CHAPTER 17

3.9K 171 9
                                    


MARAMING bagay tayong hindi inaasahan na mangyayari sa buhay natin. Bilang isang tao, wala tayong kontrol sa pwedeng maganap. Sa ayaw o gusto man natin, mangyayari ang dapat mangyari. Maganda man ito o masama. Katulad na lang ng pagkalat ng Z-virus sa Pilipinas. Sino ba namang mag-aakala na ang normal na araw na iyon ay ang nakatakdang araw kung kailan yayakapin ng Pilipinas ang impyerno. Nasasabi ko ito dahil isang hindi inaasahang pangyayari ang biglang nangyari ngayon… dito sa laboratoryo ng baliw na si Dr. Z…

Parang natuklaw ng ahas si Paloma habang nakatingin siya sa babaeng nakahiga sa sahig. Ito iyong tinurukan ni Dr. Z ng kanyang dugo, itoa iyong zombie kanina na ngayon ay isang tao na. Hindi niya maigalaw kahit na anong parte ng kanyang katawan. Para siyang namatay, para siyang nawalan ng hininga. Nanlalaki ang mga mata niya at hindi makapaniwala. Gusto niyang sampalin ang sarili niya kung pwede lang pero nakakadena naman siya.

Totoo ba ito? Baka naman panaginip lang… ani Paloma sa sarili.

Hindi siya maaaring magkamali. Kilala ni Paloma ang babaeng iyon. Kilalang-kilala niya… Ang buhok nito, mata, ilong, bibig… Lahat. Hindi niya pwedeng makalimutan lahat ng 'yon…

“O, Paloma? Bakit ka umiiyak?” tanong ng babaeng iyon sa kanya nang umiiyak siyang umuwi sa bahay mula sa school. Grade Six pa lang siya ng mga panahong iyon.

Tinignan niya ito nang masama. Mula sa laylayan ng kanyang maduming blouse ay pinunasan niya ang sipon at luha na nagsalo na sa kanyang mukha. “Nang dahil sa’yo pinagtatawanan ako ng mga kaklase ko! Pokpok ka daw! At paglaki ko ay pokpok din daw ako!” sisinghot-singhot na sigaw ni Paloma sa babae.

“Paloma, hindi ba’t sinabi ko sa iyo na huwag mo na lang silang pakinggan at pansinin…” Mahinahon nitong sabi sa kanya. Nakikita niya sa mata nito ang pagmamahal sa kanya kahit na sinasagot at sinisigawan niya ito.

“Sana gano’n lang kadaling hindi sila pakinggan at pansinin! Hindi naman ako bingi at manhid!”

“Hayaan mo na sila. Hindi totoo ang sinasabi nila.”

“Anong hindi totoo? Kaya ka nga may sakit dahil sa pagpatol mo sa iba’t ibang lalaki, 'di ba? Pati ako hinawaan mo ng sakit! Sana hindi na lang ikaw ang naging nanay ko!”

Inaasahan ni Paloma na makakatikim siya ng sampal mula sa babae pero nagkamali siya. Bagkus ay niyakap siya nito habang umiiyak. “Patawarin mo ako, anak… Patawarin mo ako…” anito sa pagitan ng mahinang mga hikbi.

Sunod-sunod na naglandas ang luha sa pisngi ni Paloma nang maalala niya ang parteng iyon ng kanyang nakaraan. Ang babaeng iyon sa kanyang nakaraan ay ang babaeng nakahiga ngayon sa sahig habang nakatingin sa kawalan.

Nanginginig ang buong katawan niya. “'N-nay…” Halos hindi iyon lumabas sa kanyang bibig.

“Totoo nga! Totoo nga na ang dugo mo ay ang gamot sa Z-virus! Immune ka sa virus ngunit bakit?” ani Dr. Z sabay tingin sa kanya. Naglakad ito palapit sa kanya at tinignan siya mula ulo hanggang paa.

Wala dito ang atensiyon ni Paloma kundi nasa kanyang ina. Wala sa hinagap o panaginip na naisip niya na magkikita silang muli. Ang buong akala kasi niya ay namatay na ito noon pa mang magsimulang kumalat ang Z-virus. Tanggap na niyang patay na ito pero heto ito ngayon, sa hindi malamang dahilan ay nasa kamay pala ito ni Dr. Z. Buhay ito, buhay ang kanyang nanay! Ang babaeng nagsilang sa kanya na buong buhay niya ay kinapootan niya dahil sa sakit na nasalin nito sa kanya noong sanggol pa lamang siya. Ang babaeng binenta niya sa mga scientist para pag-eksperimentuhan. Pero lahat ng iyon ay pinagsisisihan na niya. Na-realize niya kung gaano siya naging kasamang anak dito. Hindi man lang niya ipinaramdam na mahal niya ito, na anak siya nito.

Z+Where stories live. Discover now