Wattpad Original
Mayroong 8 pang mga libreng parte

Kabanata II

181K 5.1K 336
                                    

Sticky Note

"Mama, mas maganda ba roon sa bago nating bahay? Gusto ko, mama, kasama kita sa kwarto ha. Tapos sana may court doon para maglaro ako ng basketball," ani Yñigo habang nag-iimpake ako ng mga damit namin. Isang linggo na kasi ang lumipas simula nang makapag-usap kami at naging mabilis ang proseso ng lahat. Mayroon na kaming bagong bahay at nailipat na rin namin ang halos lahat ng gamit namin doon. Ngayong araw kami tuluyang aalis dito dahil sa susunod na linggo ay sisimulan na ang paggiba sa mga bahay para sa pagpapatayo ng bagong building.

Huminga ako nang malalim at pilit na ngumiti sa anak ko.

"Nak, behave ka lang sa new house natin ha? Huwag ka basta-basta lalabas kasi maraming bata ang dinudukot ngayon," seryoso kong sabi sa kanya. Inilagay ko na sa malaki naming bag ang huling damit naming mag-ina at isinara iyon. Umarkila na lang ako ng dalawang tricycle dahil malapit lang naman ang bagong bahay na titirhan namin.

Isa pa, bukas na rin ako magsisimula sa panibago kong trabaho dahil tinanggap ko na iyon. Aarte pa ba ako kung mismong maayos na trabaho na ang lumalapit sa akin? Tinanggap ko iyon dahil malaki ang sweldong makukuha ko; sapat na para matustusan ko ang mga pangangailangan ng pamilya ko. Tsaka ko na lang siguro iisipin ang sarili ko kapag nakaluwag-luwag na kami.

"Opo, mama. Hindi naman ako bad boy. Ayaw mo ng ganoon, e. Papaluin mo ulit ng sinturon ang pwet ko," sabi niya at humagikgik.

"Hindi ko na uulitin iyon kasi alam kong good boy ka na. Papaluin ka lang ulit ni mama kapag may ginawa kang hindi maganda. Kaya huwag na huwag kang magpapasaway, ha? Lalo na at nagtatrabaho ako para sa atin, at para sa'yo. Gusto ko kasing makapag-aral ka sa magandang school. Hindi ba't sabi mo gusto mong maging doctor? Kaya ito, pipilitin ni mama na ikayod iyong pang-doctor mo. Mahal kasi iyon, 'nak, pero ilalaban ni mama kasi love kita," sabi ko at pinisil ang ilong niya.

"Love love kita, mama..." sabi niya at mahigpit akong niyakap. Pinaulanan pa niya ng halik ang pisngi ko.

Lihim ko namang pinunasan ang luha ko dahil sa saya.

"Love love din kita, anak," sagot ko sa kanya.

Ilang minuto kong yakap lang ang anak ko bago ako bumitaw. "Puntahan mo muna si Tita Elle mo at lalabas na ako," sabi ko sa kanya.

Mabilis naman siyang tumalima sa sinabi ko at nagmadaling lumabas. Ako naman ay kinuha ang bag namin at lumabas na rin. Nagtama ang mga mata namin ni Ellena at sinenyasan ako sa kwarto nila ni nanay.

Huminga naman ako nang malalim at inilapag muna ang bag ko. Pumasok ako sa kwarto nila at nadatnan ko si nanay na umiiyak.

"Nay..." Agad naman siyang umayos nang marinig niya ang boses ko.

"Lalabas na ako, saglit lang," sagot niya habang humihikbi pa. Umupo naman ako sa likod niya at niyakap siya nang mahigpit.

"Kailangan lang natin itong gawin, 'nay. Maiintindihan naman siguro tayo ni tatay," mahinahon kong sabi sa kanya.

"Mami-miss ko lang itong bahay natin. Alam mo namang lahat ay dito na nangyari. Dito ka na lumaki at nagka-isip. Dito nga namin ginawa ang kapatid mo, e. Lahat ng mga memoryang kasama natin ang tatay mo, naririto sa bahay natin. Nalulungkot lang ako na kailangan nating umalis. Alam mo naman ang nanay mo, habang tumatanda ay mas nagiging iyakin..."

"Hayaan mo, 'nay. Doon sa bago nating bahay, pupunuin natin ng mga pictures natin kasama si tatay ang pader para hindi mo siya makalimutan," sabi ko sa kanya.

"Naaalala ko noong tinatayo pa lang itong bahay natin, maliit ka pa noon. Karga-karga kita tapos ang tatay mo ay naghahalo ng semento. Tawa ka nang tawa kasi si tatay mo nakangiti sa'yo. Pinaghirapan ito ng tatay mo, anak. Tirik na tirik man ang araw o gabi, ginagawa niya itong bahay natin. Malupit kasi ang lolo Raul mo noon. Ayaw niya sa tatay mo kasi wala raw pangarap sa buhay, hindi raw nakatapos ng pag-aaral, at kung anu-ano pa. Pero tingnan mo, nakabili siya nito sa sarili niyang pagsisikap. Mahal kasi niya tayo kaya ganoon..."

The Magnate (Del Franco #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon