Chapter 34: The truth

1.5K 48 0
                                    

Cheana's POV

Nagising ako dahil sa init na nararamdaman ko, hindi ko maigalaw yung kamay at paa ko, wala rin akong makita. I tried to my my body then I realize that someone kidnapped me, nakatape rin kasi yung bunganga ko.

"Natawagan mo na ba?" boses ng babae, hindi ko nag kakamali, si Sampaguita iyon.

"Oo naman" boses naman ng lalake, hindi ko alam kung sino iyon

"Si Mommy?"

"Papunta na siya miss sampaguita"

"That's good"

Naramdaman kong palapit siya sa akin, tinanggal niya yung tumayakip sa mga mata ko at sa bunganga ko, nang makaadjust na ang paningin ko at sinamaan ko siya ng tingin.

"What do you want from me?" tanong ko pero tumawa lang siya"Are you crazy?"

"Don't play games anymore Blue, it's game over" sabi niya at may inilabas na baril galing sa likod niya"Dapat noon pa kita pinatay, dapat tinuluyan na kita noon edi sana hindi mo na nalaman ang tungkol sa ginagawa namin, edi sana hindi kami nag aaway ni mommy at sana hindi na nadamay dito si Xanon!!" idinikit niya sa noo ko yung dulo ng baril kaya ramdam ko ang lamig nito.

Sa halip na matakot ako ay napangiti nalang ako na may halong pang aasar, wala akong pake sa mga pinag sasabi niya, ang layunin ko lang ngayon ay ang makaharap ang taong may dahilan kung bakit ko ginagawa ito, ang taong pumatay kay Mommy sa mismong harapan ko.

"Thank you, dahil sayo ay mas mapapadali na ang trabaho ko" napakunot ang noo niya pero agad rin iyon napalitan ng kakaibang ngiti.

"Ang tapang mo naman, tignan lang natin kung hanggang saan ang tapang mo" may sinabi siya sa mga kasamahan niya at maya-maya pa ay may hawak na silang lalakeng nakatakip ang mukha gamit ang plastic bag, tinanggal nila iyon at iniharap sa akin.

Bigla nalang akong nang hina ng makita ang lalakeng isa sa pinakamamahal ko, si Dad. Punong puno siya ng sugat at nanghihina na.

"Haha! So anong masasabi mo?" napatingin ako ng masama kay Sampaguita

"How dare you to hurt my father!!!" nag pupumiglas ako pero sadyang magaling sila sa pag tali kaya hindi ko makalas.

"Dare me? Ikaw kaya ang may dahilan kung bakit siya nandito, gusto mo bang mamatayan ulit? Ibibigay ko naman iyon sayo, kapalit ng buhay na kinuha niyo noon" napakunot ang noo ko, what is she saying"Siguro nga naguguluhan ka na ngayon, well, let me tell you some story of my life" kumuha siya ng stool at umupo sa harapan ko"Your father just killed my brother 4 months ago, nalaman ko lang iyon kahapon, alam mo bang hindi dapat kita idadamay dito pero wala eh nanaig ang galit ko sayo, lalo na ng malaman kong girlfriend ka ni Xanon" girlfriend?

"No! I'm not his-"

"Sabihin nalang nating hindi pero he cares for you!! Kung bakit ba naman kasi inutusan ka pa ni mommy na mag manman kay Xanon" mommy? Inutusan ako ng mommy niya?

Bigla ko namang naalala yung sinabi sa akin ni Jey kanina,"Yes I did it, ipinag-utos ni Mrs. Minda, she's the real traitor here, not me 'cause I just do what they said to me", so it means, inutusan lang talaga nila ako para manmanan si Xanon, para siya ang pag hihinalaan kong gumagawa ng illegal na gawain, how dare they para paikutin at gawin akong tanga

"since you already know everything, then let me kill your father and I want you to do it" nasisiraan na talaga siya, how can I kill my father with my own hands? Hinding hindi ko gagawin yun"Ayaw mo? Okay then, ako nalang ang gagawa para sayo" tumayo siya at nilapitan si dad, he is looking at me.

"D-dad! No! Huwag niyo siyang idamay, siya nalang ang natitira sa buhay ko" I cried, hindi ko na napigilan ang maiyak dahil sa nararamdaman kong ito.

Tama nga ang sinabi nila, hindi sapat ang tapang ko, lahat tayo ay may kanya-kanyang katapangan pero mayroon rin naman tayong kahinaan sa isang bagay at ang kahinaan ko ay Dad ko, nawala na nga si Mommy, pati ba naman si Dad papatayin nila!

"Sorry Dad" pumiyok na bulong ko at pumikit, ayaw kong makita kung paano nila patayin ang daddy ko, masakit para sa akin dahil wala manlang akong nagawa, nanonood lang ako dito at hindi ko manlang siya maililigtas.

*bang*

Mas lalo akong naiyak dahil sa narinig kong putok, wala na si Dad. They killed him, ayoko ng mabuhay! Dapat ako nalang ang pinatay nila.

"Open your eyes dear" iminulat ko naman yung mga mata ko at sinamaan siya ng tingin, hinawakan niya naman yung pisnge ko at pilit na ipinapakain sa akin yung hawak niyang drugs, dahil sa hindi naman ako makalaban ay napilitan akong duraan siya, kadiri man pero kailangan.

"Sampaguita!!" thank God nandito na siya

"Oh Xanon! Long time no see, hindi ko akalaing pupunta ka, sino ba ang ipinunta mo dito? Ako ba?" napatingin sa akin si Xanon, punong puno ng pag aalala yung mga mata niya"Mag pakasal nalang kasi tayo para pakawalan ko siya"

Habang nag uusap sila ay sinubukan kong abutin yung pocket knife na nasa likuran ko, nang makuha ko na ay agad ko namang pinutol yung pag kakatali ng kamay ko.

"Itigil mo na lahat ng plano mo para sa walang kwentang oragnisasyon niyo!"

"Sino ka ba para diktahan ako? Sa pag kakaalam ko, I'm just your ex now, and by the way, kaya ka siguro nag punta dito dahil gusto mong masaksihan kung paano ko patayin si Blue di ba?" kitang kita ko ang ngiti ni Sampaguita, ang sarap tanggalan ng bunganga"Any last word?" itinutok niya sa akin yung baril niya.

"Let's talk about this Sampaguita" Xanon trying to calm himself, nakatikom narin kasi yung mga kamay niya na tila ba ay nag pipigil lang, nang mapatingin si Sampaguita sa kanya ay doon na ako nag karoon ng oras para agawin ang hawak niyang baril, nag agawan kami, kahit mas malakas siya ay hindi ako nag patalo.

I punch her stomach kaya naman ay naihagis ang baril niya sa malayo, I kicked her hard till she can't stand up

"That's for killing my father b*tch!!" namulot ako ng baril at itinutok sa noo niya na katulad ng ginagawa niya sa akin kanina, now it's my turn to get my revenge, hindi pa tapos ang laban, umpisa palang talaga ng totoong laban.

"Chea!!" rinig kong sigaw ni Xanon, malayo pa kasi siya kaya kailangan pa niyang takbuhin, pag lingon ko sa kanya ay bigla nalang may yumakap sa akin at sunod-sunod na pag putok ng baril ang narinig ko.

*bang*

***

Her Code Name Is Blue(UNPUBLISHED SOON)Where stories live. Discover now