Chapter 7

497 15 0
                                    

"GIRL! Twenty-six ka na! Mag-enjoy ka naman!" Si Hera 'yon habang gumigiling na inaaya si Jewelle sa dancefloor dahil siya na lang ang hindi lasing sa table nila sa VVIP na parte ng bar dito sa L'île.

Gustong mainis ni Jewelle dahil pagkatapos na pagkatapos nilang mag-breakfast ng mga kaibigan ay madali siyang nag-ayos ng sarili at hinanap si Alvin. Yes, this day is freaking hers! Sa katunayan ay napag-isip-isip na nga rin niya na sundin na ang isang bagay na tinanggal na niya sa karakter niya simula noong senior high school sila. 'Yon ay pagiging taong tila asong humahabol sa isang tirang buto. For short—he looked for Alvin to come back to her old self and knock some sense to him and tell him like a pathetic woman that she likes him for so long now and she wants to ask even a little attention for this day!

Oh, yeah! Isang napakalaking katangahan. Buong araw na hindi nagpakita ang lalaki sa kaniya at hindi maiwasang isipin ni Jewelle na nagkulong na lang ito sa bungalow kasama ang fiancée nito. Her heart clenches at the thought, but that's a possibility.

Gustong maiyak ni Jewelle dahil sobrang nagiging tanga talaga siya pagdating kay Alvin. Maliban kasi sa ito lang ang lalaking nagpatibok nang sobrang lakas sa dibdib niya ay hindi niya naramdaman kailanman ang ganitong pakiramdam sa mga dati niyang manliligaw o mga natitipuhan. 'Yong tipong kahit pitong taon na ang nakalilipas ay 'pag nakita mo siya, parang kahapon lang kayo nagkahiwalay at kahit anong tago mo ay wala talagang nagbabago pa sa 'yong nararamdaman.

It is just so sad, kasi si Jewelle lang 'yon. Si Alvin, nakalimutan na siya. 'Yong mga sweet gestures at sweet talk nito sa iilang beses na pagkikita nila ay natural na sa lalaki. Mas friendly pa kasi sa friendly ito simula pa noon.

She stood hastily and grabed a bottle lying on the table. Nilagok niya ang laman ng mukhang beer nang diri-diretso kahit hindi maganda ang lasa no'n. Nagulat ang nakatayo pa rin sa harap niyang si Hera sa ginawa niya pero ngumiti lang siya nang malawak. Nang lumabas si Jewelle ay dumampot pa siya ng isang bago at punong bote ng alak.

Damn that Alvin Lance Pizano! Damn that Harriet girl! Damn them all! It's her day and even if it's already a little late, she'll be enjoying it.

Habang alanganing sumisiksik si Jewelle sa dancefloor ay hindi niya maiwasang isipin ang babaeng fiancée ng gagong lalaking hindi nagpakita sa kaniya buong araw pagkatapos ng nakakalito at napakapaasang akto nito kahapon mula sa restaurant. Hah! Ang galing niya kasing umasa tulad noon pa kaya heto siya at mukhang pathetic sa mismong birthday niya.

Kulang pa ang hilong nararamdaman ni Jewelle mula sa naunang bote ng beer at malikot na ilaw sa madilim na bar kung kaya't sinimulan niyang tumungga sa kinuhang bote ng beer. Slowly, she let herself loose up. Kung kanina ay nai-insecure siya sa malalaking pang-upo ng mga babaeng bisita rito sa islang nagsasayaw sa dancefloor at sa malalaking dibdib ng mga itong tumatalbog tuwing humahataw ang mga ito sa saliw ng mga pang-party na kanta, ngayon ay hindi na.

She huffed air and drank beer again. Hindi naman kasi siya umiinom kaya't madali siyang tamaan ng inumin. Right, she's now 26! An age to enjoy! She grinded her booties that maybe if she isn't a little bit tipsy, she won't be thinking of doing.

Natanawan niya ang ibang kaibigan at kani-kaniya rin ang giling ng mga ito. Lalong ginanahan si Jewelle at tuluyan na siyang nagpaubaya sa tugtog na ngayon ay kantang "Pretty Girl" ang title. Nilunod niya sa dagat ang lahat ng insecurity niya na nagsimula noon sa Harriet na 'yon na gusto na lang ng lahat.

Matalino rin naman siya! May extra fats lang pero maganda siya! May delikadesa! Masikap! What's not to like? Anong dahilan ni Alvin para sayangin siya?

Dahil sa inisip ay lalong naging magaslaw ang galaw ni Jewelle na tila ro'n ibinuhos ang lahat ng frustration sa buhay. Wala na rin siyang pakialam kung kani-kanino tumatama ang kaniyang katawan. She's wearing a black, body-fitting halter-cut maxi dress that really flatters her figure.

Uminom pa siya muli sa boteng bitbit. She smelled a manly smell from behind her—a natural musk with a hint of mint blending well with the bar's smoke and reek of alcohol. Nakakaliyo 'yon, sa magandang paraan. Parang naaadik si Jewelle na lalong idinikit ang katawan sa lalaking nasa likuran habang patuloy ang pagsasayaw na hindi niya alam kung mukha bang sayaw talaga o tila lang nagwawalang pusa. She didn't mind. All she thinks of is the good-smelling man behind her.

Parang may kaamoy ito. 'Yong amoy na hinahabol-habol niya dati sa hallway noong senior high school siya. 'Yong amoy ni—

"A-alvin!" Parang binuhusan ng malamig na tubig si Jewelle nang makita niya ang lalaking halos makakiskisan na ng katawan niya kanina.

He groaned, a sexy one, saka ngumiti na parang may naalala. She saw something glimmering in his eyes like joy of seeing her here or it could just be the lights inside the bar. Dahil lalong lumakas na ang patugtog ng DJ ay hinila siya ng lalaki sa isang tabing walang masiyadong malilikot na taong tilang walang mga sariling problema.

"Oh, you know my name." Anito na mukha hindi naman gulat o kung ano.

Hindi nga pala nagpakilala ang lalaki noong una silang nagkausap dito sa isla at pangalan lang ni Jewelle ang nabanggit noon. Patay at mukhang mabubuko siya nitong siya 'yong babaeng patay na patay sa kaniya noon!

"A-ah, oo naman, S-sir." She kept that title as she remembered the little play she started. "K-kasi pinakilala kayo ng fiancée niyo sa restaurant kahapon saka a-ano..." nauutal na pagdadahilan ni Jewelle na tila ang presensya ng lalaki ang nagde-drain sa alcohol na namumutawi sa kaniyang sistema. Wait, 'di ba dapat galit siya rito kasi hindi nagpakita buong araw sa kaniya? What now, Jewelle?

Tumango lang si Alvin sa kaniya at ngumiti muli. Akala niya ay nakatakas na siya nang magsalita itong muli na nagpaputla sa kaniya. "Nice dancing, by the way. Hindi ka mukhang mahilig magsayaw no'ng senior high tayo."

"A-anong...?" Hindi siya makagalaw at tila tumahimik ang paligid kahit ang totoo ay lalong mas nagiging wild ang mga tao sa bar dahil palalim na ang gabi.

Mahinang tumawa si Alvin sa reaksyon niya ngunit hindi iyon mapang-uyam natawa. May something...

"Jewelle Anne Reyes, Ms. I-just-want-to-tell-you-that-you're-my-inspiration, akala mo ba talaga ay hindi na kita maaalala pa? Happy birthday nga pala!"

Hindi niya malaman kung ano ang uuunahing i-absorb sa mga sinabi ng lalaki. Una, alam nito ang buong pangalan niya—no, naalala raw nito 'yon! Naaalala siya ni Alvin! Pangalawa ay aware ito na ngayon ang kaarawan niya.

"S-salamat," 'yon na lang ang kaniyang naisagot. Nahihiya siya. Hindi kasi niya alam kung ano ang iniisip ni Alvin. Mas lalo siyang naihiya kasi natatandaan pa nito ang eksaktong mga katagang inamin niya through chat sa lalaki. He was her inspiration. At heto nga sila ngayon, may magulong damdamin sa isa't isa.

May katahimikang naganap sa pagitan nila ngunit muling nagsalita si Alvin na unti-unting naging seryoso ang hitsura. "Alam kong birthday mo 'to, Jewelle, pero pwede bang ako ang humingi ng regalo?" anito. Wala sa sariling tumango si Jewelle dahil hindi na niya alam ang sasabihin. "Can I spend the night with you? We have lots of catching up to do and more than that. Please... Jewelle Anne." He pleaded.

Her name rolling through his tongue sounded like a flashback, but then she smiled and nooded again. "Sure, Alvin Lance."

L'île Bachelorette Series 1: Jewelle AnneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon