CHAPTER 12

4.6K 175 7
                                    

(Sorry kung natagalan ang update. Pero, eto na ulit ang pagbabalik ng kwento ng echoserang si Paloma. Enjoy!)

“TRES MARIAS? Girl group ba kayo? Parang Mocha o Sexbomb Girls? Sorry, ha. Hindi ko kasi kayo napapanood sa TV. Bago lang siguro kayo, ano?” Dire-diretsong sabi ni Paloma sa tatlong babae na nakatayo sa harapan nila ni Rob.

Gusto niya sanang takpan ang mga mata ni Rob dahil titig na titig ang hayop sa mga nakalabas na cleavage ng tatlong babae. Grabe naman ang mga ito! Wish lang niya ay makalmot ng mga zombies ang dede ng mga hinayupak na mga babaeng ito. They are hinayupak dahil hindi niya feel ang mga ito. Imbyerna siya kahit iniligtas pa sila ng tatlo. Ang taray kasi ng aura ng mga ito. Parang gustong magpatalbugan ng mga ito ng pa-sexy-han at pagandahan sa kanya. Well, hindi naman siya papakabog. Siya lang naman ang nag-iisang “Bratatat Girl” at “Dyosa ng Zombies”. Right?

“Are you insulting us?” At nanggigigil na itinutok sa kanya ng girl na nasa right ng nasa gitna iyong malaki nitong baril.

“Maria Elena! Huwag.” Hinawakan nang nasa gitna ang baril ng babaeng nagtutok sa kanya at iginiya iyon pababa.

“Eh, nakakainsulto pinagsasabi ng babaeng iyan! Sila na nga ang tinulungan. Tsk!”

Ano ba 'yan? Ang init naman ng ulo ni ateng. Pangit siguro childhood memories niya. That’s for sure! Bulong niya sa sarili.

Medyo lumapit sa kanya si Rob at binulungan siya. “Paloma, huwag mo na silang asarin. Baka magalit sila sa atin, e. Utang natin sa kanila na buhay pa tayo ngayon.”

“Wala akong pakialam, Rob. Hindi naman natin sila inutusan na iligtas tayo. Hayaan mo lang ako!”
Humakbang paunahan iyong nasa gitna kaya tumigil na sila sa pagbubulungan.

“Gusto kong pormal na magpakilala sa inyo. Ako nga pala si Maria Ysabel…” Pagpapakilala nito.

Sumunod naman iyong parang masungit. “My name is Maria Elena!” Ikinasa pa nito ang hawak na baril na ikinagulat ko.

“At ako naman si Maria Leonora! The prettiest of them all!” May kasama pang kagat-labi ang bruha!

“At kami ang magkakapatid na Tres Marias!” sabay-sabay na sigaw ng mga ito at pose-pose pa talaga ang tatlo na akala mo ay sina Sailormoon.

Tapos nang magpakilala ang tatlo pero hindi pa rin gets ni Paloma kung bakit Tres Marias ang tawag sa mga ito. Medyo naloloka lang siya. Baka trip lang talaga ng mga ito na ganoon ang ipangalan. Siya kasi, alam niya kung bakit sila Lucky Seven kasi pito sila sa grupo. Eh, ang mga ito? Tres Marias? Nasaan ang connect sa tatlo?

Okay. Real talk. Walang halong plastikan. In fairness naman, magaganda naman ang tatlo at makikinis. Pero mas maganda pa rin siya. Aminado naman siya doon. Si Maria Ysabel, malakas ang kutob niya na ito ang leader kasi ito ang nasa gitna. Matangkad ito at sexy pero may muscles. Batak yata sa gym si ate. Long, black and straight ang hair. Si Maria Leonora naman ay palaging naka-smile. Para siyang character sa isang anime. Nakapusod ang buhok niya na parang si Chun-Li ng Street Fighter. Sexy din pero medyo maliit. Ito ang pinaka maputi sa tatlo. At iyong laging nakabusangot ang mukha na parang amasona na si Maria Elena naman ay morena. Pinay na Pinay ang dating nito. Sexy rin naman. Lahat ay pare-parehas ng outfit. Naka-shorts ng maong, boots at ang pang-itaas nila ay t-shirt na fit din at kita ang mga pusod!

Aba! Aba! Talbog siya sa sexy outfit ng Tres Marias, ha. Kaya naman si Rob ay takam na takam na nakatingin sa tatlo. Ang sarap batukan ng mokong!

“Ah… Ako naman si Paloma at ito naman si Rob.” Mabilis na pagpapakilala niya. “Sige, diyan na kayo. Aalis na kami. Bye!!!”

Z+Where stories live. Discover now