Chapter 10

498 18 0
                                    

"ALVIN, anak..." He heard a soft knock coming from the wooden door of the apartment he chose to stay in as soon as he left his parent's house.

Mag-iisang buwan na at parati siyang kinukulit ng kaniyang inang umuwi pabalik sa bahay nila. But Alvin doesn't know. Naiinis siya rito dahil nakinig ito sa Harriet na 'yon na gusto na raw umano siyang pakasalan. Ngayon, wala na sa kaniya si Jewelle. Mag-iisang buwan na rin nang umalis siya sa isla pero kahit na sandali ay hindi niya makuhang makalimutan ang babae at ang mga alalaalang naiwan nila roon. He's already in Manila but his heart was left in L'île Bachelorette.

Pumasok sa isip ni Alvin na baka narinig siya ng babae na kausap ang ina tungkol sa pera ng kaniyang ama. 'Yon lang naman ang mali niya. But he didn't intend to use Jewelle. God knows how he loves her. Sa katunayan ay masaya nga siyang ang babae ang mapapangasawa kung gusto na talaga ng ina nito na mag-settle siya. He'll use the other half of his money to start a life together with Jewelle. Bubuo sila ng masayang pamilya. Everything was already planned for them, but this happened!

Hindi malaman ni Alvin kung kailangan ba niyang maghintay muli ng pitong taon bago sila magkita. Sa galit na ipinakita ng mga kaibigan nito bago siya umalis sa isla ay mukha wala itong balak magpakita sa kaniya. He even tried looking for her but all of her friends block his way! He wants to kill himself for hurting her. It's the last thing in his list to hurt the— literally— girl of his dreams.

Speaking of dreams, balik na naman ang mga panaginip niya tungkol kay Jewelle. Ngunit kumpara sa dati, ang mukha na ngayon ng dalaga ay malinaw na sa kaniya. Nando'n ang mga alaala nila sa isla, ang mga pasimpleng tingin niya rito noong high school sila, ang mapupula nitong pisngi't ang kaniyang mga mata.

Alvin huffed a breath to face the person behind the door dahil wala pa rin itong tigil at kahit naman may galit siyang nararamdan sa ina ay ina niya pa rin ito.

"Anong ginagawa niyo rito?" Malamig na bungad niya pagkabukas ng pinto. Hindi na siya gaanong nagulat nang makitang hindi ito nag-iisa at kasama nito si Harriet.

"Anak... talk to me." Mabilis na hinawakan ng kaniyang ina ang kamay niya at ipinagsaklop ngunit binaklas niya ito.

"Why are you with this girl, Ma? Hindi ko siya girlfriend o fiancée, okay? It was all a show, para makuha ang natitirang pera ko kay Dad. Now, I don't care a bit so you can go now," mariin niyang sagot. Yes, wala na ring silbi ang pera na 'yon. He admits, dati ay gusto niya ang pera para sa pansariling kagustuhan pero noon 'yon—noong wala pa siyang gustong gawin sa buhay kung hindi ang manatili ang kasalukuyang kinatatayuan. But now that he has found her again, the reason why he is staying single, siya na lang ang gusto niya... ang kaso ay nawala pa. And he can't help but to blame others for it kahit alam naman niya sa sarili niyang hindi siya naging perpekto para sa babae. Ang dami niyang kagaguhan tulad na lang ng panloloko niya noong grade 12 sila rito para makapag-focus itong muli sa kaniyang pag-aaral.

"I'm sorry, AL." This time ay iyong si Harriet naman ang nagsalita. They are still at the doorway at wala naman ang mga tao sa katabi niyang apartment kung kaya't hindi na siyang nag-abalang papasukin ang mga ito para kausapin.

"I forgive you, kung ano man sa tingin mo ang nagawa mong kasalanan. Now, leave," asik niya. Nagtatangis ang kaniyang panga. His Jewelle... he lost her and don't know how to find her again and talk to her about everything. Ngunit hindi siya nawawalan ng pag-asa. Kung noon ngang pitong taon silang hindi nakita ay pinagtagpo sila muli ng panahon, ano pa ngayon? Siguradong hindi sila pababayaan ng tadhana.

Kapwa malungkot ang mga mata ng ina ni Alvin at ni Harriet. Hindi ganoon katigas ang puso niya para hindi maantig sa mga ito, pero hindi niya kayang hindi magalit para kay Jewelle. His mother can be a manipulative witch while this Harriet can be more than that because of her past with Lee. At lahat ng gagawin ng dalawa ay makakasakit kay Jewelle. Whatever hurts her girl hurts him, too.

L'île Bachelorette Series 1: Jewelle AnneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon