Wattpad Original
Mayroong 10 pang mga libreng parte

Panimula

351K 7.3K 1.4K
                                    

The Magnate

Written by Marco Jose (SiMarcoJoseAko)


"Kung may bayag iyang boss niyo, lumabas siya! Huwag siyang magtago sa opisina niya at harapin niya ako!" sigaw ko sa mga gwardyang kanina pa humaharang sa akin at pinipigilan akong pumasok sa loob. Kilala ko na nga yata sila dahil sa araw-araw kong pagpunta rito.

"Ma'am may bayag iyon, malaki pa. Pero hindi ka talaga pwedeng pumasok sa loob at maraming ginagawa ang boss namin," pilosopong sagot sa akin ng lalaking nakahawak sa isa kong braso at pilit akong hinahatak palabas.

"Nagawa mo pa akong pilosopohin, kuya? Eh kung malaki talaga ang bayag ng boss niyo, haharapin niya ako! Hindi pwedeng basta niyo na lang kaming paalisin sa lupang kinatitirikan ng bahay namin! Doon na ako ipinanganak, nagkaregla, nakapagtapos at kung anu-ano pa tapos paaalisin niyo na lang kami? May titulo ako! Pinaghirapan iyon ng tatay ko kaya hindi niyo na kami basta pwedeng palayasin doon!"giit ko sa kanila habang hawak ang isang envelope na naglalaman ng titulo ng aming bahay, patunay na pagmamay-ari namin ang lupang kinatitirikan ng bahay namin ngayon.

"Ma'am, you can't enter this establishment unless you have an appointment. I would suggest for you to set a meeting with Mr. Del Franco to discuss your issue regarding the construction of Del Franco building," ani ng isang babaeng basta na lamang sumulpot sa gilid.

"Hindi! Ngayon ko na siya gustong kausapin! Ilang beses ko nang ginawa 'yang sinasabi mo pero isang buwan na ang lumipas at wala pa rin! Huwag niyo akong pinagloloko dahil kayang-kaya ko kayong banatan!" galit kong sagot sa kanya.

Noong nakaraan pa ako pabalik-balik dito para makipag-usap nang maayos pero wala naman akong napapala. Hindi ba nila naiisip na mahal ang pamasahe ngayon at sobra pa ang traffic sa Pilipinas?

"Ma'am, you have to calm down."

"Ate naman, huwag mo na akong daanin sa mga Ingles mo dahil hindi ako madadala sa ganyan! Iharap mo sa akin iyang boss mong may malaking bayag at baka matuwa pa ako sa'yo dahil kanina pa ako nanggigigil!"

"Pasensya na po, ma'am, pero hindi po talaga kayo makapapasok sa loob. Marami pong trabaho ngayon si Mr. Del Franco at wala po siyang oras na makipag-usap pa sa inyo." mahinahong sabi ng babae sa akin. Alam kong ginagawa niya lang ang trabaho niya pero kailangan ko talagang makausap ang gunggong na iyon para matapos na ang lahat ng ito.

"Kahit yata maubos ang dugo at boses ko, hindi ko pa rin makauusap iyang boss niyo! Huwag niyo na akong lokohin, at ipakausap niyo na lang siya sa akin para matapos na ang gulong ito at lahat tayo ay—" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang may isang katandaang lalaki ang nakisapaw sa pagsasalita ko.

"Let her in, Cia," ani ng matandang lalaki.

"Good morning po, Mr. Hernandez. This is the woman I'm talking about and she wants to talk with Mr. Del Franco," sagot sa kanya ng babae.

Iniangat ko naman ang tingin ko dahil iyon ang turo sa akin ni nanay. Ang maging maganda sa harap ng maraming tao kahit galit o malungkot ako.

"Good morning. I'm Hector, Mr. Del Franco's secretary and adviser." Inilahad ng matandang lalaki ang kanyang kanang kamay sa akin at hindi naman ako nagdalawang isip na tanggapin iyon. Mabuti na lang talaga at gumamit ako ng alcohol sa kamay kanina dahil baka mandiri siya sa akin. Kahit naman laking hirap ako, marunong pa rin akong lumugar sa mundo.

"Kara po," magalang kong sabi. Ayoko naman kasing pagtaasan ng boses ang matanda. Masama iyon at sayang naman ang grade kong eighty-eight noon sa GMRC noong elementary ako kung hindi ko gagamitin sa ayos ang ugali ko.

"Kara, what a nice name," nakangiti niyang sagot habang kinakamayan ako.

"Gusto ko pong makausap iyong may-ari nito kasi po pinaaalis na po kami sa bahay. Hindi naman po iyon pwede kasi amin iyon, at pinaghirapan iyon ng tatay kong ipundar. Sa katunayan nga po, mayroon akong dalang titulo para mapatunayang totoo ang sinasabi ko." mahinahon kong sabi sa kanya. Binitiwan na rin ako ng mga lalaking kanina pa ako hinahawakan para paalisin.

The Magnate (Del Franco #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon