Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte

Kabanata VIII

153K 4.4K 327
                                    

Cebu

"Po?" Halos manlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Sir Hector sa akin.

"I'm sorry, Kara, but the doctor advised me to rest. I'll inform Matias about this," dagdag pa ni Sir Hector sa sinabi niya kanina.

Kauuwi ko lang nang tawagan niya ako para sabihin na hindi siya makasasama bukas sa Cebu. Ang plano ko pa naman ay lalabas kami ng anak ko bukas para mamasyal. Matagal na kasi niya iyong hiling sa akin.

"Please, Kara?"

"S-Sige po, Sir Hector. Para na rin po makapagpahinga kayo."

"Salamat, Kara! Sasabihin ko rin kay Deina na mag-book na para sa'yo," ani Sir Hector.

"Sige po, sir. Alagaan niyo pong mabuti ang sarili niyo."

"Salamat," sagot ni Sir Hector bago niya putulin ang tawag.

Huminga naman ako nang malalim at tiningnan ang anak kong kasalukuyang tinuturuan ni Ellena.

Lumapit ako sa kanila at tiningnan kung ano ang ginagawa nilang dalawa.

"Mama, sabi ni Tita Elle, kapag Grade 1 na raw ako, tuturuan niya ako ng algebra. Mahirap kasi iyon mama, sabi niya," agad niyang kwento sa akin nang makalapit ako.

"Talaga? Mahirap iyon, anak," komento ko.

"Ate, sa tingin ko ay matalino itong si Yñigo pagdating sa numbers. Nakukuha niya kasi agad iyong mga tinuturo ko," seryosong sabi ni Ellena sa akin.

"Mama, excited na akong mag-aral!"

"Ate, tututukan ko itong pamangkin ko. Nararamdaman kong magiging magaling 'to kapag tinuruan ko pa," desididong sabi ni Ellena.

"Binawi sa anak! Mabuti na lang talaga hindi nagmana sa kagagahan mo iyang apo ko, Kara," ani nanay sa akin.

"Nay, madiskarte naman ako. Ang mahalaga binawi ko roon," sagot ko.

Huminga muna ako nang malalim at bumwelo. "Kailangan kong pumunta ng Cebu bukas dahil kailangan ng kasama ni Sir Matias," sabi ko dahilan para matigilan sila.

"Mama, sabi mo papasyal tayo?" malungkot na sabi ng anak ko.

"Be, biglaan kasi. Tumawag iyong boss ko ngayon lang."

"Mama, promise mo iyon, e." Ngumuso si Yñigo at alam kong nagtatampo na siya.

"Be, babawi agad si mama pag-uwi. Kailangan ko kasing sumunod para 'di ako matanggal sa trabaho," pagsusuyo ko sa kanya. Tumayo naman si Ellena at iniwan kami saglit para siguro makapag-usap kami nang maayos.

"Sama na lang ako, mama..." Nangilid ang luha sa gilid ng mga mata ng anak ko.

"Hindi ka pwede roon, be. Malayo kasi iyon at kailangan ni mama na magtrabaho roon."

"Nagpromise ka, e." Tuluyan nang umiyak ang anak ko kaya agad ko siyang niyakap.

"Ganito na lang, mag-uuwi na lang ako ng gitara para sa'yo. Gusto mo ba iyon?"

"Ayaw ko ng gitara, mama..."

"Ano ang gusto mo?"

"Ikaw lang, mama. Ayaw kong umalis ka. Gusto ko sa tabi ko lang ikaw..."

"Ang lambing talaga ng anak ko," sabi ko at niyakap siya.

"Ang layo kasi, mama," humihikbi niyang sabi.

"Babalik naman ako agad, be. Siyempre mami-miss ko agad ang gwapo at malambing kong baby," sabi ko at pinisil ang tungki ng kanyang ilong.

"Mama naman..."

The Magnate (Del Franco #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon