Wattpad Original
Mayroong 7 pang mga libreng parte

Kabanata III

161K 4.8K 493
                                    

New Guy

Tatlong buwan na ang lumipas simula nang magtrabaho ako sa DFC. Nakuha ko na rin ang takbo ng trabaho ko at hindi na rin ako nangangapa pa. Ang hindi ko lang masyadong maintindihan ay ang ugali ni Sir Matias. Oo, palagi ko siyang kasama pero hindi ko masyadong maintindihan ang kanyang ugali. Mailap siya at kauusapin lang niya ako kapag mayroon siyang ipagagawa o iuutos. Si Sir Hector lang ang alam kong kinakausap niya tungkol sa mga personal na bagay. Kahit ang ibang empleyado niya ay hindi niya nakauusap. Para bang mayroong mataas na pader sa pagitan naming mga empleyado at sa kanya.

Wala namang kaso sa akin iyon. Ang mahalaga ay nagagawa ko nang maayos ang trabaho ko. Nakapagpatayo na rin kami ng maliit na tindahan sa aming bahay para mayroong ginagawa si nanay. Bumili rin kami ng mga bagong gamit at ang ibang natira sa pera ay inilagay ko sa bangko.

Sa susunod na taon, tutungtong na sa kolehiyo si Ellena at mag-aaral na ang anak ko kaya kailangan kong makapag-ipon na para sa kanila.

Huminga ako nang malalim at humarap sa salamin. Ala sais na ng umaga at papasok pa lang ako sa trabaho.

Kinuha ko na ang bag ko at bumaba mula sa kwarto. Nadatnan ko naman si nanay na nanonood ng balita sa telebisyon.

"Nay, papasok na ako," paalam ko at humalik sa kanyang pisngi.

"Iyong baon mo, nakuha mo na ba?" aniya at tumango naman ako. Madalas kasi ay nagbabaon na lang ako ng pagkain para makatipid na rin. Mahal kasi ang pagkain sa cafeteria at masyado namang mahal kung bibili ako sa fast food.

"Mag-iingat ka, Kara," ani nanay bago ako tuluyang lumabas.

Sumakay naman ako ng tricycle hanggang sa terminal. Mahaba na ang pila pero mabilis lang naman kaming makasasakay dahil marami ang UV Express na nakaparada. Ilang minuto lang ang hinintay ko at nakasakay na rin ako.

Nagpatugtog lang ako sa aking cellphone para malibang ang oras ko. May dalawang meeting ngayon si Sir Matias at sabi ni Sir Hector ay baka mahuli siya ng dating dahil kailangan niyang dumaan sa kanyang doctor. Mabuti na lang at alam ko na ang gagawin ko kaya walang problema kung iwan niya sa akin ang trabaho.

Isang oras ang lumipas, nakarating na rin ako sa opisina. Katulad ng nakagawian, inilapag ko muna ang bag ko sa aking cubicle bago umakyat sa opisina ni Sir Matias. Nilinis ko ang table niya at inayos ang mga papel na nakasalampak doon. Nakapag-print na rin ako ng kopya ng kanyang schedule ngayong araw at inilapag iyon sa table niya. Inayos ko na rin ang mga gamit na iniwan niya kagabi para hindi na siya mahirapan pa.

Akmang lalabas na ako ng kanyang opisina nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang binata na hindi pamilyar sa akin.

"Good morning" Bigla siyang natigilan nang makita ako. Napatitig siya sa akin at hindi ko naman mapigilang makaramdam ng hiya.

"G-Good morning po, sir," magalang kong sabi at tumungo.

"Oh, you must be his new secretary?" aniya. Nag-angat naman ako ng tingin at tumango.

"Opo, sir. Kara po," pakilala ko.

"Where is your dick head boss? I miss him," saad niya at ngumiti. Lumantad naman ang pantay at mapuputi niyang mga ngipin na bagay na bagay sa mapula at manipis niyang mga labi.

Sa tingin ko ay kaedad din ni Sir Matias ang lalaki sa harap ko. Matangkad, moreno, malapad ang mga balikat, at para bang isa siyang modelo na lumabas sa isang sikat na magazine.

Gwapo.

"He will be here at eight, sir," sagot ko at pilit na ngumiti.

"And you're thirty minutes early," aniya at ngumisi habang nakatitig pa rin sa akin. Hindi ko naman alam kung bakit nakararamdam ako ng kakaiba sa lalaking ito.

The Magnate (Del Franco #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon