at umupo na sa tabi ni Reid na kasalukuyang nag aaral ngayon, masyadong matalino na siya para mag-aral pa.

"Are you not feeling well?" tanong ni Reid ng mapansin ang existence ko"Here drink this medicine" napatingin ako sa inilalahad niyang gamot.

"No thanks Reid, okay naman ako" sabi ko at idinukdok ang ulo ko sa lamesa.

Mag tatatlong linggo na ako dito at medyo nasasanay ko na ang mga estudyanteng nakakasalamuha ko, marami pa ngang naiinis sa akin dahil ng isang sikat na high school detective ang kasama ko araw-araw at isang sikat na bully, pati narin si Nerd kinaiinggitan dahil nga gwapo narin siya, I'm just stating the fact that they are all handsome, smart and gentleman except for Xanon who only know is to bully people.

Simula nung nag transfer ako dito ay wala na akong natanggap na tawag mula kay Dad o kaya sa team leader namin, parang pinabayaan na talaga nila ako na mag karoon ng sariling buhay, na yun naman ang gusto kong mangyari, I want to live as a human too, independent and a human that's not holding a gun, yung simpleng estudyante lang na libro ang hawak.

"Xanon hyung! Long time no see! Akala ko ba mag babago ka na?" rinig kong tanong ni Niel sa kararating lang na si Xanon, gulo-gulo pa ang buhok nito na tila ba ay hindi pa nasusuklayan, kahit naman huwag na niyang ayusin yung buhok niya, lumalabas parin ang kagwapuhan niyang taglay, nagiging hot siya kapag ganyan ang itsura niya.

Teka nga! Why am I complimenting people now? Duh! As if they will giving me credits just to compliment them.

"Walang klase ngayon Chei(Kei), do you want to go somewhere?" napatingin ako kay Reid at tumango, umayos narin ako ng upo at tumayo na

Palabas na kami ng classroom ng bigla akong tinawag ni Xanon, tinaasan ko siya ng kilay dahil doon.

"Sasama ako"

"bro kailan ka pa nag karoon ng ganang sumama sa amin?" sabi ni Niel na dala-dala pa ang bag niyang wala namang kalaman laman.

"Masama ba?"

"Tama na yan, let's go" sabi ni Reid at hinila na ako palabas ng classroom.

Nag tungo kami sa may canteen, walang klase ngayon kaya marami ang tumatambay dito, we ordered our foods and headed to our usual spot, nandoon narin kasi Gina, kumakaing mag-isa.

"Insan! Bakit ka mag-isang kumakain diyan?" tanong ni Reid pag kaupo niya sa tabi ni Gina.

"Malamang hindi ako dalawa"

"Woah! Lupet ni Gina mang barag" sabi naman ni Niel na mukhang amaze pa.

"oh bakit nandito si Xanon? Did he bullied you?" tanong sa akin ni Gina na may halong pag aalala, bullied? Ts! Baka nga ako pa ang bumully sa kanya.

"no, he's our friend now" sagot ko at nanlaki naman yung mga mata niya na tila ba nasorpresa siya sa sinabi ko.

"Really? Bago yan ah, sa pag kakaalam ko hindi siya nakikipag kaibigan sa iba" amaze na sabi niya kasabay ng pag dating ni Xanon, dala-dala ang softdrinks namin

"Are you backstabbing me?" tanong ni Xanon na may nakakatakot na tono.

"No of course not" biglang umatras naman yung dila ni Gina, ganun na ba talaga nila kinakatakutan si Xanon? Like duh! Hindi naman nangangain yan.

"nabalitaan niyo na ba yung event ng E.H.U?" tanong ni Niel at umiling naman kami"Huli talaga kayo sa balita noh? Haha"

"Seriously? Sabihin mo na" bagot na sabi ko.

"we will be having a big event next week" napa poker face ako, alam ko namang big event iyon pero ano nga yun?"at alam niyo ba kung ano yun? Exhibit lang naman, lahat ng proyekto namin in the past years ay maipapakita sa araw na iyon at syempre pati narin ang mga kilalang estudyante noon na katulad ng parents ni Reid" nagkatinginan kami kay Reid at umiling lang siya.

"Tsk!" may dumaan sa may likod kong babae at natapunan ako ng juice na hawak niya dahilan upang mapatayo ako.

"Wtf!" sinamaan ko ng tingin yung babae

"Oops sorry! Hindi ko sinasadya" sabi niya at akmang aalis na pero bumalik siya at hinarap ako"and this for being a snake" tuluyan na niyang itinapon sa p.e uniform ko ang juice niya, she's getting on my nerves"B*tch!"

Napatingin ako sa table namin at saktong may plastic bottle na may lamang tubig ang nahawakan ko, lumapit ako sa kanya at isinampal iyon sa mukha niya, ghad! Huwag niyo akong ginagalit kapag may red days ko at baka mapatay ko kayo ng wala sa oras.

"OMG! My nose is blooding, help Xanon" maarteng sabi niya at dumikit kay Xanon, isinadya niya pang idikit yung boobs niyang flat sa braso ni Xanon na kasalukuyang walang reaksyon ngayon, so who's the b*tch here? Tsk! Pa english-english hindi naman marunong.

"Oops sorry! Hindi ko sinasadya" panggagaya ko sa sinabi niya kanina at lumabas na ako ng cafeteria dahil lahat ng estudyante ay nakatingin na sa amin, I hate attentions by the way.

Dumiretso ako sa may rest room at nag hugas, geez! It's so sticky, nakakainis,argh! Buti nalang may extra shirt akong dala dito, pasalamat yung babaeng malanding iyon, ilong lang niya yung nasira ko, baka kung hindi ako nakapag pigil ay pati ang sira niyang mukha ay mababasag ko rin.

Badtrip na nga ako, mas lalo pang naging worse ang araw ko, nakakahiya yung nangyari, naipakita ko tuloy yung totoong ugali ko sa harap ng maraming tao, but that's not the big deal here, habang patagal ako ng patagal sa paaralang ito, paunti-unti rin akong nakakakuha ng attention, and I hate it so much.

Argh! I want to end this freaking day now!

***

Her Code Name Is Blue(UNPUBLISHED SOON)Where stories live. Discover now