Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte

Kabanata IX

148K 4.6K 362
                                    

Eat

"Sa susunod, sisiguraduhin mong maayos ang lahat bago mo iwan ang trabaho sa iba. Ayoko nang mauulit pa ang ganitong sitwasyon, Hector. Do you understand me?" mariing sabi ni Sir Matias habang kausap si Sir Hector sa kabilang linya.

Maya-maya pa ay ibinaba na niya ang kanyang cellphone at muli na namang nawalan ng ingay sa loob ng kwarto. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko dahil dalawa lang kami sa loob at hindi pa nag-uusap. Ano ba naman kasi ang sasabihin ko? Isa pa, halatang pagod siya sa biyahe at conference kanina. Wala naman ako sa posisyon para kausapin siya nang kaswal.

"Hindi dahil pumayag ako na makasama ka sa iisang kwarto, ginusto ko na. I just have no choice and it will be a hassle if you check in at another hotel. Besides, I'm damn tired to talk," ani Sir Matias sa akin. Hindi naman ako nagsalita at tanging tango lang ang naisagot ko.

Nabigla naman ako nang hubarin niya ang kanyang long sleeves na suot. Napaiwas ako ng tingin at nagkunwaring nag-aayos ng gamit para hindi niya isipin na tinitingnan ko siya.

Isinukbit niya sa balikat ang kanyang twalya at pumasok sa loob ng banyo. Maya-maya pa ay narinig ko na ang lagaslas ng tubig mula sa loob.

Huminga naman ako nang malalim dahil baka atakihin na ako sa puso dahil sa labis na nerbyos habang kasama siya.

Mabuti na lang din at malaki ang kwarto at may kalayuan din ang agwat ng dalawang malaking kama. Binuhay ko ang TV para mayroong ingay na pwedeng bumasag sa katahimikan.

Hinubad ko ang suot kong blazer at inayos ang buhok ko. Marahil ay maliligo muna ako bago umidlip. Alas dos pa lang kasi ng hapon at mamayang ala syete ang dinner meeting ni Sir Matias.

Pagkalipas ng ilang minuto, tumahimik na sa loob ng banyo. Hinintay kong lumabas si Sir Matias at para bang nanuyo ang lalamunan ko nang makita kong nakatapis lang ang puting twalya sa kanyang baywang. Basa pa ang kanyang buhok at para bang isa siyang modelo na bigla na lamang lumabas sa isang underwear magazine. Nilagpasan niya ako at naamoy ko ang sabong ginamit niya. Dumeretso siya sa kanyang kama at tumalikod sa akin.

Nagkaroon ako ng pagkakataon na matitigan ang malapad niyang katawan. Mestizo si Sir Matias at sa pagkakaalam ko, mayroon siyang lahing banyaga. Makinis ang kanyang balat at wala kang makikitang kahit anong peklat o pekas man lang. Bumabagay rin sa kanya ang may kahabaan na ng niyang buhok.

Bigla siyang humarap sa pwesto ko at napatitig ako sa kanyang hubad na katawan. Nakagat ko ang ibabang labi ko at napamura sa isip.

Hindi na naman umaga pero bakit mayroong pandesal? Sabi ko sa isip.

Agad akong umiwas ng tingin at kinuha ang gamit ko sa bag para maligo.

Masyado na akong nawiwili sa katititig kay Sir Matias at baka isipin pa niyang pinagnanasaan ko siya.

Gaga, baka patulan ka niya! Ani ng isang boses sa isip ko.

Kinuha ko ang twalya na nakapatong sa kama at agad na dumeretso sa banyo para ako naman ang maligo.

Agad na sumalubong sa akin ang amoy ni Sir Matias at hindi ko mapigilang kagatin ang ibabang labi ko.

Pakiramdam ko kasi ay kasabay ko siyang maligo dahil sa amoy na bumabalot sa loob ng banyo.

"Ang landi mo talaga kahit kailan, Kara," naiiling kong sabi sa sarili.

Hinubad ko na ang lahat ng suot ko at tumapat sa ilalim ng shower. Tinimpla ko ang temperatura ng tubig at binuksan iyon. Napapikit ako nang dumampi ang maligamgam na tubig sa balat ko. Pakiramdam ko ay unti-unting nawawala ang pagod na nararamdaman ko kanina dahil sa tubig.

The Magnate (Del Franco #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon