Chapter 6: Culprit

3.1K 109 1
                                    

I'm currently waiting for Xanon, he said that we are going to meet here at the parking area of E.H.U but where the hell is he? I've been waiting for about 40 minutes now. Argh! Baka inuuto lang ako nun,malalagot talaga siya kapag nag kita kami.

Calling..

Hinanap ko yung phone ko at tinignan kung sino yung tumatawag bago ko sinagot, mahirap na baka myembro ng sindikato iyon o whatever.

[Hello? Cheana?]

"What?"

[Nasaan ka?]

"Nandito ako sa parking area"

[What are you doing there? Hindi mo ba alam na may klase pa tayo ng 6 pm?]

"I know, I'll ditch my class"

[Okay, bahala ka]

Pinatayan ko na siya ng tawag, first time kong mag ditch ng klase sa totoo lang haha, but what's the point of ditching my class kung wala naman si Xanon?

I'm now being impatient here, bakit ba kasi ang tagal niya? Argh! Niloloko lang niya ata talaga ako.

"Hoy Cheana!" napalingon ako sa tumawag sa akin, si Xanon.

"Why are you late?" tanong ko, pumasok na siya sa kotse niya kaya pumasok narin ako.

Pinaandar na niya yung kotse niyang napakamahal, hindi ko na inalam pa kung anong car ito, basta paniguradong milyon ang halaga nito.

While he was driving, hindi ako mapakali at hindi rin ako makapag pigil na huwag tumingin sa kanya, geez! Oo na gwapo na siya pero hindi siya yung type ko sa mga lalake, gusto ko ay yung lalakeng gwapo, simple, matalino, gentleman at hindi mayabang, in short, almost a perfect man.

Saan ako makakakita? Well, sa america lang naman, naalala ko tuloy yung time na nag kita kami ni James Scariot sa america.

James Scariot is my crush, yeah, bata palang kami crush ko na siya, I think nag simula akong mag karoon ng gusto sa kanya noong nasa 13 or 14 years old na ako, oo ganun katagal, crush lang yun ah.

Why I like him? Well, simply because he is good at everything, he knows how to handle so much misyon to the point that he will sacrifies his own life for the people, see? Kahit bata palang siya nagagawa na niya ang lahat and  Yeah! He is now in heaven, 15 years old kami noong namatay siya ng dahil sa akin, hindi ko parin makalimutan yung araw na iyon, yung may sumalakay na sindikato sa mansion namin at nakidnap ako.

I'm so scared that time and of course nakapag move on narin ako pero hinding hindi ko kayang kalimutan yung nangyari. That syndicate need to be in jail, gusto kong mabigyang katarungan ang pag kamatay ni James at ng iba pang pamilyang nadamay noon.

"Ang tahimik mo naman, akala ko sa mga babae ay madadaldal" hindi ko siya pinansin, so what kung tahimik ako"here" napatingin ako sa iniaabot niyang panyo.

"Anong gagawin ko diyan?"

"Kainin mo baka sakaling mabusog ka" sarkastikong sabi niya, kumunot yung noo ko"Ako na nga" ipinagilid niya yung kotse at lumapit sa akin, nag tataka nga ako sa ginagawa niya.

"Lumayo ka nga!!" I tried to push him but he hugged me tightly.

"Huwag kang maingay, makakahalata sila" bulong niya at unti-unti na siyang lumayo sa akin, may tinanggal siyang something sa may bag ko at ipinakita sa akin.

It is a hearing device, kung saan maririnig nila lahat ng pinagsasabi ko, ghad! Bakit hindi ko manlang napansin at saka lumuha pala ako, geez!I'm out of my mind right now.

"Thanks" sabi ko at inayos ang pwesto ko, nag simula na siya sa pag mamaneho."Saan tayo pupunta?"

"I don't know" the hell! Siya ang nag-aya tapos hindi niya alam ang pupuntahan namin.

"Basta tumahimik ka nalang diyan" sabi niya kaya tumahimik nalang ako.

Nang makarating kami sa lugar kung saan niya ako dadalhin ay bumaba narin kami, this is a forest, what the hell we're doing here?

"Anong ginagawa natin dito Xanon? Seryoso ako tungkol sa poisoning case na iyon, kung dinala mo ako dito para makipag lokohan, please lang ibalik mo nalang ako sa E.H.U, you're just wasting my time" naiinis kong sabi sa kanya.

"Tsk! Seryoso rin ako, nandito tayo para puntahan yung lalakeng pumatay sa nurse at kay Allan" napakunot ang noo ko.

"paano ka naman nakakasigurado kung siya nga ang pumatay?" tinaasan ko siya ng isang kilay"As far as I know, the culprit is in the campus right now, imposible namang makapasok iyon sa loob ng campus kung tama nga ang sinasabi mo"

"What if I'm telling the truth, I have my evidence so cooperate with me" sabi niya at pumasok na sa may maraming puno, geez! I guess I have no choice but to go with him, saka para narin malaman ko na kung totoo ba yung sinasabi niya.

Nanatili lang akong nakasunod sa kanya hanggang sa marating namin ang dulo ng gubat na pinasukan namin, natatanaw narin namin ang maliit na kubo.

"So ito yung —absvnm" tinakpan niya yung bunganga ko, tinanggal ko naman agad yung kamay niya"Let go" sinamaan ko siya ng tingin, malay ko ba kung madumi yung kamay niya tapos ipinantakip pa niya sa bunganga ko.

"Look" napatingin ako sa tinitignan niya.

There are a group of man, may mga dala-dala silang mga boxes na hindi ko malaman kung ano ang laman. Lahat sila ay mga armado na tila ba ay papatayin ka nila kapag nahuli ka.

"What should I do? I will call the police" sabi ko at akmang ilalabas ang phone ko pero inagaw niya iyon"The hell! Give me back my phone" pabulong na sabi ko.

"Tsk! We don't need that f*ckn police, we can do it by ourselves" sabi niya at inilabas yung baril niya, ikinasa niya iyon sabay tayo dahilan upang maalarma ang kalaban namin, napa face palm nalang ako dahil sa ginawa niya. He's so careless.

"Xanon naman!" sigaw ko, nag simula na silang mag palitan ng putok kaya napilitan akong mag tago muna, geez! If I know na ganito ang mangyayari edi sana dinala ko rin yung baril ko.

Habang nag papalitan sila ng putok ay patago akong nag punta sa may kubo, pinasok ko iyon at isang bangkay ng taga-E.H.U ang natagpuan ko, nilapitan ko iyon at tinignan yung nakausling papel sa may bulsa niya, kinuha ko iyon at binasa.

"El este cel care ia ucis"

What's the meaning of that? Hindi naman ako marunong bumasa ng Romanian.

"F*ck we're late" napatingin ako sa kanya, napatay niya lahat ng mga goons ng hindi manlang siya pinag pawisan, this only means that he is fond on killing people, I mean, marunong siyang gumamit ng baril at kaya niyang pumatay ng hindi naaawa.

"Let's report it to the police" mahinahong sabi ko.

"hell no! Wala naman nagagawa yang mga police na yan" galit na sabi niya at lumabas na ng kubo, may tinawagan siya at maya-maya pa ay binalikan niya ako at hinatak palabas ng kubong iyon"Huwag mo ng hanapin ang culprit dahil patay na siya, maybe someone killed him" sabi niya.

Kailangan ko bang paniwalaan ang konklusyon niyang patay na ang killer? I mean, wala namang ibidensya at itong sulat lang ang kailangan kong mabasa para malaman ko kung ano ba talaga.

***

Her Code Name Is Blue(UNPUBLISHED SOON)Where stories live. Discover now