Chapter 31: A night with you

1.6K 55 0
                                    

Pagkatapos ng klase ay sumama ako kay Xanon, ipapakilala na niya kasi sa akin yung nakakabata niyang kapatid na si Xaina, ang cute ng name parang yung pusa ko lang.

So ayun nga, kasalukuyan kaming bumabyahe patungo sa bahay na sinasabi ni Xanon, nakatingin lang ako sa labas, madilim ang kalangitan at tila ba uulan ng malakas.

"Malapit na tayo?" tumango naman siya, ipinasok niya yung sasakyan sa isang tagong parte ng daanan na ito, dire-diretso lang hanggang sa marating namin ang bahay niyang na ipundar niya, in fairness ang laki.

Lumabas na kami ng sasakyan at pinag masdan ko pa ang kabuuan ng bahay.

"We're here! Welcome to sta. Rosa de hacienda" napangiti naman ako dahil nakita ko na naman yung ngiti niya na matagal na niyang itinatago"Mukhang uulan, tara na sa loob" hinawakan niya yung kamay ko, nakaramdam naman ako ng kakaiba kaya naman ay binitawan ko siya agad"what's the matter?" umiling ako.

"Wala, tara na" inunahan ko na siya sa pag lalakad, ng marating ko ang mismong pintuan ng bahay ay kumatok na ako agad na pinagbuksan naman kami ng katulong"Wala bang ibang naninirahan dito bukod sa katulong at yung kapatid mo?"

"yes, wala na except nalang kung gustong bumisita ni Xandrin dito" napabuntong hininga ako, hindi manlang talaga niya sinasabihan ng kuya si Xandrin.

"Kuya!!" mula sa hagdanan ay may bumabang isang batang babae na mukhang nasa five years old, grabe ang cute niya, nag madali siyang lumapit kay Xanon at binuhat ito, nag halikan pa silang dalawa, sa may cheeks.

I felt guilty somehow, paulit-ulit ko kasi siyang pinag hihinalaan na sinungaling at saka hindi ko naman akalaing mabait pala siyang kuya sa nakakabatang kapatid niya at talagang ayaw niya ito mapahamak.

"Sino po siya kuya?" itinuro pa ako ni Xaina"Girlfriend mo po?"

"Ah hindi niya ako girlfriend haha, My name is Cheana but you can call me Ate Chea instead of Cheana" napangiti naman siya at ng ibaba na siya ni Xanon ay nilapitan niya ako at niyakap, medyo nagulat pa ako dahil doon.

"I like you to be my sister in law Ate Chea" napangiti naman ako at humiwalay na siya sa yakap

"Hindi pwede Xaina, mag kaibigan lang kami di ba?" tumango naman si Xanon

"Ganun po ba? Sayang" malungkot na sabi niya"akyat na po ako" tumango naman ako at ayun tumakbo na paakyat ng hagdanan.

"Be careful!"

"Yes kuya!"

"ang cute niyong dalawa"

"We're not a dog" sabi niya sa akin ng walang emosyon"Mag luluto lang ako" tumango nalang ako at umalis na siya.

Inilibot ko naman ang paningin ko, then I saw a photo frame, a photo of a happy family, kumpleto sila noon dito, his mother and dad, Xaina, Xandrin and Xander, they all look happy here, nakakatuwang tignan.

Napatingin naman ako sa kaliwa ko, may sketch book namang nakapatong doon, kinuha ko at binuksan para tignan yung nakadrawing doon kung meron man.

"Wtf!" nanlalaki yung mga mata kong nakatingin sa drawing, is this me? Parang kamukha ko, no! Imposible namang idrodrawing niya ako, pero kamukha ko talaga, the hell is this

"Huwag kang pakielamera" napatingin ako kay Xanon ng bigla niyang inagaw iyon sa akin

"I'm just looking—"

"Pakielamera" inirapan ko nalang siya, masyadong maarte, ano bang masama kung titignan ko iyon?

"Gusto ko ng umuwi"

"Bumabagyo, dito ka muna" napatingin naman ako sa labas, tama nga ang sinabi niya, umuulan ng napakalakas."dito ka nalang matulog" napatingin naman ako sa kanya

Her Code Name Is Blue(UNPUBLISHED SOON)Where stories live. Discover now