CHAPTER 08

4.8K 190 12
                                    


“HOY, Rena! Bakit pangiti-ngiti ka diyan? Akala mo ba ikinaganda mo iyang suot mo na para kang si Catwoman? Mukha kang suman! Hindi ka ba naiinitan sa suot mo? Duh!” Talagang nilapitan at tinarayan pa ni Paloma si Rena nang makita niya itong nag-iisa habang nililinisan ang dalawang samurai. Naka-indian sit ito sa sahig.

Gabi na ng oras na iyon at naghahanda na ng pagkain sina Lolo Yolo at Violet.

Tumigil ito sa ginagawa at tumayo. Iniliyad pa ni Rena ang dibdib na parang hinahamon siya ng palakihan ng dede. Siyempre, hindi naman siya papatalo. Iniliyad rin niya nang bonggang-bongga ang dibdib niya at itinaas iyon nang bahagya. Hindi na nga siya humihinga pero mukhang talo siya sa palakihan ng dede. Mas malaki ang dede ng Rena na ito kesa sa kanya! Siguro nagparetoke ang hitad! Sumuko na si Paloma. Ibinalik niya sa normal ang dibdib niya. Baka pumutok pa kapag hindi siya huminga, e.

Marahan na ibinalik ni Rena ang samurai sa lalagyan na nasa likuran nito. “Ngumingiti ako dahil miyembro na ako ng Lucky Seven. Alam mo kasi, Paloma, nang matanggap ko na hindi na ako makakapagbakasyon at kailangan kong magsurvive sa mga zombies, wala na akong hiniling kundi ang mapabilang sa Lucky Seven. And now, nakamit ko na ang wish ko. Bongga, 'di ba?” anito na parang inaasar siya.

Talagang sinimangutan niya si Rena. “Ambisyosa! Sila, tanggap ka sa grupo pero ako, hindi! Chaka mo, girl!”

“Chaka ka rin!” sabay tawa.

Aba!!! Ang sarap sabunutan ng babaitang ito!

Talagang lalo nitong pinag-iinit ang dugo niya!

“Dinner is ready!!! Come here na, guys!” sigaw ni Violet.

Hindi niya pa rin inaalis ang masamang tingin kay Rena. Malakas din kasi ang kutob niya na may balak itong agawin sa kanya ang pagiging reyna ng Lucky Seven. Basta-basta na lang kasi itong darating tapos sasali sa grupo nila porket nabawasan sila ng isa? Hay naku!

“Sige, wala ka na naman yatang sasabihin… Gutom na ako kaya kakain na ako. Bye, Paloma!” Malandi pa siya nitong kinawayan at pumunta na kina Violet para kumain.

Matalim ang mata na sinundan ni Paloma ng tingin si rena. Biglang lumapit sa kanya si Buhawi. “Paloma, mag-usap tayo.” Seryoso ang boses ni Buhawi. Sabagay, palagi naman pala itong seryoso.

“Tungkol saan?” tanong niya.

“Tungkol kay Rena.”

Sandali siyang natahimik. “Sa totoo lang, ayokong pag-usapan ang babaeng iyon pero, sige… Anong tungkol sa kanya?”

“Alam kong ayaw mo sa kanya at tutol ka na kabilang na siya ng Lucky Seven. Pwede ko bang malaman kung bakit?”

“Ayoko sa kanya dahil unang kita ko pa lang sa kanya ay hindi ko na siya gusto. Isa pa, kakakilala pa lang natin sa kanya, hindi pa natin siya lubusang kilala tapos kasali na agad siya sa grupo? Wow lang! Ganoon na lang niya kadaling papalitan si PO2? Ayoko! Ayoko!”

“Paloma, hindi ko gusto ang paraan mo ng pag-iisip tungkol kay Rena.” Hindi naman galit si Buhawi pero nakaramdam siya ng takot sa sinabi nito. “Hindi rin tayo magkakakilala nang mabuo ang grupo, tandaan mo iyan. At isa pa, hindi rin niya papalitan si PO2. Walang kahit na sino ang makakapalit sa kontribusyon ni PO2 sa grupo. Si Rena ay dagdag lang sa pwersa natin. Wala tayong ideya kung malapit na o malayo pa tayo sa Paraiso, kailangan natin ng mas malakas na pwersa laban sa mga zombies.”

“Sige, kunwari naiintindihan kita, Buhawi. Pero paano naman ako? Paano naman ang feelings ko? Ayoko kasi kay Rena!”

“Ang kapakanan ng grupo ang iniisip ko at sana ganoon ka rin, Paloma!” Pagkasabi nito niyon ay tinalikuran na siya nito at iniwan.

Z+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon