CHAPTER 11

4.8K 189 29
                                    


PARANG nag-slow motion ang lahat. Simula sa pagnganga ng zombie na nasa harapan ni Paloma hanggang sa pagkakita niya sa nakakadiri nitong bunganga. Anong kalaban-laban niya sa hinayupak na ito? Bukod sa bagong gising siya ay nakahiga pa siya. Pasakmal na rin sa kanya ang kamay ng zombie na parang hindi nahuhugasan ng ilang taon. May bahid rin iyon ng mga natuyong dugo.

OMG! Ito na ba ang katapusan ko? Paano na lang ang pangarap kong mamatay nang maganda? Tili ng utak ni Paloma.

Wala na. Oras na lapain at pira-pirasuhin siy ng zombie na ito ay katapusan na niya. Siguro nga, hindi siya tinatablan ng Z-virus pero kapag kinain ng pangit na zombie na ito ang bituka at iba pa niyang lamang-loob, hindi na siya mabubuhay. Isa na lamang siyang magandang alaala sa mga kasamahan niya. Nakikini-kinita na niya ang pag-iyak ng lahat sa kanyang libing dahil nabawasan ang Pilipinas ng isang maganda, maalindog at sexy na babaeng katulad niya.

Paalam, Pilipinas… Paalam, Lucky Seven… At paalam, Rob. Hindi mo man lang natikman ang matamis na katas ng isang Paloma. Bakit kasi tulog mantika ka at hindi ka nagising sa sigaw ko?

Paalam... Paalam…

Ready na sana siyang kagatin ng zombie pero nagulat siya nang isang braso ang humarang sa bibig ng zombie. Iyon ang kinagat ng zombie at hiniklas. Sarap na sarap ito sa laman na nakuha nito. Aatake pa sana ito pero naging maagap ang may-ari ng braso na nagligtas sa kanya. Kumuha ito ng malapad na bato at inihampas sa mukha ng zombie. Nang matumba ang zombie ay ibinagsak nito sa ulo ang malapad na bato na agad na ikinadurog ng ulo ng zombie. Sumabog ang utak nito sa sahig.

Nang humarap ang nagligtas sa kanya ay nanlaki ang mga mata niya nang malaman niyang si Rob iyon.

“Rob!”

“Mabuti naman at ligtas ka, Paloma... Hinding-hindi ako makakapayag na masaktan ka ng kahit na…” Napatigil ito sa pagsasalita. Lumukot ang mukha nito at hinawakan ang brasong nakagat ng zombie.

Mabilis niya itong nilapitan dahil alam niyang babagsak ito. Bago pa man siya makalapit kay Rob ay tuluyan na itong napaupo sa sahig. Agad niya itong hinila sa gilid upang may masandalan itong pader.

“Rob, anong nararamdaman mo?” Nagpa-panic na si Paloma dahil alam niya na ilang minuto na lang ay kakalat na sa katawan nito ang Z-virus. Magiging zombie na rin ito!

“Umalis ka na, P-paloma... T-tumakbo ka na... bago pa... ako... m-maging... Argh!!!” Namilipit na nga ito sa sakit.

“Hindi kita iiwanan, Rob! May paraan pa!”

“W-wala nang paraan. S-sige na... O kaya ay patayin mo na lang ako. B-bagsakan mo ako ng bato--”

“No! Ayoko!”

Biglang bumalik sa alaala niya noong nakagat siya ni Lolo Yolo tapos kinabukasan ay naging tao na ulit ito. Hindi kaya iyon ang paraan para ang isang zombie ay maging tao ulit?

“Umalis ka na!!!”

Hinawakan ni Paloma sa magkabilang pisngi si Rob at iniharap niya ito sa mukha niya. “May paraan pa, Rob! Ganito ang gagawin mo. Kagatin mo ako braso. Basta, kagatin mo lang ako. Sumipsip ka ng dugo ko, hindi ko alam! Basta kagatin mo ako!”

“Ano bang pinagsasabi mo?!”

“Kagatin mo ako, Rob! Sige na!” Ipinagduldulan niya na sa bibig ni Rob ang kanyang braso. “Bite me, Rob! Bite me!” 'Ayan na nga. Napapa-English na naman siya. Kinakabahan at natatakot kasi siya.

“Ayoko--”

“Kagatin mo sabi akooo-- Araaay!!!” Halos mamuti ang mga mata ni Paloma nang biglang kagatin nga ni Rob ang kanyang braso. Parang gusto na tuloy niyang pagsisihan kung bakit nagpakagat pa siya.

Z+Where stories live. Discover now