Chapter 8

459 16 0
                                    

ILANG minuto na rin ang nakalipas at wala pa ring nagkikibuan sa dalawa. Alvin brought her in his overwater bungalow. Tahimik dito at maaliwalas at tanging ang malumanay na alon lamang ang naririnig mula sa labas maliban sa sariling pintig ng puso ni Jewelle. She saw a wall clock and it says 11:43. Malapit nang matapos ang kaarawan niya. Nang hindi na makatiis ay nauna siyang magsalita.

"W-why are we here again?" Pilit niyang pinapakalma ang kaniyang puso. Nakaupo sila sa harap ng lamesa sa dining area ng bungalow. "And where is... she?" Sumisim siya sa kapeng dinaanan nilang bilhin bago pumunta rito pampa-aliwalas sa kaniyang pakiramdam sa pag-inom ng alak.

"Umuwi na siya." Alvin just shrugged. Him looking intently at her is very bad to her health. Tila kasi ilang kabayo ang humahabol sa kaniya sa bilis ng tibok ng kaniyang puso at parang ang abnormal nito.

Jewelle filled her lungs with air after sipping the last drop of her coffee. May tila kumurot naman sa kaniyang pilit siyang ginigising na oo nga pala at may fiancée na ito. Ano ang ginagawa niya rito? Dahil lang umalis na ang babae, siya ang papalit? Is Alvin even thinking right?

Well, siya nga ay hindi nag-iisip nang matino ngayon, so he won't blame the guy. If ever he's just using her at the moment ay magpapa-uto siya. She'll go to the way where her heart seeks to be. Seven years... ganoon kahabang panahon niya tinikis ang sariling nararamdaman. Now that she can be considered doing fine in life, maybe it's time to finally complete her self... with this man.

Pero paano nga ba? She'll never know if she won't ask. Wala nang pakialam si Jewelle kung masasaktan siya sa ibang malalaman niya ngayon. Tumikhim muna siya at alangang ngumiti. Pampaiba lang sa mood. Sawa na siyang maging awkward. She needs to take risks, she accepts that fact, and here's her greatest risk—Alvin Lance.

"We're here to catch up, right? Let's start then. Tell me about your fiancée." Pinatatag ni Jewelle ang kaniyang boses. She intended to start with that question. Kahit kasi marami siyang tanong ay 'yon ang nangunguna sa kaniyang listahan. She has no idea how he knew Harriet—the ex-girlfriend of her ex-crush. Sobrang liit naman kasi ng mundo.

"Yeah, marami tayong pag-uusapan. But not here, babe. I hope you're not drunk already. Gusto ko kasing matandaan mo ito bukas paggising mo. Tara," inilahad ng binata na nauna nang tumayo ang kaniyang kamay kay Jewelle. Her face turned red instantly at napansin 'yon ni Alvin kung kaya't natawa ito. "Babe..." ulit nito kung kaya't wala na siyang nagawa at sumama rito palabas doon.

Hindi na rin pumalag ang dalaga nang lagyan siya ng piring ng lalaki. He covered her eyes with a pastel pink handkerchief. Kung gano'n siguro ang kikidnap sa kaniya ay magpapakidnap na lang siya rito nang walang palag-palag tulad nito.

Mabilis naman ang naging munting paglalakbay ng dalawa. Dahan-dahan niyang tinanggal ang panyong nakakabit sa kaniya at nang makita ang kung anong surprise ng binata ay naitakip niya ang mismong panyo sa kaniyang bibig. Her eyes even watered a bit. Hindi niya ito inaasahan lalo na't mula sa taong ito.

There was a table filled with two plates of carbonara and her favourite steak, na hindi niya gaanong na-enjoy kanina nang mag-dinner silang magkakaibigan dahil sa hindi pagkakita sa lalaki. Mayroon ding champagne at mga kopita. Mababa lamang ang lamesang iyon na kulay puti at napapligiran ng mga unan na may iba't ibang pastel na kulay. Tingin niya ay roon sila uupo.

The only thing giving them light that night besides the moon and the stars are the string lights hanging on the four wood poles with different colors of carnation flower, standing as four corners around them. The design of the dinner setting was very rustic and boho and cute and damn, she likes it!

L'île Bachelorette Series 1: Jewelle AnneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon