Chapter 25: Lost

1.5K 58 0
                                    

Gabi na ng marating namin ang probinsya, sa katunayan nga ay nawawala na ata kami, kanina ko pa naririnig ang mga mahihinang mura ni Xanon

Napansin ko rin na masyado na kaming malayo sa daan, wala akong nakikitang tao o kahit mga sasakyan manlang sana, ang weird lang nitong probinsya na napuntahan namin.

"Are you sure that this is the right way?" tanong ko sa kanya

"No, we're lost" what the! Sinasabi ko na nga ba

"Xanon naman, akala ko ba alam mo kung saang lupalop ng mundo yang Rizal na iyan"napaface palm nalang ako, what should we do now? Paano na kami makakabalik, ghad! "Oh bakit mo itinigil?"

"Nasiraan ata tayo" kung minamalas nga naman kami oo, aish! Ang malas malas, baka naman may balat siya sa pwet kaya kami minamalas ngayon"Mag lakad nalang tayo, sa tingin ko malapit na tayo sa pupuntahan natin" tumango nalang ako at lumabas na ng kotse, may choice pa ba ako? Wala na di ba? Maliban nalang kung gusto kong mag pa-iwan dito pero ayoko noh, baka mamaya may cannibalism dito, nakakatakot.

Nag simula na kaming mag lakad, sobrang dilim kaya naman ay binuksan ko pa yung flash light ng phone ko para may makita kami kahit papaano, grabe! Nakakatakot itong lugar na ito, feeling ko ang raming mga multo dito, wah! Takot pa man din ako sa mga multo.

I have a phobia called, phasmophobia o ang tinatawag nilang fear of ghost.

"Xanon sigurado—" hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil pag lingon ko sa paligid ko ay wala na si Xanon, nag simula na akong kabahan"Xanon! Nasaan ka? Huwag kang ngang mag biro! Hindi ka nakakatawa" biro? Wala ata sa diksyunario niya iyon, walang reply, kinakabahan na ako, idagdag pa yung ulan na bigla nalang bumagsak."X-xanon ano ba?"

*crick*

Napaupo ako ng biglang may naramdaman akong humawak sa balikat ko, napapikit ako dahil doon, I tried to cover up my face for me not to see that freaking ghost.

"Tsk!" may naramdaman naman akong humila sa akin patayo at niyakap ako ng sobrang higpit"Hush! Sorry, stop crying" humiwalay ako sa yakap at pinunasan yung luha ko" hindi ko alam na takot ka pala—aww!!!" sinuntok ko siya sa may tiyan niya, serve him right, ano ba 'yan nag drama pa ako, geez! Never in my life, hindi ako umiyak, bakit ba kasi may ganoong phobia pa ako.

Nagpatuloy lang kami sa pag lalakad ng hindi nag papansinan, dirediretso lang kami hanggang sa makarating kami sa isang kubo, dahil gabi narin kaya napag dedisyunan naming kumatok sa kubo para sana makistay muna.

"Oh ijo ija, anong maipag lilingkod ko? Mukhang nawawala kayo?" sabi nung matanda at pinapasok kami"Pasok muna kayo at akoy mag hahanda ng makakain niya" ewan ko pero parang natatakot ako sa matandang ito, paano kung witch siya? Argh! Kung ano-ano na ang naiisip ko.

Inilibot ko ang paningin ko sa kubo, medyo malawak naman siya. Napansin ko rin na may mga nakasabit na mga bawang sa lahat ng bintana.

"Huwag mo ng pansinin iyan ija, may bali-balita kasi dito sa amin na may gumagalang aswang at yung anak ko ay buntis kaya nag sabit ako nito dito" sabi niya at napatango-tango nalang ako, as if kung totoo iyon, tsk! Tinatakot lang nila ang sarili nila, siguro nga maging sa lugar na ito ay may mga myembro ng drug syndicate na nag kalat."Saan nga pala kayo papunta ng boyfriend mo?" nasamid naman ako bigla dahil sa tanong niya.

"Sa Sitio Rizal po lola at saka po hindi ko po siya boyfriend, kakilala ko lang" tinignan naman niya ako ng masama, ano bang masama kung hindi ko siya ipakilala bilang best friend ko? Ikakamatay ba niya iyon"Lola ano po yang iniluluto mo?"

