CHAPTER 19 (Final Chapter)

6.7K 250 54
                                    


Guys! Ito na ang FINAL CHAPTER! Sana ay magustuhan niyo. Please, wag kakalimutang mag-iwan ng comment. Salamat...

"LOLO... M-miss Sofia..." Halos hindi na narinig ni Paloma ang sarili niyang boses nang tawagin niya ang pangalan ng dalawa niyang kasamahan na nakita niyang bumagsak dahil sa pagbaril ng Tres Marias sa mga ito.

Naunang bumagsak si Lolo Yolo nang padapa kaya nakita nila ang tama sa likod ng ulo nito. Habang si Miss Sofia naman ay nakaluhod at natuon ang dalawang kamay sa sahig. Nakayuko at malalalim ang bawat paghinga.

Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ni Buhawi at pinagbabaril nito ang Tres Marias. Sa galit nito ay hindi ito tumigil hangga't hindi nauubos ang bala ng striker gun na gamit nito.

Mabilis na nilapitan niya si Lolo Yolo upang pulsuhan. Ganoon na lang ang pag-iyak niya nang malaman niyang wala na itong pulso at hindi na rin ito humihinga. Si Miss Sofia naman ay napahawak sa kanyang braso at nanghihinang ngumiti.

"P-paloma... I think... m-mamatay na ako..." Mahina nitong sabi.

"Hindi ka mamatay--" Bigla itong sumuka ng dugo at tumama iyon sa kanyang mukha. Tuluyan na itong bumagsak sa sahig. Marahas niya itong niyugyog. "Miss Sofia! Gising! Lolo Yolo!" Papalit-palit siya ng pagyugyog sa dalawa.

Bakit naman ngayon pa ito nangyari? Bakit kung kailang muli silang nakumpleto ay saka naman sila mababawasan tapos dalawa pa? Ito ba ang kapalit ng pagpatay nila sa puno't dulo ng lahat?

Hanggang sa may naramdaman siyang isang kamay na humila sa kanyang braso. "Paloma, tara na! Kailangan na nating umalis dito dahil siguradong sasabog na ang lugar na ito!" Wala na siyang nagawa nang hilahin siya ni Buhawi.

"P-pero sina Lolo Yolo at Miss Sofia..."

"Wala na tayong magagawa. Masakit din para sa akin ang nangyari sa kanila pero kailangan nating mabuhay!" turan nito sa kanya habang tumatakbo sila palabas ng Base Camp Z kasama ang iba pa nilang kasamahan.

Ngunit hindi pa man sila nakakalayo ay isang malakas na pagsabog na ang nangyari mula sa Base Camp Z. Ramdam nila ang lakas ng impact ng pagsabog kaya naman tumilapon silang lahat sa kung saan-saan. Nagpagulong-gulong si Paloma hanggang sa mapaigik siya dahil tumama ang katawan niya sa isang drum. May matinis na tunog siyang naririnig sa kanyang tenga na bunga ng malakas na pagsabog. Ipinilig niya ang kanyang ulo at kahit nakadapa ay iginala niya ang kanyang mata upang hanapin ang kanyang mga kasama.

Nakahinga siya nang maluwag nang makita niyang ligtas naman sina Buhawi, Rob, Violet at Rena. Sila ni Rob ang medyo malapit pa sa Base Camp Z kaya naman gumapang siya palapit dito.

"P-paloma!" Agad itong tumayo nang makita siya upang tulungan siyang tumayo.

"Salamat..." aniya nang nakatayo na silang dalawa.

"Mabuti na lang at walang nasaktan sa atin."

Nakatayo na rin sina Buhawi, Rena at Violet na medyo malayo ang pinagtalsikan.

Tumingin si Paloma sa nasusunog na Base Camp Z. Malungkot siya na nalagasan sila ng dalawang miyembro pero iniisip na lang niya na nagsakripisyo sina Miss Sofia at Lolo Yolo para sa kapakanan ng bansa. Malaki ang naitulong ng dalawa para pigilan ang masamang plano ni Dr. Z. Ngayon ay nasusunog na ito kasama ng mga inimbento nitong virus sa loob ng sarili nitong impyerno.

Sa wakas ay nagtagumpay sila para gawin iyon. Wala na ring daan para mas magig maging malala pa ang lagay ng Pilipinas. Ang kailangan na lang gawin siguro sa ngayon ay ubusin ang mga zombies, pigilan ang Z-virus sa pagkalat at tumuklas ng lunas para dito.

Nagulat si Paloma nang bigla siyang yakapin ni Rob.

"Rob, ano ba?" Naiilang siya dahil alam niyang nakatingin sa kanila sina Buhawi.

Z+Where stories live. Discover now