Chapter 5

3.5K 121 3
                                    

Done! Nakapag ud rin ako, plan ko sana sa story na ito eh, everyday sana dalawang chapter pero kung titignan yung schedule ko ng klase ay mahirap talaga pero gagawin ko ang lahat para makapag ud araw-araw :)

***

Nandito kami ngayon sa classroom, as usual, magugulo parin ang mga lalake, binabastos ang mga gurong nag tuturo, bakit ba kasi walang modo itong mga 'to, oo matalino sila pero huwag naman sana nilang ginagawang big deal iyon to the point na nagiging mayabang na sila.

Tahimik lang akong nakikinig ngayon dito sa gilid, si Reid? Wala siya dahil pinuntahan niya yung dad niyang si Mr. Red, kaya ito ako ngayon, mag-isa habang katabi si Xanon na walang ibang ginawa kundi ang mag earphone at matulog.

Minsan nga iniisip ko kung paano siya natututo kung ganyan ang ginagawa niya araw-araw, according to his record naman ay matataas ang mga nakukuha niyang grades sa academic, at siya pa ang top 1 sa klase. Dinaig niya pa si Daniel na nerdy.

"Tsk!" napatingin ako sa katabi ko, gising na pala siya"What do you think about the suicide cases?" tinaasan ko siya ng isang kilay.

Ano na naman kaya ang pinaplano niya? Is he going to help us? Aba! Kakaiba ata ang ugali niya ngayon, sa totoo lang madalang lang ang pag uusap namin, yun ay kung mag aaway kami dahil sa mga ginagawa niyang pambabastos sa ibang estudyante.

"I don't know" sagot ko lang at iniwas ko na yung tingin ko, he is just trying to know me, baka pinaghihinalaan na niya ako.

"I want to help" napatingin na talaga ako sa kanya, teka nga, why is he serious right now? I thought wala siyang pakealam sa mga nasa paligid niya pero bakit niya gustong sumali? Talaga bang gusto niyang tumulong?

"So?" inirapan ko siya"Then help us"

"Okay then, let's meet at the parking area this afternoon" tumango nalang ako, as if I have a choice.

Oo, kaya naming solusyonan ni Reid iyon ng wala siya pero, the hell! Gusto ko talaga malaman kung ano ba talaga ang meron sa kaniya, I mean sa pamilya niya.

"Okay that's all for today" sabi nung guro at umalis na

Inayos ko narin yung books ko at lumabas na ng classroom, napansin ko namang sumusunod si Daniel, I look at him raising my eyebrow and he just smiled.

"Bakit mo ako sinusundan?" tanong ko

"Gusto ko sanang makisabay sa best friend ko" napakunot yung noo ko."Ikaw? Best friend kita kaya gusto kong makisabay sa lahat hehehe" sabi niya at napakamot pa sa batok niya na tila ba nahihiya.

Psh! Nahiya pa! Siya na nga itong makapal ang mukha para sumunod-sunod sa akin at sasabihing best friend ko siya, ni hindi ko nga alam na mag best friend na kami.

He didn't even informed me about it.

"Call me Niel or bes" sabi niya at nakisabay na sa akin sa pag lalakad."Alam mo bang ikaw palang yung babaeng nakilala ko na sobrang tapang, parang nga may pag ka boyish ka, tomboy ka ba Cheana?"

"Hell no" sabi ko, babae ako noh, sadyang matapang lang ako dahil ganito na ako simula nung bata, ipinanganak ata akong matapang.

"Okay sabi mo eh, pero seryoso, isa ka ba sa mga acting high school detective dito?"  napa-isip ako, high school detective? Me? Maybe—

"I think so" hindi siguradong sagot ko.

Dumiretso kami sa cafeteria at hinanap si Gina, at syempre bago yun ay bumili muna ako ng makakain, pag katapos kong bumili ay nag tungo na ako sa usual spot namin dito, which is the second floor of our cafeteria, ganun talaga kalawak itong cafeteria.

