Chapter 16: Handwriting

2K 63 0
                                    

Yan muna, gagawa pa ako ng napakaraming reports at kailangan na namin iyon bukas..

Vote and Comment!!

***

Today is our reporting about that freaking love, I hate talking about it, hindi ko alam kung bakit pero sadyang naiinis ako kapag tungkol sa love na ang pinag uusapan, paano ba naman kasi, minsan na akong nag mahal pero niloko lang ako.

Imagine. Ibinigay ko lahat-lahat para sa kanya, I even disrespected my father because of him and for what? To hurt me? Pathetic, Love will just make you stupid.

"Chea" nabalik ako sa katinuan ng may tumapik sa akin, nandito na pala kami sa harapan ng mga kaklase namin at hinihintay akong mag salita.

"For you what is love?" tanong ko sa kanila at may isang babae ang nag taas ang kamay kaya tinawag ko siya

"Love for our opposote sex is something we can consider as our life" sabi niya at umupo na.

"Bakit hindi ka ba mabubuhay ng walang pag ibig? Mas maniniwala pa sana ako kung si God ang pinaguusapan natin dito" tinabig ako ni Xanon kaya sinamaan ko siya ng tingin"Okay let's start" napatingin ako kay Xanon, siya kasi talaga ang mag rereport nito.

"Love is a variety of different feelings, states, and attitudes that ranges from interpersonal affection "I love my mother" to pleasure "I loved that meal". It can refer to an emotion of a strong attraction and personal attachment. Love can also be a virtue representing humankindness, compassion, and affection—"the unselfish loyal and benevolent concern for the good of another".It may also describe compassionate and affectionate actions towards other humans, one's self or animals" habang sinasabi pa niya iyon ay nakatitig pa siya sa akin na tila ba ay may gusto siyang iparating."Your turn" bulong niya kaya nabalik ako sa katinuan, bakit ba kasi ako nakikititig sa kanya. Nakakadistructed yang pag mumukha niya.

"Ancient Greek philosophers identified four forms of love: kinship or familiarity, friendship, romantic desire, and self-emptying or unconditional love. Modern authors have distinguished further varieties of love: limerence, amour de soi, and courtly love. Non-Western traditions have also distinguished variants or symbioses of these states.Love has additional religious or spiritual meaning—notably in Abrahamic religions. This diversity of uses and meanings combined with the complexity of the feelings involved makes love unusually difficult to consistently define, compared to other emotional states." pag katapos kong mag salita ay nakanganga silang lahat, binilisan ko kasi ang pananalita ko.

"That's just a brief entry—"

"Entry niyo lang iyan bes!" tanong ni Niel"Woah! Ang talino niyo talaga, Go! Go! I'm against Rain now! I'm Anexa now!"

Anexa my ass

"Shut up Niel" tumahimik na siya kaya sinimulan na namin ulit ang pag rereport namin.

"Love to opposite sex, paano nga ba ang umibig? Kailangan mo bang ibigay sa kanya ang lahat-lahat para lang maipahayag o maiparamdam mong mahal mo siya? O kailangan mo bang baguhin ang iyong sarili upang ikaw ay maging katanggap tanggap sa kanya?" ewan ko pero parang may something sa kanya habang nag sasalita, it feels like he change his self for a girl, I mean, parang ganun narin kasi iyon dahil nga nag babago na siya, hindi na siya yung bully at bad boy na nakilala ko.

Di kaya may napupusuan na siya? Well, kung sino man iyon, maswerte siya. Imagine, a bad boy like him? Will changed himself just for her?

Marami pa siyang sinabi tungkol sa love, hindi narin naman ako nakikinig, nakatingin lang ako sa kawalan habang nag sasalita siya.

"Thank you for listening" yun lamang at umupo na kami.

Nag report narin ang iba naming kaklase hanggang sa matapos ang subject namin. I didn't listen through out the reporting, I just drawed the face of our teacher, yeah! Our teacher have no Idea what I'm doing to her face, I'm making it funny.

"Ano yan bes?" tinignan niya yung ginagawa ko"Alaka! Isusumbong nga kita" I just rolled my eyes

"Edi isumbong mo, samahan pa kita" saad ko naman, hindi ako natatakot noh.

"That's all for today" sabi niya at umalis na, nag kanya-kanya naman kami sa pag aayos sa mga gamit namin.

Habang inaayos ko yung ginamit namin sa reporting kanina ay may napansin akong something, this is really familiar, saan ko na nga ba ito nakita? Aha! I knew it.

Inilabas ko yung dalawang papel na nakuha ko galing doon sa palaging nag papadala sa akin ng Romanian sentences, ipinagkumpara ko ang sulat kamay nun at yung kay Xanon.

"Tara na bes!" rinig kong sigaw ni Niel pero hindi ko siya pinansin, nanatili lang akong nakatunganga sa sulat na hawak ko.

This can't be, napakaimposibleng siya iyon.

"Bes" napatingin ako kay Niel at ipinakita sa kanya yung sulat"Ano ito?"

"Look Niel, pareha sila ng sulat kamay di ba?" tanong ko at tumango naman siya"See?"

"Oo naman pareha, pero may letra na hindi pareha ng pag kakasulat" ibinalik na niya sa akin yung sulat at kinuha yung manila paper na hawak ko"tara na, gutom na ako bes"

Sumunod nalang ako sa kanya, still I can't deny it that they are the same, I can't believe it, I need to confirm it if he's really the man who always giving me those papers.

"Niel, mauna ka na, I think may nakalimutan pa ako" he just nodded, buti nalang hindi na siya nag tanong pa.

Bumalik ako sa classroom at nag tungo sa may lalagyanan ng mga books at notebooks namin na iniiwan, hinanap ko yung activity notebook niyang kulang black at buti nalang ay hindi ako nahirapan.

I scanned it, comparing all of his writing in the paper, it's all positive but there's a part of it that they are not the same just like the alphabet's A, G and Z, ibang-iba ang pag kakasulat niya doon pero sa lahat lahat na ay puro mag kakapareha na.

I frowned out of frustration, naalala ko kasing kasama ko siya noong pinatay yung unang culprit namin, yeah I'm with him, kaya napakaimposible namang siya ang may kagagawan nito.

Pero pwede rin niya akong paikutin, maybe, he finished him first before helping me find him, argh! Naguguluhan na ako.

Xanon? The romanian guy? Impossible!

***

Her Code Name Is Blue(UNPUBLISHED SOON)Where stories live. Discover now