EPILOGUE

539 19 0
                                    

"ENJOY the party, friends! Walang uuwi sa mansyon nang hindi lasing, wooh!" It was Hera who shouted. Maingay ang kabuuan ng isla. But the most happy persons on the island were the two of them—Jewelle and Alvin.

Ipinaliwanag na ng lalaki sa kaniya ang lahat-lahat at imbis na magalit dito ay tila pinuno ng kung anong saya ang kaniyang puso nang malaman ang dahilan kung bakit ito nilayuan ng binata noong senior high school sila. He cares for her that much. Hindi ito nanging makasarili upang matupad niya ang sariling pangarap. There's no reason for her now to put him down. Mahal nilaang isa't isa at kahit ano pa man ang kanilang mga pinagdaanan sa nakaraan ay tinitignan na lamang niyang alaalang magpapatibay sa kanila.

They are now dancing in slow pace in the middle of the upbeat song. Magkadikit ang kanilang noo at tila walang ibang tao sa paligid. After they reconciled ay napagpasiyahan nilang sa isla na pag-usapan ang issues nila sa isa't isa. At ngayon, heto na nga sila sa party na pinangungunahan ni Azure.

"Get a room, love birds! 'Wag kayong magkalat sa party ko!" Speaking of Azure ay sinigawan sila ng mga ito mula sa gitna ng mga taong nagwawala sa pagsayaw.

They both laughed. Naghiwalay silang dalawa ngunit hindi binitawan ang titig sa isa't isa.

Balak makausap ni Jewelle si Harriet one of this days dahil ang gusto niya ay ang magsimulang muli kasama si Alvin. Even his mom ay nais nang kausapin ng dalaga. But for now, magpapakasaya muna siya sa piling ng taong mahal niya at ngayon ay mahal din pala siya.

They were about to find a more peaceful place to go since they are not really focused on the party when a commotion stopped them. Theia punched a random man that stopped the people dancing around them!

"Oh!" napalatak din si Alvin nang napansin ito pero parang na-amuse ang lalaki imbis na ang magulat sa inakto ng kaibigan niya. May bahid ng pag-aalala sa mukha ni Jewelle pero pinili niyang hindi lapitan ang kaibigan dahil knowing Theia, idadamay siya nito sa init ng ulo niya. "I'm pretty sure that hurts. Poor guy."

Napakunot na lang ang noo ng dalaga sa tinuran ni Alvin dahil sa pagkakasabi nito ay tila naramdaman na nito ang suntok ng kaibigan. Little did she know, he really has tasted it.

Hindi nagtagal ay bumalik na ang ingay ng party at may mga bodyguards nila ang rumesponde sa eksenang ginawa ni Theia. She smells something fishy, pero mamaya na lang siguro niya uusisain ang dahilan ng biglang pag-aalburoto nito.

Nagpatuloy na sila sa pag-alis mula roon at tumigil sa daan na iniilawan ng maliit na poste patungo sa overwater bungalow. The moment seemed very nostalgic upon remember that time when they first talked in this exact place.

She was just staring at the peaceful sea, feeling contented with his presence when he suddenly kneeled beside her.

Napatanga ang dalaga at nanlaki ang mga mata. Ang ingay ng party ay unti-unting napangimbabawan ng ingay na nagmumula sa kaniyang puso. "Alvin, what are you d-doing?"

He just grinned at her and the dim light surrounding them added to his charm. Kinakabahan si Jewelle. Is he... proposing? This fast?! "Easy, honey," anito sa kaniyang na may munting himig ng tawa. "I am not yet going to ask you to marry me, though, that would be better. Pero alam ko namang gusto mo muna i-enjoy ang kung ano ang meron tayo sa kasalukuyan. That is why I just want to ask for now... will you be my girlfriend?"

Imbis na sagutin ang lalaki ay hinila niya ito patayo at hinalikan sa labi. That was just supposed to be a smack, but he hugged her waist, reprimanding her to go.

Their lips moved in passion. No one feels like letting go.

This moment, this guy, her family, her friends, and their island—they just all made her perfect under the moonlight and she couldn't be happier. Of all her achievements in life, having Alvin Lance Pizano is her favourite.

L'île Bachelorette Series 1: Jewelle AnneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon