Chapter 1

936 20 0
                                    

"FRIENDS, may paparty ako mamaya sa open coast! Sinong makakalipad dito later? Nag-invite ako ng hot band members!" 'Yon ang message ni Azurine or Azure sa kanilang group chat na magkakaibigan at nagmamay-ari sa L'île Bachelorette—ang islang idinivelop nila na ngayo'y sikat na at paboritong puntahan ng mga artista, politiko, at ibang mayayamang gusto lang ng kaunting relaxation.

Jewelle shook her head even if she knows that her friends won't see it. Wala siyang oras sa ganito at busy siya sa mga natatanggap nilang reservations sa isla. Parami ito nang parami ngunit kahit na ganoon ay pinipilit niyang maging hands-on. That is even if she has a secretary, she still chooses to check each of the client's profile one by one. All she wants is the perfect experience their customers will take home after visiting L'île Bachelorette—ang masulit ng mga ito ang ibabayad sa kanilang hindi birong halaga. Kung kaya't pinipili niya na siya ang mag-asikaso sa trabahong ito. This is her usual self—perfectionist—at ang sabi pa ibang mga nakakasalamuha niya sa unang pagkakaton, intimidating. Nevertheless, she's not changing. Her friends don't mind, anyway. Kahit papaano ay magandang bagay naman ang ugali niyang ito para sa kanilang negosyo.

Sunud-sunod na ang sagot ng iba niyang kaibigan habang patuloy ang pagtitipa ni Jewelle sa kaniyang laptop. "Sige nga, try niyong lumipad papuntang isla," pambabara pa ng kaibigan nilang si Kezziah. Natawa siya nang bahagya rito.

She just read the replies of her friends on her phone as it beeps. Karamihan sa kanila'y nag-oo at ang iba ay sinabing titignan pa nila. She was just about to say that she won't be able to make it tonight nang maunahan siya ni Theia, ang isa sa mga pinakaka-close niya sa grupo.

"I am betting my new Spyker C8, hindi sasama si Jewelle mamaya!" anito at sinundan ng mga nakatawang emojis. Sinuportahan pa ito ng iba nilang kaibigan at hindi niya maiwasang mapailing muli at matawa.

Her overly-protective parents really made a mark to them. Noon kasi ay kahit simpleng gala kasama ang mga ito ay kailangan pa niyang ipagpaalam sa mga magulang niyang nasa ibang bansa. Ang pinakamalalang ganap pa noon ay hinanapan ng kaniyang ama ng "formal requisite" ang dati'y simpleng punta lang naman nila dapat sa bahay nina Macy. Marami na rin silang nai-drawing na lugar na pupuntahan dahil palagi siyang hindi pinapayagan. Kahit kasi 18 na siya noon ay tingin pa rin ng mga ito sa kaniya ay isang clumsy na bata na hindi naman niya ipinagkakaila. Ang mga kaibigan pa naman niya ay may lihim na kasunduan na kung hindi sasama ang isa, hindi sasama ang lahat sa kung saan mang desisyon.

She was left with her aunt when she was studying, kung kaya't mas nahihiya siyang gumawa ng kahit anong maaaring maka-disappoint dito. In the end, she remained to be the reserved, smart girl, topping her classes. Hindi siya natatalo nang kahit sino sa usapang academic noon bilang lumaki siyang pakiramdam niya'y may kung anong pressure na nagmumula sa mga magulang niya kahit hindi naman lantarang sinasabi ng mga ito, maliban na lang sa isang lalaking—

Jewelle shook her head again, but this time, harder. Ugh! Ba't ba pumasok sa isip niya ang lalaking iyon? It has been what— 7 years since she last saw him? Dapat ay hindi na niya ito iniisip!

Pinili na lang niyang reply-an ang makukulit na kaibigan na nag-uusap-usap na tungkol sa mga lalaking band members na tinutukoy ni Azure.

"I'm really sorry, girls! Alam niyo namang sobrang dami ng nagpapa-book sa atin ngayon kahit hindi pa peak season. Siguro 'pag naabot na ang quota natin, saka pa lang ako makakaalis dito sa office. I'll just make it up to youuu *insert my ever-cute face with puppy eyes*" She entered her reply. Wala pang isang minuto nang sumagot ang mga kaibigan nito.

"Knew it!" It was Rhea who even sent a selfie of her, smirking. Kani-kaniya ring komento ang iba niyang kaibigan na pinipilit pa rin siyang pumunta. Sa huli ay sinabi na lang niyang titignan niya at bibilisan niya ang pag-aayos ng reservations para makaalis siya sa Manila patungong L'île bago mag-alas nuwebe ng gabi, ang pagputok ng party na pinangungunahan ni Azure.

She, then, focused again on her task. Kahit nakaka-stress ito ay masaya pa rin siya dahil ito ang pangarap nilang magkakaibigan simula pa noon. As usual, marami sa mga nagpapa-reserve ay matataas na tao o tinitingala hindi lang dito sa Pilipinas, kung hindi maging sa ibang bansa. Ang trabaho niya ay ang maayos na pags-schedule ng mga ito at pag-aapprove ng araw na nais ng mga kliyente. L'île Bachelorette is an exclusive island—mayroong VVIPs, VIPs, at Regular membership card holders. With that, it is also her job to organize the schedule based on their card—or in other words, according to their importance. At dahil exclusive ito, kailangan pang ma-review ang mga taong nagpapa-book—na siyang gawain niya rin.

Nang makita ni Jewelle na malapit na niyang matapos ang pagco-confirm ng bookings para sa buwan ng Oktubre ay tumayo siya para mag-unat at tignan ang orasan. Quarter to seven pa lang, may oras pa siyang humabol sa isla. Hindi na siya nag-aksaya ng oras at tuluyan nang tinapos ang scheduling para makabawi sa mga kaibigan pero bago pa man niya mai-next at i-confirm ang profile na kasalukuyan niyang binabasa ay napatulala siya rito.

Check-in Date: October 4, Check-out Date: October 8
Rooms: 1, Adults: 2, Children, 0

Special request: May I ask for an overwater bungalow for my fiancée and I? Willing to take the price higher for a perfect place

It was normal for them to cater couples. Kahit kasi "Bachelorette" ang pinagmulang pangalan ng isla ay bukas ito para sa lahat, hindi lang mga single. But after reading the name of the requestor, Jewelle seemed to not like that idea—them catering damn lovers.

"Alvin Lance Pizano..." She didn't even notice that she said that name out loud. Ang pangalang matagal na niyang pilit kinakalimutan, ang pangalang pumapangalawa sa kaniya sa kanilang yearbook sa parteng "Cream of the Crop," at ang pangalang hindi pa rin nawawala ang kakaibang epekto sa kaniyang sistema.

After seven years, ngayon na lang ulit—ngayong okay na si Jewelle. Okay na nga ba?

She kept blinking for few minutes, but the profile wasn't changing even a bit. Her mind was stuck with the written request coming from Alvin Lance.

Fiancée... M-may mapapangasawa na ito, kita mo nga naman, ano? Ito pa rin kaya ang babaeng naka-MU nito noong senior high sila? Kamusta na nga ba ang naging buhay ng lalaki? There was a part of her who just wanted to dig more from the limited profile given in her database about the man's whereabouts for the past years.

Nawala lang ang utak niya sa kabaliwang iyon nang marinig ang cellphone na tumunog. It was Theia. Wala sa utak niyang sinagot ito habang nakakagat sa sariling labi.

"Jew! Nandito na kami. Ano, pupunta ka o kailangan ko na namang isaalang-alang ang kung anong gamit ko para sa pustahan?" Pasigaw ang tono nito dahil mukhang nagsisimula nang mag-assemble ang banda sa coast na rinig halos sa buong isla.

Hindi namang maiwasan ni Jewelle na ibalik ang tingin sa screen ng laptop saka naalalang may kausap nga pala siya sa kabilang linya. "H-ha?"

She could imagine Theia's eyes rolling heavenwards. "Will you go or not? Last question!" Mukhang totoo na ngang naiirita ang kaibigan kaya kahit hindi pa buo ang loob ay napa-oo si Jewelle. Her friend ended the call with a yell of victory right after.

Bumalik na naman ang kaniyang mata sa mga letrang bumubuo sa pangalan ng lalaking dating niyang nagugustuhan—no, it could be more than that, then. Nangiginig niyang iginalaw ang cursor at walang gatol na c-in-onfirm ang request.

Oh, yeah? Sadya bang masokista siya para makita ang lalaking ito matapos ang ilang taon kasama ang kaniyang fiancée o gusto niya lang makita ang nag-iisang Alvin ng kaniyang buhay? All of the things he did right then for him to notice her flashbacked in her mind.

She sighed loudly. "No, Jew! Nagpapaka-professional ka lang," aniya sabay patay sa laptop at labas sa opisina papuntang rooftop kung saan naghihintay na sa kaniya ang helicopter na maghahatid sa kaniyang papuntang L'île Bachelorette. Mukhang magandang idea nga ang mag-party ngayon at magpadala sa agos nito. "Yeah! Professionalism, Jewelle Anne Reyes—that's why you confirmed that freaking request. Nothing more, nothing less. Plus, it is not as if you have to stay by their side in the island," isang bulong pa niya bago pumasok sa sasakyang-panghimpapawid na tila kinukumbinsi ang sarili.

L'île Bachelorette Series 1: Jewelle AnneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon