PROLOGUE

1.1K 22 2
                                    

Jewelle Anne Reyes' top priority when she was studying was to get high grades, be in the honour roll, and make her parents proud. Eskuwelahan-bahay lamang ito nang estudyante pa siya at kung lalabas man upang magliwaliw ay pahirapan ang pagpapaalam sa kaniyang mga magulang kahit noong 18 years old na siya. But behind her awkwardness and soft-heartedness lies a secret. 'Yon ay ang katotohanang may gusto siya sa isang Lee Jaxon Lenares—cool lang, mapaglaro, at complete opposite niya— na taken na sa isang babaeng pinagmumuhatan ng kaniyang malalang insecurity dahil hindi lang ito matalino kung hindi'y maganda pa, si Harriet Joy Gerardi. 

She did everything to make him notice her, ngunit sa dulo, kahit sa Facebook na nga lang silang naging friends ng lalaki ay in-unfriend pa siya nito. Then comes Alvin Lance Pizano in the picture—ang kaisa-isang lalaking muntik nang nakatalo kay Jewelle sa pinakanangunguna sa listahan ng mga honour students sa prestihiyosong paaralang pinapasukan nila. 

She couldn't believe it, not only because he beat her, but because he didn't look like someone who can beat her. At first, she was expecting that this certain Alvin guy was geek or nerd-looking, but she was so wrong! Dahil ang lalaki lang namang ito ay may mga nangungusap na mata at pantay-pantay na ngipin, malayo sa iniisip nilang magkakaibigang loser na nakasalamin at braces.

Falling to Alvin had not been hard to Jewelle. Tulad ng effort niya kay Lee ay siya na ang naunang gumawa ng paraan para mapansin siya nito. She thought that through their chats, they're already having "something." Pero doon siya nagkamali dahil isang araw ay nagising na lang siyang mayroon nang ibang nililigawan ang binata! She graduated senior high school at the top of the honour roll. Ngunit kahit ganoon ay hindi niya magawang maging masaya dahil sa estudyanteng pumapangalawa sa kaniya na bumasag sa kaniyang pusong marupok.

Seven years after, she can say that she's already fulfilled and happy. At a young age of 25 ay successful na siya tulong ng pagsusumikap sa pag-aaral at co-owner na ng sikat na islang "L'île Bachelorette" kasama ang kaniyang mga kaibigan noong senior-high school. But then, she was uncertain if she really was, dahil parang may kulang pa rin. She just knew what that thing was when they received a reservation in their island coming from Alvin—the same Alvin Lance he dreamt to be with when she was young—kasama ang fiancée nito na halatang sopistikada at tila isang modelo tulad na lang ni Harriet noon—na siya nga naman pala. As they met, ang insecurity nga lang ba ni Jewelle ang babangon o maging ang damdaming matagal na niyang pilit kinalimutan?

(Started writing: 01/15/18; Ended writing: 01/22/18)

L'île Bachelorette Series 1: Jewelle AnneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon