Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte

Kabanata V

156K 4.6K 309
                                    

Sick

"Behave ka ba kanina?" nakangiting kong tanong kay Yñigo nang makauwi ako sa bahay. Siya agad ang sumalubong sa akin kaya pakiramdam ko ay nawala agad ang pagod ko sa buong araw kong trabaho sa opisina.

"Opo, mama!" ngiting-ngiti niyang tugon sabay yakap sa akin nang mahigpit.

"Iyang anak mo, magdamag na naglaro pero hindi pa rin napapagod. Manang-mana sa'yo, Kara. Ganyang-ganyan ka noong bata ka, e. Hindi ka maawat sa kalalaro. Ang pinagkaiba nga lang, masipag mag-aral ang anak mo hindi tulad sa'yo," ani nanay habang nagluluto ng hapunan.

"Nay naman..."

"Aba, bakit? Totoo naman ang sinabi ko. Tamad kang mag-aral noon pa man."

"Mama, excited na ako mag-school! Alam ko na mama iyong multiply sa Math!" saad ng anak ko habang nakakalong sa aking kandungan.

"Talaga? O sige nga, two times six."

"Twelve!" mabilis niyang sagot. Agad namang rumehistro ang ngiti sa mukha ko.

"Kita mo na? Matalino ang anak mo, Kara. Saad nga niya kanina na gusto niyang maging inhinyero."

"Ang galing naman!" tuwang-tuwa kong sabi.

"Mama, pag big na ako, gusto kong mag-build ng malalaki tapos matataas na building! Engineer daw tawag sa ganoon, mama, sabi ni tita kaya mag-aral ako lagi para maging ganoon ako."

"Hayaan mo, mag-iipon si mama para makapag-aral ka sa magandang paaralan. At kahit ano pa ang gusto mong maging, susuportahan ka ni mama basta hindi masama," sabi ko at mahinang pinisil ang tungki ng kanyang ilong.

Bakas naman sa mukha ng anak ko ang labis na kasiyahan. Gusto ko kasing maging maayos ang magiging buhay niya kaya gagawin ko ang lahat para magkaroon siya ng maayos na kinabukasan.

Mag-isa ko mang pinalalaki ang anak ko, hindi naman iyon hadlang para hindi ko siya mabigyan ng maayos na direksyon. Kung mayroon man akong maipamamana sa kanya, iyon ang oportunidad na makapag-aral siya.

"Magbihis ka na muna, Kara, at malapit na itong maluto," utos sa akin ni nanay. Ibinaba ko naman ang anak ko at dumeretso sa kwarto namin sa itaas.

Nagpalit ako ng damit at agad din naman akong bumaba pagkatapos. Naghahain na sa lamesa ang kapatid at nanay ko habang ang anak ko naman ay nakaupo na at handa nang kumain.

"Kara, sa susunod na buwan ay mag-eexam na ang kapatid mo. Balak niya sa Manila mag-aral ng kolehiyo," ani nanay sa akin.

"Saan bang school ang balak mo, Ellena?"

"Ate, sa PUP sana para hindi ganoong kabigat ang matrikula. Sa Alabang naman ang biyahe ko kaya malapit lang sa atin ang sakayan. Electrical Communications Engineering sana, ate. Alam mo namang gusto ko rin na maging engineer," sabi niya sa akin. Ramdam ko naman sa boses niya na desidido siyang mag-aral ng kolehiyo.

"Sigurado ka na ba sa kursong nais mo? Pag-isipan mong maigi, Ellena."

"Kakayanin ko, ate. Limang taon ang kursong iyon, depende pa kung on time ako ga-graduate," tugon niya sa akin.

"Sige, mamaya bibigyan kita ng pamasahe mo bukas. May kasabay ka ba? Mag-iingat ka roon at alam mong delikado na sa panahon ngayon."

"Meron, ate," sagot niya.

"O siya, kumain muna tayo at kanina pa ako gutom," putol ni nanay sa usapan.

Nagsimula naman kaming kumain at nakamasid lang ako sa anak ko. Marunong na siyang kumain nang mag-isa at sa katunayan, malakas siyang kumain. Nililimitahan ko na lang siya sa pagkain ng mga matatamis dahil masama rin iyon sa bata.

The Magnate (Del Franco #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon