CHAPTER 04

5.1K 211 6
                                    


ISANG malaking paghikab ang pinakawalan ni Paloma after niyang magising.

“Ha? Anong nangyari? Bakit mag-isa na lang ako dito sa van? Nasaan na ang mga kasama ko? Iniwan ba nila ako? Aba, aba, aba! Akala ko ba walang iwanan ang Lucky Seven? Bakit mag-isa na lang ako ngayon?” kakamot-kamot sa ulo na reklamo niya.

Dahan-dahan siyang lumabas ng van. Sumalubong sa kanya ang nakakasilaw na liwanag ng araw at ang walang katao-taong lugar. Ghost town ang peg. Abandonado ang lahat ng bahay at establishments. Grabe talaga ang ginawa ng Z-virus na iyan sa Pilipinas. Sinira nito ang nakaganda niyang bayan! Char!

Wait nga lang! Nakalimutan niya 'yong baril niya sa van. Bumalik siya pero hindi niya nakita ang baril. “Nasaan na iyon? Grrr… Mukhang kinuha rin nila. Iniwan na nga nila ako, ninakawan pa ako ng baril. Kainis!” Patuloy na reklamo niya.

Yari siya nito kapag may zombies na nakakita sa kanya. Ang lakas pa naman ng pakiramdam at pang-amoy ng mga iyon. Scary…

Lakad lang siya nang lakad. Pilit niyang tinatapangan ang sarili kahit nag-iisa. Yes, bwisit na bwisit siya sa mga zombies na iyan to the point na gusto na niyang pagsasampalin ang mga ito pero takot pa rin naman talaga siya sa mga ito. Lalo na kung susugod ang mga ito ng maramihan. Naku! Hindi talaga siya magdadalawang-isip na tumakbo nang mabilis. Wala pa naman siyang dalang armas ngayon. Yari na. Wish lang niya ay walang zombies dito.

Sa kakalakad niya ay hindi na niya namalayan na gabi na pala. O bigla na lang talagang dumilim. Parang gano’n kasi ang nangyari. Naku, ha! Kung anu-ano na lang ang mga nangyayari. Ang weird. Sobra!

May nakita siyang babaeng nakatalikod. Nakatayo ito sa gitna ng kalsada. Mahaba ang buhok na umabot sa beywang nito. Sino naman kaya ito at talagang nakatayo lang sa gitna? Hindi ba ito natatakot na baka may biglang dumating na zombies at kainin ito?

“Ate! Anong ginagawa mo diyan?” tanong ni Paloma dito. Pasigaw para marinig nito.

Hindi ito sumagot. Baka naman bingi. Hindi siya narinig.

Inulit niya ang pagsigaw. “Hoy, ate! Anong ginagawa mo diyan? Baka mamaya may zombies na dumating, ikaw rin… Yari ka…” Mas malakas na ang pagsasalita niya. Tinakot na rin niya para naman umalis na ito.

Hindi pa rin ito lumingon. Ang snob naman. Baka naman artista ito kaya snob. Hindi kaya?

“Ate! Hoy! Sino ka—“

Natameme siya nang gumalaw na ang babae. Umikot ito paharap sa kanya. Dahan-dahan hanggang sa nakita na niya ang hitsura nito. Napanganga si Paloma na parang natuka ng ahas. Feeling niya ay hindi niya maigalaw ang kahit na anong parte ng kanyang katawan. “N-na… N-nanay!” Uminit ang gilid ng mga mata niya.

Pagkakita niya dito ay bumalik sa alaala ni Paloma ang ginawa niyang kasalanan sa nanay niya—iyong pagbebenta niya dito sa mga scientist para sa ekspiremento ng mga iyon. Bigla siyang nginatngat ng konsensiya dahil sa nagawa niya noon.

Ang alam niya ay ang nanay niya ang kauna-unahang biktima ng Z-virus pero bakit ngayon ay normal lang ang hitsura nito. Payat at humpak ang pisngi. Hindi naglalaway at hindi namumutla ang balat. Bagkus ay nakangiti ito sa kanya na parang tinatawag siyang lumapit siya dito.

“Nanay…” Halos hindi na lumabas sa bibig niya ang kanyang boses.

Walang patid ang agos ng luha niya.

Inangat ng nanay niya ang dalawang kamay at pinayapay siya. Pinapalapit siya nito…

Humakbang siya. Unti-unti. Excited siya. Wala siyang idea kung bakit naging tao na ulit ang nanay niya pero wala na siyang pakialam. Ang importante ay may pagkakataon na siyang humingi dito ng kapatawaran. Nagmamadali na ang bawat hakbang ni Paloma. Sinugod niya ito ng yakap at umiiyak na ipinatong ang baba niya sa balikat nito.

Z+Where stories live. Discover now