Chapter 4

544 11 0
                                    

JEWELLE woke up from her bed feeling light the next morning. Unang bumungad sa kaniya ay ang kabuuan ng kuwarto niyang pulos pastel ang kulay ng mga kagamitan. She likes cute things, at kinalakhan na niya ito. Kung kaya't maging sa kuwarto niya rito sa L'île ay puno ng mga kulay na pastel— isang bagay na nagpapagaan ng kaniyang loob tuwina.

Paglabas niya ay wala siyang naabutang kaibigan sa bahay. It seems like they all are very busy with their lives outside the island. Bukas na ang birthday niya at sana ay maalala ng mga ito 'yon sa gitna ng kanilang pagiging abala.

Anyway, she needs to talk to the best chef of the island about the dishes which will be served tomorrow for their simple dinner. Paborito niya ang steak na inihahanda sa restaurant ng L'île Bachelorette at sisiguraduhin niyang hindi 'yon mawawala sa menu.

Before going out, she wore a floral dress with pastel colors such as baby pink and faint mint green. She doesn't know why she felt like dressing up for the day kahit na bukas pa naman ang birthday niya. Pinarisan niya ito ng simpleng nude-colored na sandalyas.

Pagdating niya sa restaurant ay magara ang ayos nito dahil may wedding reception na naka-schedule dito bukas. Fully booked pa sa fully booked ang isla dahil sa mayamang ikakasal. Dahil hindi pa nagb-breakfast ay napagpasyahan niyang dito na lang din kumain bago kausapin ang chef.

She roamed her eyes with the less than twenty people eating at the restaurant, and that includes the two who are sitting four tables away from her, overlooking the sea at the clear glass wall. Mukhang nagkakasaya ang dalawa at dahil kaunti lang naman ang tao ay rinig na rinig ni Jewelle ang mga itong nagtatawanang tila walang pakialam sa paligid.

"It's really amazing here, hun! E, kung dito kaya tayo magpakasal? Good idea, right? Ang sarap pa ng food!" That was Harriet.

Ayaw mang pansinin ni Jewelle ay naririnig niya ang dalawa. Hindi naman niya gustong pumunta sa ibang floor ng restaurant dahil mag-isa lang siya ro'n kung sakali dahil wala pang paramdam ang mga kaibigan niya. This restaurant—which is called Wanderer's— has different floors which serves various cuisine based on categories such as Western, Asian, Greek, and many more. Bale pito ang floors nito at kung kaunti lang ang tao ay dito lang sa baba ang binubuksang palapag.

"I agree," tipid namang sagot ng lalaki na nagpasikip sa dibdib ng dalaga. Agree saan? Sa magandang kabuuan ng restaurant o sa ideyang dito sila magpapakasal?

Nope, she just can't do this. Malamang ay may nararamdaman pa nga siya sa lalaki pero hindi siya tanga para magpakamatay rito sa pangalawang ulit. He doesn't even remember her name. Siya lang ang lalaking sobrang nagustuhan ni Jewelle at baka nga hindi lang gusto 'yon noon pero wala lang siya rito.

Wala nga lang siguro rito ang mga pag-uusap nila sa chat at pagpapakilala ng common friends nila nang ilang ulit. Hindi naman kasi sila nag-uusap nang madalas sa personal. Kahit na gano'n, sobra ang atraksyong dulot ng binata sa kaniya. Dagdagan pa na pinaasa siya nito na natutuwa ito umano sa kaniyang kausap at magaan ang loob sa kaniya. She thought it could go more than that if she just pushes harder like how she pursued her studies. Pero mali siya dahil kahit anong gawin niya, si Alvin ang pangarap niyang hindi niya makuha-kuha.

She was about to walk out and just make her order delivered in their mansion when Harriet noticed her. Nanlaki ang mata nito at naging mapaglaro ang reaksyon. Tumayo pa ito at sinalubong siya habang papapabas. Even the guy with him saw her and he was equally shocked to see her, but then smiled genuinely that made Jew's heart thump hard.

"Oh, my! You're very familiar," nagsalita na naman at inagaw ang kaniyang atensyon ng babaeng nakabistida rin ngunit hapit ito kumpara sa suot niya, kulay abuhin na nagpatingkad sa hubog ng katawan nito. Tumingin pa ang babae kay Alvin. Natulos lang naman sa kinatatayuan niya si Jewelle na hindi alam ang gagawin. "Hun! Siya 'yon."

L'île Bachelorette Series 1: Jewelle AnneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon