Chapter 6

498 17 0
                                    

"HAPPY birthday, Jewelle!" greeted her friends as she was left dumbfounded at the top of the staircase. Naka-pajama pa siya ng pink dahil kagigising lang niya at nakakatawang bumagay iyon sa mga dekorasyon sa malawak na sala ng kanilang mansiyong magkakaibigan na walang iba kung hindi ang baboy na si Peppa.

There were Peppa Pig balloons floating in the ceiling at hindi nakatakas sa paningin ni Jewelle ang cake na hawak ng mga kaibigan na complete attendance. Isa itong cake na hugis mukha ng cartoon character!

Hindi niya malaman kung matatawa siya o maiirita sa mga ito. She really thought na mag-isa siyang magce-celebrate dito sa isla ngayon dahil ni hindi maka-reply sa GC ang mga ito. But she is beyond happy to see them all here at her special day.

"Wow, wow. May pa-surprise kayo pala kayo, ha. Hindi niyo man lang sinabi," natatawang utas ni Jewelle pababa sa hagdan. Si Peppa talaga ang lagi nilang hinahalintulad sa kaniya tuwing namumula na ang kaniyang mukha.

Kezziah rolled her eyes. "Malamang, hindi namin sasabihin. May surprise bang sinasabi?" pambabara nito sa kaniya. The usual Kezziah Allyne. May mga kaibigan siyang sumuporta sa sinabi nito na napa-"woah" at nauwi na lang sila sa tawanan.

"Blow the candle na dali! Gutom na 'ko!" Si Jahnella a.k.a. Jandy ang nagsalita at agad na nilapit sa kaniya ang cake. She blew it fast dahil wala naman na siyang mahihiling pa ngayon.

Well... except for having Alv— oops. She bit her lip as if her friends heard her thoughts. Pihadong namula rin ang kaniyang pisngi.

Pang-apat na araw na pala ng binata rito sa isla at bukas ay aalis na ito kasama si Harriet. At pagkaalis dito ay who knows... baka maghanap na sila ng wedding coordinator at one day ay may tatawag na lang kay Jewelle bilang punong-tagapamahala sa mga booking na magpapa-reserve ng isang beach wedding reception.

Dumiin ang kagat ni Jewelle sa labi dahil sa mga naisip. Oh, this overthinking is killing her. Ni hindi nga niya gustong maalala ang bawat paglapit sa kaniya ng lalaki, ang pagka-usap nito sa kaniya, ang pagdampi ng balat nito sa kaniya, at kung ano-ano pang may kinalaman dito. But her mind is such a brat. Hindi ito nakikisama kaya heto siya ngayon at nakikipagtalo sa sarili habang ang mga kaibigan ay nakaupo na sa mahabang dining table na nagsasalo na sa engrandeng breakfast para sa birthday niya.

"What are you still doing there, Jew? Kain na!" Sigaw sa kaniya ni Theia na mukhang nababasa na nasa utak niya na naman ang lalaking 'yon. Agad na siyang dumulog sa mga kaibigan at ngumiti nang malawak.

Oh, well. Nae-excite siya sa araw na ito. She has decided. Tulad na rin ng nasabi ng kaniyang ina, nasa kaniya ang desisyon kung makakalimutan niya ang lalaki. And she is choosing not to. She will be selfish just this once. This is their island—her island—and this is her day. She'll do whatever her heart desires.

At ang gusto ng puso niya... si Alvin. Kahit hindi niya alam kung bakit siya pa rin at kung bakit pagdating sa lalaki ay natatanga siya.

"ALVIN, wait up!" habol ni Harriet sa lalaking mabilis na naglalakd sa dalampasigan. Kay aga pa at hindi ito mapakali. He just heard from a staff that one of the owners of L'île Bachelorette is going to celebrate her birthday today. Pulos babae ang may-ari ng islang ito. Mailap sila sa madla at sa media kaya't hindi kilala ng lahat kung sino-sino nga ba ang mga misteryosang dalaga. Hindi naman sinasadya na sa pakikinig ni Alvin na 'yon ay malalaman niyang ang may kaarawan ngayon ay ang babaeng kahapon pa hindi umaalis sa kaniyang utak—si Jewelle!

He felt very stupid. He needs to do something for her. He needs to see her. "Agh!" Sinipa niya ang pebble na naligaw sa dinaraanan niya. He is completely ignoring Harriet who is walking beside him. Hindi naman niya ito inayang sumama sa kaniya pero simula pa kahapon nang hindi na ito tumuloy sa pagsu-swimming ay naging sobrang clingy nito.

L'île Bachelorette Series 1: Jewelle AnneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon