Chapter 24: Drug Carrier

1.6K 51 0
                                    

It's been a week since I met those two, at sa linggo na iyon ay palagi na akong ginugulo nung One, hindi naman nila sinabi sa akin kung anong pangalan niya, tanging yung code name lang niya ang alam ko.

Nandito kami ngayon sa ilalim ng akasya, nag papahangin. Si Gina ay may klase ngayon kaya yung dalawa ang kasama ko, at si Niel? Ewan ko kung saan nag punta, absent siya buong mag hapon ngayon.

Nag babasa ako ng wattpad sa phone ko, yung may kategoryang action o kaya naman ay mystery, ayoko ng mga clichè stories na nababasa diyan, naboboring ako.

"Paki-abot yung bag ko bro" rinig kong sabi ni Reid

"May kamay at paa ka" sabi naman ni Xanon na nakasandal ngayon dito, katabi ko.

"tamad" Reid murmured, tss! Nag aaway na naman sila, naku hindi ba sila nag sasawa?

"Oh palibhasa ikaw yung tamad dahil nga ikaw yung utos ng utos" medyo naiinis na sabi ni Xanon at ini-itsa yung bag ni Reid.

Hindi ko nalang sila pinansin at nag patuloy na ako sa pag babasa, naramdaman ko namang tumayo si Reid.

"May pupuntahan lang ako"-Reid

"Hindi namin kailangan malaman"- Xanon

"Hindi ikaw ang kinakausap ko"- Reid

"tsk!"

Pag kaalis ni Reid ay sakto namang may lumapit sa aming mga babae, umiiyak yung isa na ngayon ay pinapakalma na ngayon ng kaibigan niya, tumayo ako dahil nakaramdam ako ng kakaiba.

"Bakit?" lumapit sa akin yung babaeng umiiyak at nag makaawa

"Please.... Help us solve the crime" naguguluhan ako"My boyfriend, he was killed by an unkown man, kagabi ko pa siya hinahanap at nakita na namin siya, wakwak ang katawan, p-please help us" patuloy parin siya sa pag-iyak, napabuntong hininga nalang ako at tumango, kailan ba mawawalan ng crime dito?

"Nasaan siya? Tumawag na ba kayo ng pulis at ambulansya?" tumango naman sila.

Nag tungo na kami sa crime scene kung saan nila natagpuan ang boyfriend niya, sa may dorm ng mga lalake, hindi ako pwedeng pumasok pero pinilit nila ako kaya wala na akong nagawa.

Pumasok kami sa may kwarto ng boyfriend niya at naabutan namin sa may bed ang katawan nito na wakwak at wala ng laman loob, This quite familliar, tama nga ang nasa isip ko, ganitong ganito yung nakita namin ni Xanon noon sa resort.

"Hindi na ito aswang" napatingin ako kay Xanon, nakakunot ang noo niya na tila ba ay nag iisip"Wala ba kayong nakitang ebidensya o kasama niya bago nangyari ito? Yung ka room mate niya?" tanong niya sa kaibigan nitong lalake.

"Si Niel lang naman ang ka room mate niya" natigilan ako dahil sa sinabi niya, si Niel? Imposible namang isa siya sa maaari naming suspect, kilala ko si Niel, hindi niya kayang gawin ang bagay na ito.

"Hindi natin isasali si Niel sa gulong ito" sabi ko pero tinapunan ako ng masamang tingin ni Xanon..

"Sa ganitong sitwasyon Chea walang kai-kaibigan" sabi niya at isinulat sa may notebook niya ang pangalan ni Niel, I guess I have no choice but to clean Niel's name, saan ba kasi nag punta yung lalakeng iyon, nag mukha tuloy siyang kahina-hinala."Mas mabuti pa siguro kung hayaan nalang muna natin ang mga pulis na gumawa ng paraan para sa insidenteng ito, pangalawang beses narin na nakasaksi tayo ng ganitong klase ng pag patay at kailangan nating gumawa ng sariling inbestigasyon na tayo lang ang nakakaalam" tumango naman ako at nilapitan yung katawan ng biktima, tinitigan ko ito kahit na nasusuka na ako ay pinipigilan ko dahil ito dapat ang kailangan kong gawin, ang mag imbestiga at bigyan ng katarungan ang pag patay sa kanya.

Pinagmasdan ko yung katawan hanggang sa may napansin akong kulay puting maliit na bilog sa isang parte ng katawan niya, kumuha ako ng gloves na dala-dala ko araw-araw at dahan-dahang kinuha iyon at ipinakita kay Xanon.

"That can be an evidence" tumango naman ako at pinagmasdan yung maliit na puting hawak ko, inilagay ko iyon sa maliit na supot."Wait, I think alam ko na kung ano ito"

"Ano?"

"This is some kind of drugs, palagi akong nakakakita ng ganito kapag nag kakaroon kami ng transaction sa ibang organisasyon" napa-isip naman ako agad.

"so it means, ginagawa nilang drug carrier ang mga biktima?" tumango naman siya

"Exactly! All we have to do is talk to Niel, siya lang ang natitirang witness sa krimen na ito" tumango naman ako

Maya-maya pa ay dumating na yung mga pulis at ambulansya, hinayaan nalang namin na gawin nila ang trabaho nila.

"Hi! Long time no see Cheana" napatingin ako sa nag salita, si Detective Bri pala"Hindi ko alam na dito ulit tayo mag kikita" napatango naman ako at ningitian siya.

"we need to go Detective Bri" paalan ko at tumango naman siya"we will help to solve this case Detective, for now we need to go" umalis na kami ni Xanon.

"So? What's your plan now?" tanong niya.

"For now, let's find Niel, bago pa mahanap siya ng mga pulis" sabi ko naman at tumango siya.

Nag tungo kami sa parking area ng E.H.U at sumakay sa kotse niya, dalawa lang ang lugar na pwede naming puntahan, yun ay ang probinsya ni Niel o ang bahay ng tito niya.

"Gaano ka kaseryoso sa kasong ito?" napakunot yung noo ko sa tanong niya.

"Oo naman duh, I want them to have a—"

"I mean, may kinalaman ito sa organization namin ni Reid, are you really willing o napipilitan ka lang dahil parte ito ng misyon mo?" tama siya, parte ito ng misyon ko, ang mahanap ang mga nasa likod ng mga krimen na ito, ang pinakapinuno ng Drug Syndicate at ng Drago Mafia, gusto ko rin naman kasi mabigyan ng hustisya ang pag kamatay ng mommy ko, they killed her and I will not let it to slip away, sa tanong niya? Well, willing naman talaga ako dahil ito ang tama, willing akong tumulong dahil ipinanganak ako para doon.

"I'm willing so please stop asking me a nonsense question, just focus" sabi ko nalang at inirapan siya, back to my b*tchy side.

***

Her Code Name Is Blue(UNPUBLISHED SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon