Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte

Kabanata X

167K 4.8K 360
                                    

Phone Call

Katatapos lang ng huling meeting ni Sir Matias ngayong araw at mamayang hapon na ang balik namin sa Maynila. Ngayon ay nakikipag-usap siya sa mga lalaking naroroon na marahil ay tungkol na naman sa negosyo.

Inisip ko kung paano ako makabibili ng pasalubong para sa pamilya ko mamaya. Siguro naman ay may oras pa kami, ang hindi ko lang alam ay kung saan.

"We're happy to see you again, Matias. Your family should be proud of your success. Lalong-lalo na ang iyong ama na si Leonardo," nakangiting wika ng isang matandang lalaki kay Sir Matias.

Tanging ngiti lamang ang isinagot ni Sir Matias sa kanila. Napapansin ko na kapag pamilya na ang usapan, parang hindi mapakali si Sir Matias dahil hindi siya kumportable.

"Nakabalik ka na ba sa Vigo Del Mar, hijo?"

"It was more than two years when I went home. I'm sure my brother, Nikolas, is doing good," tipid na sagot ni Sir Matias.

"Sigurado akong miss na miss mo na ang mga pagkain sa ating bayan."

"I'm sorry Uncle Jerome but I have to go," pag-iiba ni Sir Matias sa usapan.

"I hope to see you again, Matias," ani ng mga kausap niya bago siya umalis.

"Let's go," saad niya bago niya ako lagpasan. Nakasunod naman ako sa kanya hanggang sa sasakyan. Napansin ko rin na para bang nagmamadali siya simula nang matapos ang meeting.

"Señorito, mukhang pagod na pagod po kayo ah," ani Kuya Elmer, driver ng sasakyan. Nakilala ko sila nang minsang iwan ako ni Sir Matias at wala akong makausap.

"You know Nanay Helen's barbecue house, right?"

"Opo, Señorito Matias! Madalas pa rin po kami roon para kumain," ani Kuya Elmer na para bang nabuhayan ng loob.

"I miss her food, Manong Elmer. Doon na lang tayo magtanghalian."

"Sige po, ipagmamaneho ko po kayo roon. Sigurado pong matutuwa si ate Helen kapag nakita kayo roon," tuwang-tuwa na sabi ni Kuya Elmer.

Nagsimula siyang magmaneho at si Sir Matias naman ay isinandal ang kanyang likod at ipinikit ang mga mata. Mukhang pagod na pagod nga siya dahil tatlong oras din ang meeting niya at panay ang pakikipag-usap niya sa mga kung sino-sino.

Hindi ko alam kung bakit pero napatitig ako sa kanya. Paano kaya si Sir Matias maging isang asawa? Wala pa bang siyang planong bumuo ng pamilya?

Isa pa, hindi ko pa nakikita kahit isang beses na pumunta sa opisina ang kanyang nobya. Wala nga akong matandaang umalis siya nang maaga sa opisina para makipag-date o lumabas man lang. Sa halos apat na buwan kong pagtatrabaho sa kanya, wala siyang inatupag kung hindi ang kompanya lang.

Minsan ba ay hindi sumagi sa isip niya ang magkaroon na ng pamilya? Siguro naman, oo. Dumarating naman kasi lahat sa puntong parang mayroong kulang.

Ngumiti ako at iniwas ang tingin ko. Pilit kong itinuon ang pansin ko sa ibang bagay.

"Know your boundaries." Hindi ko alam kung bakit parang narinig ko ang boses ni Sir Matias.

Tama siya.

Dapat alam ko kung hanggang saan lang ako. Alam ko dapat kung ano lang ako sa kanya. Ang mga ganoong bagay ay hindi ko na dapat pa iniisip. Ang mahalaga, magawa ko ang trabaho ko nang maayos.

Ilang minuto ang lumipas, nakarating kami sa isang maliit na kainan. Noong una ay nagtataka ako dahil akala ko ay isang magarang restaurant ang aming pupuntahan.

"Sir, nandito na po tayo," saad ng driver. Nagising naman agad si Sir Matias at tumango.

Halos sabay kaming lumabas ng sasakyan at nauna silang pumasok sa loob.

icon lock

Ipakita ang iyong suporta para kay Marco Jose, at magpatuloy sa pagbabasa ng kuwentong ito

ni Marco Jose
@SiMarcoJoseAko
It's a fight between Kara and Matias Del Franco, the snobbish busines...
I-unlock ang bagong parteng ito o ang buong kuwento. Anupaman, ang iyong Coins ay makatutulong sa mga manunulat na kumita mula sa mga paborito mong kuwento.

Ang kuwentong ito ay may 36 natitirang bahagi

Tingnan kung paano masusuportahan ng Coins ang iyong mga paboritong manunulat gaya ni @SiMarcoJoseAko.
The Magnate (Del Franco #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon