CHAPTER 13

4.7K 168 17
                                    


TIG-ISANG machine gun ang ibinigay kina Paloma ni Maria Ysabel. Okay na rin ito kesa wala, 'di ba? Isa pa, magandang pang-bratatat iyon sa mga zombies na 'yan. Excited na tuloy ulit siyang mang-bratatat. Sana naman ay may aksyon later. Makasalubong sana ulit sila ng mga zombies para makapag-sexy pose na ulit siya. Kating-kati na tuloy si Paloma na gamitin ang baril na iyon!

Nakakainis lang kasi inabot na sila ng gabi pero wala silang nakasalubong na zombies. Nauubos na ba ang mga ito? O sadyang zombie-free lang sa lugar na nadaanan nila? At dahil gabi na, nagdesisyon ang lahat na magpahinga muna para may lakas bukas.

Inihinto ni Maria Ysabel ang sasakyan sa gitna ng isang malawak na bakanteng lupa. Walang kahit na ano doon kahit na mga kabahayan o gusali. Mukhang safe din at walang bakas na merong zombies doon. Hindi na rin siya kumain dahil diet siya. Baka masira ang figure niya… Alam niyo naman, dapat ang Diyosa Ng Zombies ay sexy. Baka maagaw sa kanya ang titulo.

Hinayaan muna ni Paloma na kumain ang mga kasama. Lumayo muna siya sa Tres Marias at kay Rob. Nakatanaw lang siya sa kalawakan ng lugar na iyon. Na-miss niya tuloy ang Lucky Seven. Kapag ganitong oras, kumakain na rin sila. Tapos kung ano lang 'yong nandiyan ay talagang pinagkakasya na nila para sa lahat. Nakakatuwa lang na nakatagpo siya sa mga ito ng pangalawang pamilya.

Hay… Sana talaga ay magkasama-sama na ulit kami bago namin marating ang Paraiso, aniya sa kanyang sarili.

“Paloma…” Nagulat siya ng slight nang tabihan siya ni Rob.

“Oh, tapos ka na agad kumain?” tanong naman niya.

“Hindi pa ako kumakain. Gusto ko sabay tayo. 'Eto, dinalhan na kita saka 'yong pagkain ko. Dito na tayo kumain…”

Noon lang niya napansin ang dalang pinggan ni Rob na may laman na pork and beans. Ang sweet talaga nito sa kanya. Kahit na may Tres Marias ay hindi pa rin ito tumitingin sa mga iyon. Talagang siya pa rin. Sa ganda at sexy ba naman niya na ito ay maghahanap pa ito ng iba?

Nag-smile siya kay Rob. “Thank you pero diet kasi ako. Alam mo naman na pinapangalagaan ko ang figure ko. Kumusta na kaya sina Buhawi, 'no? Hinahanap din kaya nila tayo?”

“'Sus! Kahit naman tumaba ka, walang kaso sa akin. Mahal pa rin kita!” At kinilig siya nang sobra sa sinabi nitong iyon. “Speaking of Buhawi… Oo naman. Mahal nila tayo kaya hahanapin nila tayo. Ikaw, Paloma… mahal mo ba ako?”

Sa tanong nitong iyon ay napatingin siya rito bigla. Halos malusaw si Paloma sa paraan ng pagkakatitig ni Rob sa kanya. Para tuloy siyang ice cream na binilad sa araw. Ganoon ang effect ng titig ni Rob. Grabehan na talaga ito, ha!

“Rob, napag-usapan na natin ang tungkol diyan. Ayoko munang magdesisyon sa ngayon. Saka na lang kapag narating na natin ang Paraiso.” Para naman gumaan ang pakiramdam ni Rob ay hinawakan niya ang kamay nito at mahigpit iyong ikinulong sa kamay niya. “Pero, may pag-asa ka naman. Basta ba patunayan mo lang sa akin na karapat-dapat ka dito…” sabi niya sabay turo sa tapat ng dibdib niya.

“Sa dede mo?” Walang ideyang tanong nito.

“Hindi sa dede. Sa puso ko… Patunayan mo, Rob.”

“Oo naman. Ikaw lang din naman ang nandito, oh…”

Akmang ituturo ni Rob ang tapat ng pagkalalaki nito pero itinaas niya ang kamay nito at itinapat iyon sa puso nito. “Salamat, Rob…” turan niya pagkatapos.

-----***-----

BAGO sila matulog na lima ay siniguro muna nila na walang panganib sa paligid. Mahirap na. Baka habang tulog sila ay may umatakeng mga zombies. Malakas pa naman ang pang-amoy ng mga ito basta may tao na malapit. Para na rin makasiguro na safe sila ay nagprisinta si Rob na magbabantay habang tulog silang mga girls. Ang gentleman nito, 'di ba?

Z+Where stories live. Discover now