°•●□■🎊|3|🎊■□●•°

1.4K 59 2
                                    


Alwin's POV



November 22, 2017










Binasa ko ang note na pinost ni Vince sa board, at laking gulat ko nung nalaman ko na SIYA PALA ANG PRESIDENT NG TWELVE DIYS OF CHRISTMAS?! Well, may pagka artist rin naman yang si Vince, di lang niya naipapakita saamin.






Well, ngayon na buong barkada at kaklase niya ang kasali sa nasabing club, hindi na talaga niya maitatago ang kanyang secret.






Pumunta kami sa SPG office pagkatapos ng klase, yan kasi ang nakalagay sa note. Pagkadating ko doon, wala pang tao, ako pa kasi ang nauna sa kanilang lahat.






Tumitingin lang ako sa paligid nang may nakita akong nakaitim sa labas ng bintana. Nanlaki ang mga mata ko nung nakita ko ang kanyang napakapulang mata, pero nakatago ang kanyang mukha.






Gusto ko sana siyang puntahan, kaso I'm too scared to do that. Even atheists have their own fears, wag kayong ano!






Nagulat ako nung may biglang humawak sa aking likuran, isang napakapamilyar na kamay.






"Nauna ka na pala dito?" Sabi ng isang napakapamilyar na boses.






Nagsimulang tumulo ang aking pawis dahil sa takot na baka mapagdiskitahan ako ng taong nakaitim. Pag lingon ko sa aking likuran...






"BWESIT! IKAW LANG PALA EDRIC!", Sabi ko na pawis na pawis pa rin sa aking kinauupuan.






Lumingon ako ulit sa bintana kung saan ko nakita ang taong nakaitim, pero wala na siya. Pilit kong inaalala kung ano ang itsura ng kanyang damit, ang ganda kasi ng tela.






Punong puno ang isipan ng ko tungkol sa taong nakaitim, bakit parang may galit siya sa akin? May nagawa ba akong kasalanan? Sino ba siya?







Maya maya ay nagsidatingan na ang palagi kong late na kaklase, umupo sila na talaga namang napakaingay! Hindi talaga kayang manahimik kahit isang segundo!







As expected, late nanaman si Vince, bakit ba kasi puro selpon ang inaatupag! Biglang lumamig ang paligid, naramdaman din ito ng iba kong kasama.







Tumayo ang aking balahibo, wala pa si Vince, and ang layo namin galing sa aircon! Lights started to flicker on and off, nagtaka sila kung ano ba talaga ang nangyayari, there are no one in this room na kayang mag operate ng aircon!







Well, we are raised in a very rich, yet spoiled parents. Sinispoil nila kami, and nagpapauto rin naman kami. Back to our topic, fog starts to appear at biglang nag close yung window.







The flickering stops, at pag lingon namin sa whiteboard, may lumulutang na marker na sumusulat. Nanlaki ang aming mga mata, nagyakapan sila lahat, subalit ako, I just stared at the floating marker.







Mag ingat na kayo! Malapit na ang simula ng napakasayang patayan. Pag hindi niyo maipakita ang saya ng pasko, mamamatay kayo lahat!







Yan ang nakasulat sa board, but it seems like a very familiar permanship. Parang nakita ko na dati, pero di ko maalala kung saan, kanino at kailan ko nakita. Lumingon ako sa mga kasamahan ko na todo higpit ang pagkakayakap sa isa't isa, nakapikit, hindi alam kung ano ang niyayakap.







"HOY! pwede niyo nang buksan ang matatakutin niyong mata!", Sigaw ko sabay lagay ng aking kamay sa bulsa.







"Ano naman yang sinulat mo sa board Alwin?!", tanong ni sheena na may napakapakatakot na matang nakatingin saakin.







"H-hindi ako ang nagsulat niyan!", sagot ko na may pawis na tumutulo.







_________________________________________

12 DEATHS of Christmas {COMPLETED✔}Where stories live. Discover now