Pero kahit na malawak pa ito ay parang kulang parin para sa mga estudyanteng nag aaral dito, punuan kasi dito pag dating ng break time kaya parang sumisikip rin.

"Bess sino naman itong kasama mo?" tanong ni Gina pag kaupo ko sa harap niya, umupo naman si Niel sa tabi ko.

"He's my new friend" sabi ko at sinimulan na ang pag lamon, yeah pag lamon talaga, wala kayong magagawa, sadyang matakaw lang ako.

"Hi! My name is Gina, you?" napatingin ako sa katabi ko, nakatunganga lang siya kaya tinapik ko na yung braso niya.

"ah N-niel" sus! May pautal utal pang nalalaman

Habang kumakain kami ay kwento lang ng kwento yung dalawa pero hindi ako nakikinig dahil nga may tinititigan ako.

May lalake kasing weird kung kumilos, nakaupo siya sa kabilang table at parang nag mamasid, he is always looking around na tila ba ay may hinahanap o may pinag tataguan

"Uy Cheana!!" napatingin ako kay Gina

"huh?"

"Sabi ko iniimbitahan kita sa birthday ko, sa sabado yun, sana makapunta ka" tumango nalang ako at ibinalik ko yung paningin ko sa lalake"saan ka ba kasi nakatingin?"

"Gina nainlove na ata siya kay Lick" upon hearing that name, I look at them

"did I heard it right? Lick ang pangalan niya?" tumango naman yung dalawa at tinignan ako ng nakakaloko."Don't look at me like that, wala akong gusto sa kanya" sabi ko at inirapan sila.

"Edi wala pero bakit ka ba curious sa lalakeng iyan? Can you tell us the reason? Kahapon mo pa kasi hinahanap yung Lick na iyan" sabi niya.

"It's confidential" sagot ko at tumayo na"sorry, I need to go" paalam ko at lumabas na ng cafeteria, napansin ko kasing paalis na siya kaya inunahan ko na.

Hinintay ko siya hanggang sa makalabas ng cafeteria, ng makita ko na siya ay sinundan ko na siya, parang may pinag tataguan talaga siya, palagi niyang tinitignan yung paligid niya na tila ba anytime ay may papatay sa kanya, I'm sure that he is the victim here.

Sinusundan ko lang siya hanggang sa makarating kami sa likod ng building, maya-maya pa ay nilingon niya ako, holding a gun pointed to me.

"Who are you? Why are you following me?" tapang tapangang tanong niya, nanginginig rin yung kamay niya habang hawak iyon, halatang hindi sanay humawak ng ganoong bagay"Isa ka ba sa papatay sa akin?" I smirked

"I'm here to help you" saad ko at nag lakad palapit sa kanya hanggang sa mahawakan ko na yung baril na hawak niya"Why are you holding a illegal gun, may lisensya ka ba dito?" inagaw ko sa kanya iyon.

"Kung ka ng m-mangingielam kung ayaw mong madamay ka" sabi niya at nilagpasan na ako.

"Don't worry hindi naman ako mapapahamak, I just wanted to help you badly" sabi ko, inilagay ko muna yung gun sa shoulder bag ko at nilapitan siya"tell me what's happening to you? Are you related to the GI syndicate?" napatingin ako sa may braso niyang may benda, I tried to hide it but it's too late, nahawakan ko na iyon agad"Is this a wound? O may itinatago ka lang? Let's see" tinanggal ko na yung benda at tama nga ang hinala ko, ito ay ang star na logo nila.

"Ano ba?!! Sabing huwag kang pakielamera!" marahas niyang binawi ang braso niya, itinaas ko naman yung dalawang kamay ko, as if I'm surrendering..

"Fine! Hindi na ako mangingielam sa'yo, bahala ka na sa buhay mo, kung mamamatay ka? Wala na akong kasalanan doon" sabi ko at tinalikuran na siya.

Pabayaan siya? No way, I will protect him, gusto siyang patayin ng sindikatong iyon at isa lang ang ibig sabihin nun, marami siyang alam na kailangan kong malaman.

***

Her Code Name Is Blue(UNPUBLISHED SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon