CHAPTER 01

15.8K 429 136
                                    

NOTE: BAGO KA MAGSIMULANG MAGBASA, BASAHIN MO MUNA ITO. ALAM KO, SASABIHIN NINYO NA KATULAD ITO NG TV SERIES NOON SA GMA-7 NA "THE CURE". PERO PARA SA KAALAMAN NG LAHAT, ANG "THE CURE" AY 2018 NAGSIMULA HABANG ITONG "Z+" NAMAN AY 2016 KO PA GINAWA. NAHINTO AKO AT ITINULOY KO NOONG 2017 AT NATAPOS KO NG PAREHONG TAON. KAYA IMPOSIBLENG GINAYA KO ITO SA "THE CURE" DAHIL MAS NAUNA ITO DOON. MARAMING SALAMAT...





DALAWANG bakla na putok na putok ang make-up at halos labas na ang kaluluwa sa mga suot na damit ang naglalakad sa madilim na kalye. May mga poste naman ng ilaw sa gilid ngunit karamihan sa mga iyon ay walang sindi. Pauwi na sila galing sa isang gay beauty contest sa kabilang baranggay. Tahimik na ang buong paligid at wala nang mga tao sa labas. Lahat ng bahay na nadadaanan nila ay sarado na at patay na rin ang mga ilaw. Halos hatinggabi na rin kasi kaya ganoon.

“Hay! Ang dilim talaga sa kalyeng ito! Nakakatakot! Baka mamaya ay magahasa pa ako!” Himutok ng baklang mataba. Bitbit nito ang malaking bag na naglalaman ng mga gown at iba pang ginamit nito kanina sa contest.

“Wow naman, Chabeng! Gahasa talaga? Holdap pa maniniwala ako! O kaya baka litsunin ka! Saka sa laki ng mukha mo, matatakot sa iyo ang kriminal!” Panlalait ng kasama ni Chabeng na bakla sa kanya.

“Mahiya ka naman sa balat mong marumi, Fiona! Makapanglait ka naman!” aniya sabay irap. “Pero nanggigigil talaga ako doon sa nanalo. Hindi siya deserving! Dinala sa ganda, lagapak naman sa Q and A! Mas magaling pa ako doon sumagot!”

“Agree. Agree! Pero beauty contest kasi sinalihan natin hindi quiz bee kaya kahit maganda ang answer natin, wapak pa rin tayo. Move on na lang. Malay mo, swertihin tayo sa mga susunod na araw. Hindi natin alam--” Hindi na natapos ni Fiona ang sasabihin nito dahil bigla niyang tinakpan ang bibig nito. Naiinis naman na inalis ni Fiona ang kamay niya. “Ano ba, Chabeng?! Ang baho ng kamay mo! Saan mo ba 'yan hinawak? Nakakadiri!”

“Fiona, hindi na natin kailangang hintayin ang susunod na araw para swertihin! Look!” Itinuro niya ang isang matangkad na lalaki na naglalakad sa direksyon nila. Nanginig ang mga taba niya sa katawan sa sobrang excitement.

Sa palagay kasi ni Chabeng ay lasing ang naturang lalaki dahil walang pagewang-gewang ang paglalakad nito. Nakayuko pa pero sigurado siyang gwapo ito. Maputi at matangkad. Pinanuyuan tuloy siya ng lalamunan.

Napahawak si Fiona sa malaki niyang braso sabay yugyog. “Bet! Malayo pa lang pero mukhang yummyness na. Akin siya!”

“Anong sa iyo? Ako unang nakakita sa kanya kaya he is mine!”

“Sige, share na lang tayo. Gaya ng dati.”

“Pero mauuna ako, ha? Magkano ba pera mo diyan? May fifty pa ako dito.”

Kinapa ni Fiona ang bulsa nito habang nakatingin sa taas. Isang bente pesos na papel ang ipinakita nito sa kanya. Kinuha niya iyon. Sapat na siguro ang perang iyon na pambayad sa lalaking iyon. Iyong iba nga, payag na yosi lang, e.

Malapit na sa kanila ang lalaki kaya naman todo pa-cute na silang dalawa. Inililis pa niya pataas ang suot na shorts at ipinakita ang legs. Si Fiona naman ay nagpabango pa talaga at ginulo ang buhok para daw animalistic.

“Hi, pogi!” tawag ni Chabeng sa lalaki nang halos dalawang dipa na lang ito sa kanila. “Gusto mo bang kumita ng pera? Sama ka sa amin sa house.”

“Oo nga, pogi. Hihiga ka lang, pagbangon mo may pera ka na!” segunda naman ni Fiona.

Naghagikhikan silang dalawa nang huminto ang lalaki sa harapan nila.

Wala silang narinig na sagot dito kundi ungol lamang.

Kinalabit siya ni Fiona. “Parang adik naman yata iyan. Umalis na lang tayo, Chabeng. Afraid na me…” bulong pa nito.

Z+Where stories live. Discover now