CHAPTER 09

4.8K 184 5
                                    


PAGLABAS nina Paloma ng bahay ay sinalubong agad sila ng mangilan-ngilan na zombies na parang inaabangan talaga sila. Hindi naman umubra ang mga ito sa kanila dahil pinagbabaril nila agad ang mga ito.

Takbo agad sila sa van. Binuksan agad ni Buhawi ang makina at may inayos doon. Katulong nito si Lolo Yolo. Habang si Paloma, Violet at si Miss Sofia ay nakabantay sa mga zombie na pwedeng sumulpot na lang sa kung saan.

Hanggang sa mapatingin si Paloma kay Rena. At talagang hinahanap ito ng mata niya, ha. Teka, ano itong nakikita niya? Magkausap sina Rena at Rob at parang ang saya-saya ng dalawa. May pahampas-hampas pa si Rena sa braso ni Rob. Lumalandi ang babaeng hitad! At nagpapalandi naman itong Rob na ito. Akala ba niya ay siya ang gusto nito? Dumating lang ang Rena na iyon ay doon na nabaling ang atensiyon ni Rob.

Anyway, dapat pa pala siyang matuwa sa pagiging close ng dalawang iyon. Kapag napunta na kay Rena ang atensiyon ni Rob ay hindi na siya nito kukulitin. Matatahimik na ang buhay niya.

Sige lang… Maglandian lang kayong dalawa diyan!

“Hi hi hi!!!” Muntik nang barilin ni Paloma si Rena nang humagikhik ito nang kilitiin ni Rob sa leeg. Akala niya kasi ay isa itong zombie na tumatawa.

Kilig na kilig ang potah!

Hmm… Sirain niya kaya ang moment ng dalawang higad? Tama! Eeksena siya!

“Hoy! Landian kayo nang landian diyan! Bakit kaya hindi kayo tumulong kay Buhawi sa pag-aayos ng van?” sigaw ni Paloma sa dalawa.

Napalingon sina Rena at Rob sa kanya.

“Wait lang, Paloma. Nagku-kwentuhan pa kami ni Rob…” sagot ni Rena at mala-ahas na ipinulupot nito ang braso sa braso ni Rob. At hindi man lang pumapalag si Rob kahit alam nitong nakikita niya iyon. Nakangisi pa talaga na parang gusto nito ang ginagawa ni Rena. Bahagya pang ikinuskos ni Rena ang dede nito sa braso ni Rob. Kadiri! Sarap barilin sa mukha!

“Nagku-kwentuhan o naglalandian?” Nang-uuyam na sagot ni Paloma.

“The way you talk, parang nagseselos ka, Paloma…” Tila nang-aasar na turan ni Rena.

Nanlaki ang mata niya. “Ha? Ako? Nagseselos? Neknek mo, Rena! Magsama kayo ni Rob. Bagay kayo. Parehas na mukhang isda! Kainin sana kayo ng zombies diyan! Malalanding 'to!” sabay irap. Bumalik na lang siya sa pagbabantay ng mga zombies.

Pang-asar talaga ang dalawang iyon sa buhay niya!

Nagseselos daw siya? Baka nga!

Teka, nagseselos nga ba siya? Ayaw naman niyang lolokohin ang sarili niya. Pinakiramdaman ni Paloma ang kanyang sarili at inisip niya ang ginagawa nina Rena at Rob. Medyo naiirita siya, sa totoo lang. Sign ba iyon na nagseselos nga talaga siya? Haay… Ang gulo naman. Pati sarili niyang nararamdaman hindi niyaa ma-figure out.

“Zombieee!!!” tili ni Violet.

“Ako na!” sabi ni Paloma at pumwesto siya sa unahan para patayin ang papalapit na zombie.

Binaril niya iyon at agad na sumabog ang ulo. Nang bumagsak ito ay parang nakita niya sa zombie na iyon ang mukha nina Rena at Rob kaya naman nanggigigil na pinagbabaril pa niya ang kawawang zombie. 'Yan ang nararapat sa dalawang iyon! Bratatat! Bratataaaat!!!

“Hoy, Paloma! Awat na! Deds na, oh!” Kung hindi pa siya pinigilan ni Violet at Miss Sofia ay hindi niya talaga titigilan ang zombie na iyon hanggang sa maubos ang kanyang bala.

“Naiinis kasi ako, e!” Kusang lumabas iyon sa bibig niya.

May pagtatanong na napatingin sa kanya sina Violet sabay tingin kina Rob at tingin ulit sa kanya.

Z+On viuen les histories. Descobreix ara