CHAPTER 03

7.2K 228 16
                                    


“ANO? Paraiso? Pupunta tayong Paraiso? Saan naman ang Paraiso na iyan?” tanong ni Paloma kay Buhawi matapos ang pagku-kwento nito.

Ang sabi kasi ni Buhawi ay may nakausap ito kanina sa two-way radio na tao at sinabi nito na may isang base camp na kung tawagin ay Paraiso. “Hindi ko alam kung nasaan ang Paraiso na sinasabi niya. Basta, ang mahalaga ay alam natin na hindi na lang tayo ang buhay sa bansang ito!” ani Buhawi.

Sumabat sa usapan si Violet. “Paraiso... Parang pangalan ng beach resort o kaya ay night club or gay bar! Ang tarushness! So, ano na ang plano natin?” Mukhang excited ito.

“Hahanapin natin ang Paraiso!”

Umalma si PO2. “Teka, teka lang, Buhawi! Sigurado ka ba na nag-e-exist 'yang sinasabi mong Paraiso? Gaano ka kasigurado na mas makakabuti na umalis tayo sa mall na ito at lumabas, makipaglaban sa mga zombies sa labas at hanapin ang isang lugar na hindi natin alam kung nasaan at kung totoo ba talaga?” Umiling-iling pa ito sabay patong ng dalawang paa sa ibabaw ng lamesa.

Naisip ni Paloma na may point naman ang sinabi ni PO2. Safe na sila sa mall na ito kaya bakit pa sila aalis?

Minsan talaga hindi nag-iisip si Buhawi. Char! Aniya sa kanyang sarili.

“PO2, pansamantalang kaligtasan lang ang maibibigay ng mall na ito sa atin. Darating ang panahon na mauubos lahat ng pagkain dito. Ang kailangan natina ay iyong permanenteng solusyon para sa ating lahat. Isa pa, malakas ang kutob ko na totoo ang Paraiso at ang kailangan nating gawin ay ang hanapin iyon!”

“Gora aketch! Adventure na itey!” tili pa ni Violet.

“Basta ako, kung saan ang babe ko... doon ako…” sabi ni Rob habang nakatingin ito sa kanya. Pinapungay pa nito ang mga mata na parang nang-aakit.

Mataray niyang itinirik ang magaganda niyang mata. “Pwede ba, Rob! Don't me! Hindi mo ako madadala sa pagpapa-cute mo! Tse!” at inirapan niya si Rob nang bonggang-bongga!

-----***-----

KAPAG si Buhawi ang nagsabi, hindi mababali. Magpo-protesta ang ilan ngunit sa huli ay winner pa rin ito. Kaya naman walang nagawa sina Paloma kundi ang um-oo na lang sa gusto ni Buhawi na hanapin ang Paraiso. Well, medyo na-excite din naman siya kasi katulad ng sinabi ni Violet ay adventure itong gagawin nila! Pero siyempre, may kaba at takot na kasama ang excitement na nafi-feel niya dahil bukod sa hindi nila alam kung saang lupalop ng Pilipinas naroon ang Paraiso, ay sasagupa pa sila sa sandamakmak na zombies sa labas. Nakakatakot! Hindi pa naman siya magaling sa paggamit ng baril.

“Paloma... alam ko natatakot ka sa paglabas natin dito sa mall pero huwag kang mag-alala, hindi ako makakapayag na may mangyari sa’yong masama. I’m here to protect you!” Nagulat si Paloma nang biglang tumabi sa kanya si Rob at sabihin sa kanya iyon habang busy siya sa paglalagay ng mga pagkain sa bag.

Siya kasi ang inutusan ni Buhawi na manguha ng stocks ng foods para sa paglalakabay nila para sa paghahanap sa Paraiso.

“Sorry, kaya ko ang sarili ko, Rob. Saka hindi mo naman ako responsibilidad. And besides, tigilan mo ako sa pag-English mo, ha. Hindi bagay sa'yo. Feeler!” At umirap siya nang bongga.

“Ikaw naman... Hindi mo na ako pagbigyan na ligawan ka.”

“Ayoko nga, ‘di ba? Jusko! Magugunaw na ang Pilipinas tapos iisipin ko pa ang love na iyan? Saka na ang bagay na iyan. Ang iniisip ko lang ngayon ay ang matapos na ang Z-thingy na nangyayari sa Pilipinas!”

“Paano kung matapos na ang lahat ng ito? May chance na ba?”

“Hmm... baka. Baka magkaroon. Sige na! Lubayan mo muna ako at may ginagawa ako dito, okay? Istorbo!”

Z+Where stories live. Discover now