CHAPTER 07

5.2K 201 29
                                    


TWENTY-FIVE years ago ay nang ipinanganak si Paloma. Isang magandang batang babae ang inilabas ng nanay niya sa vagina nito. Ang severe naman ng word na vagina. Basta, doon siya lumabas. Pero kung may pagkakataon siyang mamili, mamimili talaga siya ng nanay. Hindi ang Nanay Veron niya ang pipiliin niya.

Sa lahat yata ng baby na ipinanganak ng araw na iyon, si Paloma ang pinaka malas. Lumabas siya na may sakit. Isang sakit na nakuha niya sa kanyang nanay. Sakit na walang lunas at babaunin niya hanggang sa kamatayan. HIV carrier ang Nanay Veron niya at nahawa siya dito. Oh, 'di ba? Ang inosente niya tapos ganoon ang nangyari sa kanya. Pokpok kasi ang nanay niya at nahawa ito sa isa sa mga lalaking alam niyo na.

Lumaki si Paloma na may iniinom na maintenance na gamot. Bata pa lang siya ay ginagawa na niya iyon. Kailangan niya ang mga gamot na iyon upang humaba pa ang kanyang buhay.

Minsan, iniisip niya kung bakit siya pa? Mahirap tanggapin noong una hanggang sa naisip ni Paloma na wala namang mangyayari kung magmumukmok siya. Hindi siya nakapag-aral ng maayos. Bumagsak ang katawan ni Nanay Veron dahil sa sakit nito. Hindi na nito kayang magtrabaho kaya siya na nag kumilos. Pumasok siya bilang pokpok na hindi nagpapa-take out sa isang pipitsuging bar. Virgin pa rin siya dahil ayaw niyang makipag-sex. Hindi naman siya ganoon kasama upang ipasa pa at ipakalat sa iba ang sakit na meron siya.

Sinisi ni Paloma ang kanyang ina sa lahat ng nangyayari sa buhay niya. Dito niya ibinunton ang galit na nasa puso niya. Hanggang sa dumating na nga ang pagkakataon na sa tingin niya ay makakabawi na ang Nanay Veron niya sa mga kasalanan nito sa kanya. Ibenenta niya ito sa mga scientist para pag-eksperimentuhan. Hindi niya naman akalain na magkakamali ang mga pesteng scientist na iyon at imbes na lunas sa HIV ang maibento ng mga ito ay isang panibagong sakit ang isinilang! Ang mga scientist na iyon ang dapat sisihin sa nangyayari sa Pilipinas ngayon!

-----***-----

NAPASINGHAP si Paloma sabay hinga nang napakalalim nang may humawak sa magkabila niyang braso at iahon ang mukha niya mula sa pagkakalublob sa putikan. Inihiga siya ng kung sinumang tao na iyon at tinignan ang mukha niya. Nanlalabo pa ang mga mata niya pero alam niyang umaga na at nakikita niya ang taong nakatunghay sa kanya. Si Rob…

May pag-aalala sa mukha nito.

“Paloma? Paloma?” tawag nito sa kanya pero hindi niya magawang sumagot.

Nanghihina pa rin siya. Parang may cling wrap na nakabalot sa buong katawan niya at hindi pa rin siya makagalaw. Basta, nakatingin lang siya sa gwapong mukha ni Rob. Wait… Oo nga. Ngayon lang niya na-realize na gwapo naman pala ang hayop na ito. Hmm… Mabait naman talaga si Rob kahit na makulit. Ayaw lang niya talagang mahulog sa lalaki dahil hindi siya ang karapat-dapat na babae para dito. Ang dapat kay Rob ay iyong babae na malinis at wala ng sakit na meron siya. Kaya naman ganoon na lang kung sungitan niya ito pero mukhang inlove na inlove talaga ito sa kanya. Walang effect ang pagtataray niya, e. Well, hindi naman niya masisisi si Rob dahil sobrang ganda at maalindog naman talaga siya.

“Nakita ko na siya! 'Andito siya!!!”

May mga yabag ng paa siya na naririnig. Ang isang mukhang nakatunghay sa kanya ay nadagdagan ng lima pa. Kilala niya ang lahat ng mga mukha.

Teka. Ano nga palang nangyari sa kanya?

Tama! Naaalala ko na! Nakagat ako ni Lolo Yolo at isa na rin akong…

Bigla siyang nagkaroon ng lakas para bumangon at itulak si Rob. “Lumayo kayo sa akin! Lumayo kayo sa akin!” naghihisterikal na sigaw ni Paloma. Ayaw kasi niya na mawala na siya sa sarili at kagatin o kainin niya ang mga kasamahan isa-isa.

“Paloma, ano bang nangyayari sa’yo?” akmang lalapit sa kanya si Violet pero itinulak niya din ito. Tumba sa putikan ang bakla. “Ayyy!!!” Nandidiring tili nito.

Z+Where stories live. Discover now