"Lugaw ito nak" napa'ah nalang ako, kahit kailan hindi pa ako nakatikim ng lugaw.

"Bakit ngayon ka lang nakakita niyan?" tanong ni Xanon at napatango nalang ako"Palibhasa rich kid" I just rolled my eyes.

"Gusto mo bang tikman?" tumango naman ako at nag sandok na ng isang bowl ng lugaw at tinikman iyon, wow! Ang sarap."Kamusta ang lasa?"

"Masarap po, maraming salamat po" sabi ko nalang at sinimulan na ang pag kain, ang sarap talaga, first time kong kumain ng ganito.

"Tsk! Takaw kaya baboy—" sinamaan ko ng tingin si Xanon.

"hoy! Baka nakakalimutan mong dahil sa'yo kaya tayo nawala" inirapan lang niya ako at nakisabay na sa pag kain

"Pwede bang pakisabi sa amin kung saan ang daan patungo sa rizal?" aba! Hindi ba siya tinuruan ng po at opo ng mga magulang niya? Bastos talaga.

"Pag pasensyahan niyo na po siya sadyang walang galang lang po yan" ibinulong ko lang yung iba kong sinabi pero tiyak na narinig niya iyon at natawa nalang si Lola.

***

Maaga kaming umalis dahil nga kailangan na naming makarating sa Rizal para maabutan namin si Niel, baka kasi pabalik na iyon ng manila, mahirap na, masasayang lang ang pag punta namin dito kung nag kataong papunta na siya sa manila.

Nag paalam at nag pasalamat na kami kay lola Guina, at tinungo yung sinabi niya sa aming daan patungo sa probinsya ni Niel, hindi naman nag tagal ay nahanap narin namin ito agad.

Lumapit ako sa isang lalakeng may tattoo na dragon sa may braso niya, mukha siyang adik sa itsura niya, ang hilig talaga nilang mag lagay ng tattoo sa katawan, akala nila ikinakagwapo nila iyon.

"Manong kilala niyo po ba si—" hindi ko na natapos yung tatanungin ko dahil bigla nalang ako hinatak ni Xanon palayo sa lalakeng iyon"Ano ba—" idinikit niya sa labi ko yung hintuturo niya, sinamaan ko naman siya ng tingin at hinawi yung kamay niya.

"He's part of the Drago Mafia, this place is their camp and we didn't know if how many of them here so we need to be careful and don't trust anyone" napatango nalang ako, so kalaban namin yung mga lalakeng iyon? Okay then let's play, lumapit ako doon at ningitian siya, nag taka naman siya dahil sa presensya ko"The f*ck tigas ng ulo" rinig kong bulong ni Xanon, pake ba niya, just want to play games with them since we are already here, why not di ba?

"Bakit?" tanong sa akin nung lalake, nanliit naman ako ng umayos siya ng tayo, grabe! Ang tangkad at ang laki ng katawan niya, mukhang hindi ko kayang kalabanin ito, mapayat lang naman ako.

"Gusto ko lang itanong kung saan ang lugar na ito" ipinakita ko sa kanya yung hawak kong papel na maliit"Nawawala kasi kami ng asawa ko at nasa probinsya na iyan yung anak namin" gusto kong masuka sa pinag sasabi ko

"Diretsuhin niyo lang yang daan at makikita niyo na ang hinahanap niyo" sabi niya at tumango naman ako

"May isa pa akong tanong" kumunot ang noo niya"Pwedeng makituloy muna kami sa inyo?" naramdaman kong kinurot ako ni Xanon"Aw!" sinamaan ko siya ng tingin

"Pasensya na tol pero mauna na kami—"

"Okay lang, pumasok na kayo" napatingin ako kay Xanon na ngayon ay mukhang papatay na ng tao, I just made a face and entered the way to their camp willingly, hindi ko naman pinaplanong guluhin sila, may gusto lang akong malaman at imbestigahan para mapadali na ang trabaho ko.

"you're dead" bulong ni Xanon bago ako inakbayan, nyeta dapat hindi ko na sinabi yung asawa thingy, I'm so pathetic.

***


Her Code Name Is Blue(UNPUBLISHED SOON)Where stories live. Discover now